Chapter 31

472 36 4
                                    

Katherine POV

Tumunog na ang kampanta hudyat na tapos na ang klase kaya agad kong kinuha ang bag ko para lumabas ng classroom.

"Kath punta ka ah" sabi ni vince.

"Oo pupunta ako" sabi ko at kumaway sakanya bago tuluyang maglakad palayo.

Habang naglalakad ako ay nakita ko sa hindi kalayuan sina mavi at ang mga kaibigan nito. Pero wala si kuya zael, lucas, kio at puma.

Napapansin ko din na madalang nalang silang makumpleto.

Paglabas ko ng Saint Antonette ay sumakay agad ako sa taxi at sinabi ang address sa driver.

Nakarating na kami sa subdivision kung saan nakatira si sir kaiden at tanaw ko mula sa kalayuan si jerzel at si sir kaiden na pasakay ng kotse. Hindi na ako bumaba sa taxi bagkus ay pinasundan ko 'to.

Habang nasa byahe kami ay parang alam ko na kung saan pupunta sila sir kaiden ngunit hindi ko lang sigurado.

Huminto ang sasakyan ni sir kaiden kaya huminto din ang taxi na sinasakyan ko sa hindi kalayuan sakanila  pero sapat na 'yon para hindi nila ako mapansin.

Habang tinatanaw ko sila mula sa malayo ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko 'yon.

[From:Vince

Kath where are you? My friends are here ikaw nalang ang kulang]

Message 'yon ni vince at hindi na ako nag abalang replyan siya. Nagtago ako ng makita kong pasakay na ulit ng kotse sila sir kaiden kaya hinintay ko muna silang makaalis bago pumunta sa pinuntahan nila.

Ng makaalis ang kotseng sinasakyan nila ay pinuntahan ko na ang sadya nila dito sa sementeryo.

Nakita ko kaagad ang pangalang Astraea Irish Park at Jerzel S. Park. Magkatabi lang ang puntod nilang magina at may nakalagay din na bulaklak sa tabi nito.

Habang pinagmamasdan ko ang lapidang may nakaukit na pangalabg astraea ay parang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ni hindi ko nga kilala kung sino siya.

Pero pakiramdam ko ay naging parte siya ng buhay ko noon.

Please just let me out!

Mommy... daddy... kuya nasaan na po kayo.

Parang bulong 'yon ng isang batang babae na humihingi ng saklolo sa isipan ko. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya minabuti kong umalis na sa lugar na 'yon.

Sumakay ulit ako sa taxi at sinabi ang address ng sunod kong pupuntahan na tinanguan naman ni manong.











"Ma'am.." tawag saakin ng driver.

"Manong bakit po?" Tanong ko.

"Nawalan po tayo ng preno" sabi ng driver na ikinakaba ko.

"P-po?!"

"Ma'am kumapit po kayo. Baka mabangga tayo" sabi ni manong.

"Manong yung truck!!!"

Booogshhh!



Zael's POV

I recieved a call coming from a stranger using katherine's number.

"Dad! Naaksidente si katherine" sabi ko.

"Ano?! Jusko po! Paano nangyaring naaksidente siya?" Nagaalalang tanong ni dad.

"Nawalan ng preno yung sinasakyan niyang taxi at nakabanggan nila ay truck" sabi ko.

"How is she?" Tanong ni dad.

"I don't know that's why I'm going to the hospital" sabi ko.

"Sasama ako use my car zael" sabi ni dad at binigay agad saakin ang susi.





Kararating lang namin sa hospital dinala na sa emergency room si katherine. Posibleng critical condition daw si katherine dahil madaming dugo ang nawala sakanya.

Lumapit ako sa mama ni kath na walang patid ang luha nito sa kakaiyak.

"Magiging okay din po si kath wag kayong magalala. My dad will hire a great doctor to save her. Malakas po ang anak niyo tita kaya wag kayong magalala kaya yan ni katherine" sabi ko ngunit hindi naging sapat ang mga sinabi ko para gumaan ang pakiramdam ng ina ni katherine kaya niyakap ko nalang ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Sunod na dumating ay si mavi at kio pati si lucas.

"What happened to her?" Tanong ni mavi.

"Akala ko ba galit ka sakanya?" Sabi ko.

"Tsk. Kuya this is not the right time para unahin ang galit ko sakanya" sabi ni mavi. I don't listen at him and faced kio.

"Akala ko ba ikaw ang magbabantay sakanya? Look what happened to her kio" sabi ko. Hindi makatingin si kio saakin.

"Sorry Hindi ko nagawa" sabi niya at parang may pagsisisi at lungkot sa boses niya ng sabihin niya 'yon.

"Why are you acting like her kuya? Pero pag kay jerzel hindi ka ganyan!" Inis na sabi ni mavi.

"Hanggang dito ba naman jerzel parin ang bukang bibig mo? 'Yang tinuturi mong kapatid ay masama ang ugali. That's why I don't treat her like my sister. kaya kung nandito ka para makipagaway pwede bang umalis kana? Hindi ka kailangan dito. Dun ka sa kapatid mong plastic magsama kayong dalawa" sabi ko na ikinatangis ng bagang niya at umalis nalang siya bigla.

"Hindi ko dapat siya iniwan..." sambit naman ni kio. "I'm sorry bro..." sabi niya pa.

"It's okay. Let's just hope na okay lang siya" sabi ko.

Bigla namang lumabas ang doctor sa emergency room kaya lumapit kami sakanya.

"She's in coma... at kailangan niyang masalinan ng dugo" sabi ng doctor.

"Sino ang-" hindi na pinatapos ni daddy  ang doctor at agad itong nag volunteer.

"Kailangan mag match ang dugo ninyong dalawa. By the way, are you the father?" Tanong nito kay daddy.

"No, but I'm willing to help. What's her blood type?" Tanong ni daddy.

"Type O" sabi ng doctor. Tumango naman si dad dahil parehas sila ng blood type ni katherine.

"Can we come inside?" Tanong ko.

"Yes. Pero isang tao lang ang pwedeng pumasok" sabi ng doctor na tinanguan naman namin.





To be continued.

Hoping na sana wala ng mamatay sa story na 'to T_T

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now