Chapter 8

694 44 10
                                    

Nagising si Katherine at basang basa ang mata niya dahil sa luha. Ang lakas din ng kabog ng dibdib niya na para bang totoo ang nasa panaginip niya.

"Katherine anak?" Rinig niyang tawag sa kanyang ina. Agad niyang pinunasan ang luha niya at binuksan ang pinto ng kwarto niya para salubungin ang nanay niya.

"Bakit po ma?" Tanong nito.

"Mamamalengke lang kami ng papa mo ha? Ikaw muna ang maiwan dito" ani ng kanyang ina.

"Sige po ma ingat po kayo" sabi niya at lumabas na ang mama at papa niya. Siya naman ay naglinis ng kwarto niya at naglinis din sa kusina.

Pagkatapos niyang maglinis ay uupo na sana siya ng biglang may kumatok sa labas ng pintuan.

Kaya pinagbuksan niya iyon ngunit laking gulat niya ng makitang si Zael 'yon at may dala dalang paper bag.

"Kuya zael ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Katherine.

"Pinapabigay sayo ni dad. Damit 'yan na susuotin mo para bukas" sabi niya.

"Damit? Bakit po? Anong meron bukas?" Tanong ni Katherine.

"Basta, wag ka ng masyadong maraming tanong babae" sabi ni Zael

"Sige po" sagot niya.

"Paguwi mo galing school mag ayos ka at suotin mo 'yan. Ako ang magsusundo sayo" sabi ni Zael na tinanguan naman ni Katherine.

Wala ng ibang sinabi pa si Zael at basta nalang itong umalis.

"Tss bakit ba ganon yun? Laging nakasimangot?" Tanong ni Katherine sa kanyang sarili at napailing iling.





Mavi's POV

Dito na sa bahay natulog sila kit dahil hindi na sila pinayagan pa ni daddy na mag drive pauwi. Dahil malalim na din ang gabi.

Naging abala kami ngayon sa pag sosolve ng case kaya medyo pagod sila kaya nakatulog agad.

At ako naman gising na gising pa din ang diwa ko. Si kuya Zael naman hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi malamang ay sa condo na niya ito nag stay. Si ate Irish naman ay umuwi na kanina pa.

Todo asikaso nga si ate irish saamin kanina. Ang weird nga lang dahil kapangalan siya ni mommy. Pero everytime na kasama ko siya pakiramdam ko ay kasama ko din si mommy dahil medyo kahawig ni ate irish si mommy at kaugali niya din. Maalaga din siya parang si mommy. Naiba nga lang height hehehe.

Matagal ng may gusto si ate irish kay kuya since first year high school palang kami. Malapit din siya kay dad ewan ko ba ang gaan ng loob namin sakanya hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa kaugali niya si mom o kahawig niya.

At isa pa boto din ako sakanya para kay kuya. Bagay naman sila eh mas matanda nga lang si ate irish ng isang taon saming dalawa ni kuya.

Age doesn't matter naman.

Napalingon ako sa pinto ng balcony ng pumasok si dad.

"Bakit hindi kapa natutulog anak?" Tanong ni daddy.

"Hindi po ako makatulog dad" sabi ko.

"Ganun ba?" Sabi ni dad. Tumango ako sakanya at napasulyap sa madilim na langit na puno ng mga bituin.

"Sana nandito sila mommy and Jerzel sana hanggang ngayon ay kumpleto pa din tayo" sabi ko at kumawala ang butil ng luha sa mga mata ko.

"Wish ko din yan anak. Kung nailigtas ko lang sana ang mommy at ang kapatid niyo sana ay kumpleto parin tayo" sabi ni dad. Palihim akong napasulyap kay dad at kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

Hanggang ngayon siguro ay sinisisi niya parin ang sarili niya dahil nabigo siyang iligtas si mommy at jerzel.

"Pinaka malaking kabiguan ko sa buhay ang hindi ko nagawang pagligtas sa mommt at kapatid mo" ani ni daddy at tuluyan ng kumawala ang butil ng luha sa mga mata nito.

"Nagpapasalamat pa din ako kay mommy dahil nailigtas ka niya. Kung hindi ka niya nailigtas malamang ay kaming dalawa nalang ni kuya ang magkasama ngayon" sabi ko.

Napatingin sakin si dad at tipid itong napangiti.





To be continued.

Nalulungkot ako bat pa kasi namatay si Astraea at Jerzel eh!

T_T edi sana happy happy sila ngayon.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now