Chapter 15

797 37 14
                                    

Mavi's POV

Nasa parking lot na kami at kitang kita ko na ang mga kaibigan ko na nag aabang saamin ni kuya.

"Ang tagal niyo talaga kahit kailan! Peste!" Inis na sabi ni kit.

"Tss! Kit naman hindi kapa nasanay" sabi naman ni puma.

"Guys kasama natin si Kath" sabi naman ni kio at napatingin kaming dalawa ni kuya sakanya.

"Why is she-" naputol ang sasabihin ko ng unahan ako ni kuya.

"Nice! Tara na" sabi ni kuya at naunang pumasok sa dalang van ni Lucas.

"Kath bakit kapa sumama?" Tanong ko sakanya.

"Pake mo ba" sabi niya ng makasakay kami.

"Madalas ko kayong makitang magkasama ni kio ah? Kayo ba?" Tanong ni kuya Zael.

"Hindi ah!" Sabay nilang sabi. Nag 'ayiee' naman kami sakanila dahilan para umiwas sila ng tingin sa isa't isa.

"Tumigil nga kayo" sabi ni lucas na seryoso sa pag dadrive.

NG makarating kami sa police station ay naroon na ang dalawang suspects ang isa ay hindi pa namin natutukoy.

"Good afternoon. Nandito kami para interviewhin kayo isa isa" panimula ni kuya.

Tinuro niya ang isang lalaki sa left side.

"You must be Hector Mercado the father of Anthony" sabi ni kuya na tinanguan naman ni Mr. Mercado. "So can you tell me everything simulan natin sa pag tawag mo sakanya" ani ni kuya.

"Tumawag ako sa anak ko para itanong sakanya kung maaga ba siyang makakauwi noong araw na 'yon dahil balak ko sana siyang sorpresahin dahil noong araw na din yon ay ang kaarawan niya pero sa kasamaang palad ako ang nasorpresa na nawala na ang kaisa isa kong anak." Sabi ni Mr. Mercado.

"Sir pwede niyo po bang sabihin samin bakit niyo pa kailangang tanungin ang anak niyo kung maaga siyang uuwi" biglang singit ni Katherine.

"Nitong nakaraang araw kasi madalas siyang nale-late ng uwi. Dahil minsan kapag wala siyang pasok sa trabaho ay kinabukasan na siya umuuwi" sabi naman ni Mr. Mercado.

Napatango tango naman si kuya at napatingin sa katabi ni Sir. Hector.

"You must be the cousin of Anthony. Ikaw ang unang tumawag sakanya, bandang alas nuwebe ng umaga." Sabi naman ni kuya.

"Tumawag ako sakanya dahil manghihiram ako ng pera pero yun nga lang hindi siya pumayag hindi ko pa daw kasi nababayaran ang ibang utang ko sakanya" sabi naman niya.

"Para saan mo naman gagamitin ang perang uutangin mo sakanya" tanong ni Katherine.

"Ahh sa pagpapagamot ng nanay ko nasa ospital kasi si mama ngayon at kailangan namin ng extrang pera para sa mga gamot na kailangan niya" sabi niya.

Napahawak naman si kuya sa chin niya at tila malalim ang iniisip.

"Nasabi mo na ang tungkol sa pagtawag mo sakanya. Eh ano naman ang numerong isinend mo sakanya?" Tanong ni kuya.

"Noong tumawag kasi ako sakanya sinabi ko sakanyang may ibibigay ako at ang password ay 6-9-15-7" aniya.

Napatango tango naman si kuya. "Sapat na siguro ang mga impormasyong nakuha namin mula sainyo. Magkikita tayo ulit sa oras na mahanap na namin ang isa pang suspect" sabi ni kuya.



Nasa loob kami ng van at hindi parin kami nakakaalis sa police station.

Ang apat na babae naman ay nakatulog na dahil sa pagod.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Lucas.

"Sa bahay" sagot naman ni kuya na tinanguan ni Lucas.

Habang nasa byahe kami pauwi ay nagising si Katherine.

"Hi bb girl gising kana" nakangiting sabi ni puma.

"Bb amp" ani naman ni jayvee.

"Kuya Zael pwede ko bang malaman ang buong ditalye about sa kaso?" Sabi ni Katherine.

"Let's about this at home Kath masyado kang interesado sa mga ganitong bagay" sabi ni kuya Zael.

"I think there's something behind the passcode 6-9-14-7" ani ni Katherine.

"I know, The passcode is connected in time. But it's hard to identify" ani ni Zael.

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni kuya.

The passcode is connected in time.


To be continued.

Can you guess guys? Hahaha sino sa tingin niyo sa tatlong suspect? Comment niyo at kapag tama ang hula niyo pipili ako ng tatlo sa mga nakatama ng hula at ifofollow back ko or fan sign with picture! HAHAHA basta pili nalang kayo sa dalawa kung fan sign with picture ba oh follow back! Tatlo lang ang mapipili ko ah!

CHANCES (IHBILY SEASON 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon