Chapter 36

473 42 13
                                    

Katherine's POV

Palabas palang ako ng ospital at hinihintay ko si kio dahil siya daw ang maghahatid saakin pauwi.

Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay napatingin ako sa cellphone ko na tumunog kaya tinignan ko 'yon.

Si Jerzel ang nag message saakin tss ano nanaman kaya ang gusto nitonf babaeng 'to.

[From: Jerzel

Hi kath. Can we talk? I just want to apologize to you personally. Magkita tayo sa S.A.U I'll be waiting for you there]

[To: Jerzel

Sige...]

Bigla akong napatingin sa pinto ng bumukas iyon at naglakad palapit saakin si kio.

"Tara na" nakangiti niyang sambit at kinuha ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko at siya ang nagbitbit non.

Nagtungo kami sa parking lot ng hospital at pinasakay niya ako sa kotse niya.

"Iuuwi mo na ba ako?" Tanong ko kay kio ng makasakay siya.

"Oo doon ka magpahinga sa bahay niyo wag kang mag gagala" sabi ni kio na tinanguan ko naman.

Habang nasa byahe kaming dalawa at nakatuon lang ang atensyon ni kio sa pagmamaneho ay naka receive naman ulit ako ng message galing kay jerzel pero hindi ko 'yon binasa.




Nang makarating kaming dalawa ni kio sa bahay ay hindi muna siya umuwi.

"Hindi kaba hahanapin ng mama mo?" Tanong ko sakanya.

"Nope. Alam naman niya na ikaw ang kasama ko" sabi niya.

"Wait what? Alam niya? Ibig sabihin kilala niya ako?" Nakakunot noong tanong ko.

Tumango tango naman saakin si kio sabay ngiti. "Ipapakilala din kita kay mommy sa personal" nakangiting sabi ni kio.

Nginitian ko lang si kio bilang tugon sa sinabi niya at pinagtimpla ko siya ng juice.

"Kath" tawag niya sa pangalan ko.

"Ba't ang ganda mo?" Tanong niya sakin.

Uy enebe hindi nemen masyado.

Char landi mo ghorl!

"Syempre kasi maganda ang lahi namin" nakangising sabi ko sakanya. "Bakit? Gusto mo bang magpalahi? Choss" sabi ko sakanya na ikinatawa ko.

Katherine niyo humaharot na!




Umabot ng isang oras ang paguusap namin ni kio kung tutuusin ay bitin pa 'yon pero kailangan niya ng umalis dahil tumawag ang daddy niya.

Nang makaalis si kio ay dumiretso naman agad ako sa kwarto at nag bihis atsaka nag paalam kay mama na aalis.

Pumara ako ng taxi at binigay ko kay manong driver ang address na pupuntahan ko.

Nang makarating ako sa S.A.U ay pumasok ako sa campus pero hindi sa mismong school.

Nakita ko kaagad si Jerzel na nakasandal sa dala niyang kotse kaya lumapit ako sakanya.

"Jerzel? Ano bang paguusapan natin?" Tanong ko.

"Let's talk somewhere else wag dito. Come inside my car" sabi ni jerzel kaya pumasok ako sa loob ng kotse niya.



Jerzel's POV

"Katherine?" Tawag ko sa pangalan niya.

"Bakit?"

"I'm sorry I have to do this" sabi ko at tinakpan ang ilong niya ng panyo at kasabay non ang pagkawala ng malay niya at pagkatapos ay pinaandar ko ang kotse ko.

I really don't want to do this but I have to. Buhay ng mga magulang ko ang nakasalalay dito.

And I dont want to risk their life I dont want them to die, gusto ko pa silang makasama gusto ko pang makilala ako ng tunay kong ina. Gusto kong makabawi sa mga pagkukulang ko bilang anak nila.

Habang nagmamaneho ako ay walang patid ang pag agos ng luha ko kinakain ako ng konsensya ko. Ayoko ng gawin to pero ayoko pang mawala ang mga magulang ko.

Inihinto ko ang kotse ko sa gilid at tinawagan ang tatay tatayan ko.

"D-daddy..." sambit ko.

"Yes anak? Okay ka lang ba? Mukhang umiiyak ka?" Sabi niya mula sa kabilang linya.

"Hindi ako si Jerzel" diretsong sabi ko. Sandaling natahimik muna ang kabilang linya ng biglang mag salita si sir kaiden.

"A-ano ba ang pinagsasabi mo? Ikaw si Jerzel ang anak ko" sabi niya.

"Kasama ko ang totoong Jerzel na anak niyo nasa panganib ang buhay niya pasensya na kayo pero kailangan king gawin to" sabi ko mula sa kabilang linya at inend call na.

Pinatay ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pagmamaneho.




Katherine's POV

Nagising ako na madilim na ang paligid ko at masakit ang ulo ko. Tumayo ako para buksan ang ilaw ngunit napatigil ako ng maramdaman kong naka kadena ang kamay at paa ko.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko na para bang naranasan ko na ito noon.

Sinubukan kong alisin ang kadena na sa kamay at paa ko ngunit hindi 'yon maalis.

Tumutulo na ang luha ko na may halong kaba at takot.

"Kamusta kana Jerzel?" Rinig kong boses ng isang lalaki.

"Sino ka? Hindi ako si Jerzel" sabi ko.

"Talaga ba? Hindi mo ba naaalala ang nakaraan mo? Hindi mo ba naaalala ang mga bagay na nangyari sayo noon?" Tanong niya.

"Hindi. W-wala akong maalala. Atsaka sino kaba? Pakawalan mo ako dito!" Sabi ko.

"Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko" sabi niya.

Hindi ko siya makita dahil madilim at tanging boses niya lang ang naririnig ko.

"Pakawalan mo na ako please. Wala naman akong kasalanan sayo kaya bakit ako yung iginapos mo dito tanga kaba" sabi ko sakanya.

Naramdaman ko ang pag hawak niya sa baba ko na ikinabigla ko naman.

"Wala ka ngang kasalanan pero ang tunay mong tatay ay merong kasalanan saakin" sabi niya.

To be continued.

Hi guys! Malapit na po tayo may 5k followers at gusto ko po sanang icelebrate ang 5k followers bilang pasasalamat sainyo.

You can ask me any question po at gagawa po ako ng video na sasagutin ko ang mga tanong ninyo saakin bilang selebrasyon sa pagkakaroon ko ng 5k followers

Pwede niyo pong itype sa comment section ang mga tanong ninyo o kaya sa Fb page ko at doon niyo po isend ang mga katanungan niyo.

I'll post my question and answer video on my fb page kapag na reach na po natin ang 5k followers😊

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon