Chapter 22: Death

1.3K 43 2
                                    

ERINA'S POV

Hindi ko alam kung bakit lahat sila ay pumasok sa meeting room ni Khairo, ni isa sa kanila ay hindi nag pa iwan dito sa labas para samahan ako. Si Sanika ay hindi pa bumabalik mula pa kanina.

*sigh

"Magluluto nalang muna ako" sabi ko matapos mapa buntong hininga, napag desisyonan kong mag luto nalang kesa umupo dito sa sala mag isa.

Ngunit ng akma na akong tatayo ay bigla akong nanghina at nanikip bigla ang dibdib ko, dahilan para ma out of balance ako at masagi ko ang vase na nasa mesa. Napa hawak ako sa sandalan ng sofa habang sapo sapo ang dibdib.

"Ah..." Daing ko habang naka hawak sa dibdib, bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Pero parang may mangyayaring masama, or may nangyaring masama? Ang alam kolang ay kinakabahan ako ngayun.

Napa upo ako sa sofa at ikinalma muna ang sarili bago pulutin ang nabasag na vase.

"Ah!" Daing ko ng aksidente kong mahawakan ang basag na parte, dahilan para magkaroon ng kaunting sugat ang daliri ko. Pinagpatuloy ko nalang ang pagpulot ng mga bubug saka nag tuloy sa kusina.

Napa buntong hininga ako dahil sumisikip ang dibdib ko, mukhang hindi titigil ang kabang nararamdaman ko ngayun. Hindi ko alam kung paano ikalma ang sarili, sobrang kaba ang nararamdaman ko. Bigla ko tuloy naalala si Tita.

Kung ako ay nasa panganib ang buhay paano pa kaya siya? E, marami siyang pinagkakautangan sa kasino. At marami rin siyang kalaban sa trabaho.

Muli akong napabuntong hininga at binaliwala ang nararamdaman. Siguro ay pagkatapos nalang ng tanghalian at magpapasama ako kay Khairo para puntahan si tita.

MAXWELL'S POV

WALA ni isa ang nag sasalita samin, lahat kami ay nangangalumbaba at malalim ang iniisip. Wala ni isa ang nag balak na mag salita at basagin ang katahimikan.

Nabasag lang ang katahimikan ng mangibabaw ang ringtone ni Lillianne.

"Hello? Sino 'to?" Tanong niya sa phone niya, wala sa kaniya ang atensiyon namin.

"K-kuya?" Pagkabanggit niya ng kuya ay nakakunot parin ang noo kong lumingon sa kaniya. Kahit si boss ay napatingi  sa kaniya, seryoso ang mukha.

"Ano?" Tanong niya "O-okay" aniya at ibinaba ang telepono.

"What's that?" Kunot noong tanong ni boss

"May nangyari kay Miss Gretchel" sagot niya at awtomatikong nawala ang pagkakunot ng noo ko at gulat na napatingin sa kaniya.

"What? What happen?" Tanong ni Calandra

"Nasa hospital daw ngayun si Miss Gretchel," baling niya kay boss. Na ngayun ay mababakasan rin ang gulat at pag aalala, hindi para kay Miss Gretchel kundi para kay miss Erina.

"Mauna na ako sa hospital" agad na sabi ni Calandra at kinuha ang coat.

"Sabay sabay na tayong pumunta" sabi naman ni boss at nag si tayuan naman sila. Naunang lumabas si boss at sumunod naman ako.

"Erina!" Tawag ni boss kay miss Erina ng maka baba, maya maya lang din ay lumabas si Miss Erina galing ng kusina.

"Ohh, buti tapos na kayo sa pinag memeetingan niyo. Nag luto na ako—"

"Let's go" hindi niya natuloy ang sasabihin ng hilain siya ni boss.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Miss Erina.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now