Chapter 20

572 34 0
                                    

Irish POV

Nakasuot ako ng uniform ng S.A.U hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking to dahil basta nalang niya akong inaya.

"Zael baby where are we going?" Tanong ko sakanya.

"Sa mars" sabi niya na inirapan ko naman.

Nice answer bitch! Nagtatanong ako ng maayos dito tss.

Kahit talaga patay na patay ako sa taong to gusto ko pa din siyang banatan minsan! Nakakainis kasi yung ugaling pinapakita niya sakin!

Katulad kanina na hurt ako sa sinabi niya ah! Malapit na nga ako mawalan ng pagasang magugustuhan niya ako eh pero I'm still trying! Baka may himalang mangyari na bigla niya din akong magustuhan.

Tama na irish!

Go lang irish keri bells to!

"Sagutin mo nga ako ng maayos!" Sabi ko.

"Sa mars nga!" Irita niyang sabi.

Nice. Isa pa si Zael mabilis siyang mainis, low tempered ganon tapos masyadong seryoso sa buhay hindi ko nga alam kung nagawa na nating mag party party like yung ginagawa ng ibang lalaki na pumupunta sa mga club or bar para maghanap ng chix.

Diba ganun naman yung iba?

Pero iba kasi si Zael eh that's why I like him. Palaging libro ang hawak niya ang sabi saakin ni mavi noon pa daw yan ganyan si Zael since bata pa sila.

Ang boring siguro ng childhood nitong lalaking to!

Well totoo nga ang pinaka may masayang childhood ata sakanilang magkakapatid ay si mavi at jerzel pero patay na yung babaeng kapatid nila matagal na.

Nakuwento lang sakin ni mavi kaya alam ko hehehe.

"Hoy baba kaba o tatanga ka lang diyan?" Rinig kong sabi ni Zael.

Napailing iling ako at napatingin sakanya. Lumabas ako ng kotse at tinignan ko ang kaharap naming gusali.

Mars.

Hala legit nga uy! Sa mars nga akala ko nagbibiro lang ang lalaking yun!

Pumasok kaming dalawa ni Zael at nagulat ako ng marealize kong mamahaling restaurant ito.

Oh my gosh!

Oh teh! Nag aassume ka nanaman diyan!

Date ba to!? Ghad shet kung date to ako na ang pinaka maswerteng dyosa sa balat ng lupa at langit!

Ni-date ako ni Zael Shon Park!

Ahh mah hart!

"Bakit tayo nandito?" Patay malisyang sabi ko.

"Bagong bukas lang na resto 'to at gusto kong ma try ang mga putahe nila dito kaya sinama kita" sabi niya.

"Sus" mahinang sabi ko.

Kunwari pa ang lolo niyo! Alam ko namang date to oh well sakin nalang yon!

Baka nag aassume lang din ako.




Katherine POV

Hindi na ako nakapasok sa school dahil hindi na ako umabot kaya dumiretso nalang ako sa trabaho ko.

"Katherine paki kuha nga yung order nung nasa dulo" sabi ng ka workmate ko.

Tumango tango ako sakanya at kinuha ang menu na pwedeng pagpilian.

"Good afternoon Ma'am, sir may I take your order?" Nakangiting sabi ko.

Tinuro naman nila ang gusto nila at ng masatisfied sila sa mga kinuha nilang menu ay bumalik na ako.

"Oh ito yung order nila" sabi ko at sabay abot ng list.

Pumasok muna ako sa staff room dahil nakaramdam ako ng sakit sa ulo at pagkahilo.

Nagdidilim ang paningin ko mabuti nalang at nakahawak ako sa upuan.

"Oh kath, ayos ka lang ba?" Tanong ng isa ko pang ka workmate.

"Oo" sabi ko.

"Sigurado kaba? Eh anong nangyayari sayo bakit muntik ka ng matumba? Gusto mo bang tawagan ko si sir para bigyan ka muna ng day off" sabi niya.

"Wag na ayos lang ako nahilo lang ako dahil siguro hindi pa galing yung sugat ko" sabi ko sakanya.

"Osige mag pahinga ka muna diyan ako muna bahala sa mga trabaho mo kapag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako" sabi niya na tinanguan ko lang.

Napatingin ako sa salamin nakadikit sa dingding at napahawak sa peklat ko na nasa mukha ko.

"Saan ko kaya to nakuha?" Takang tanong ko sa sarili ko.

Wala naman kasi akong maalalang nadisgrasya ako nung bata ako eh.

Tinanong ko naman si mama pero ang sabi niya nadapa daw ako nung bata ako at mukha ko ang nasugatan kaya ako nagka peklat.

Biglang bumukas ang pintuan ng staff room kaya napatingin ako doon at nagulat ako ng makita ko si kio.

"Diba sabi ko magpahinga ka?" Sabi niya.

"Okay naman na ako eh" sabi ko.

"Okay ka? Kaya pala sabi sakin ni eya na namumutla ka daw at parang babagsak na kanina" sabi niya.

"Okay lang ako ano kaba" sabi ko.

"Alam mo ang kulit mo" sabi niya.

Hoy graveh! Kinikilig naman ako sa concern niya sakin duh! Pero wag kang ano diyan Katherine friends lang kayo!

Hindi ang mga katulad mo ang type ni kio!

"Tara na iuuwi na kita" sabi niya.

"Huh? Mamaya na may trabaho pa ako" sabi ko pa.

"Trabaho, trabaho! Isipin mo naman ang sarili mo kath. Kailangan mong magpahinga hindi kapa okay kaya tara na iuuwi na kita" sabi niya.

Napatango na lang ako sakanya at lumabas kami ng cafe at pinasakay niya ako sa dala niyang kotse.

Habang nagmamaneho siya ay nakatingin naman ako sa labas ng bintana. Katahimikan ang namagitan saming dalawa.

"Mamaya pupunta kami ng police station. Ito na ang huling araw ng pag lutas sa krimeng nangyari kay Anthony." Sabi ni kio.

"Goodluck sainyo" sabi ko sakanya.

Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Katulad kanina ay hinatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay namin.

"Salamat" sabi ko na tinanguan naman niya.

"Kath." Tawag niya sa pangalan ko bago ako makapasok kaya nilingon ko siya.

"Hm?"

"Ang ganda mo" sabi niya na ikinangiti ko naman.

"Hmp! Bolero ka" sabi ko sakanya na bahagya niyang ikinatawa.

Kumaway siya saakin bago umalis at ganun din naman ako. May ngiting nakaukit sa labi ko hanggang sa makapasok ako ng kwarto ko.




To be continued.

Sana all.

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Where stories live. Discover now