Chapter 47: New born

811 19 1
                                    

Lara's POV

NAPAKA SAYA ng lahat dahil bumalik na si Sanika, hindi man tulad ng dati ay ang importante ay nakakausap na namin siya. Pero may kaba at pag aalala rin saamin dahil pinapakita niyang hindi na siya naapektuhan, lalo pa't tuwing napag uusapan ang kapanganakan ni Erina ay lahat natatahimik at pinapalitan ang topic. Umabot ng buwan si Sanika sa Kwarto niya kaya't medyo namayat siya, at ang tiyan ni Erina ay lumalaki narin.

Hindi natapos sa dinner ang kasiyahan dahil napahaba pa ang biruan, nagkaroon pa ng inuman hanggang sa lahat ay makatulog at hindi na makatayo sa sobrang kalasingan. Si Erina lang ata ang buhay na buhay dahil puros juice lang ang kaniyang iniinum, nakakatuwang kahit lasing si Sanika ay hindi niya nababanggit ang kaniyang problema.

Natapos ang inumang lahat kami ay sa sala natulog maliban kay Erina at Khairo na sa kwarto natulog.

KINAUMAGAHAN ay nagulat ako ng pagmulat ko ay mukha agad ni Gray ang nakita ko, sa sobrang gulat ko ay hindi ko sinasadyang maitulak siya kaya't umalingawngaw ang daing ni Liam na nasa baba pala. Napagtanto koring pinag kasiya pala namin ni Gray ang sarili sa sofa.

"Anak ng!" Sigaw ni Liam at agad akong napa upo sa sofa.

"Sorry" nakangising paumanhin ko sa kanilang dalawa.

"Why did you push me?" nakangiwing tanong ni Gray habang sapo ang ulo.

"Ang bigat mong hinayupak ka!" Singhal ni Liam kay Gray kaya natawa ako.

"Kingina niyo, ang iingay niyo" lahat kami ay napatingin kay Jacob na naka takip ang unan sa mukha.

"Ang aga niyong nagmumura mga hayop kayo," napangiwi naman ako kay Calandra na ang ganda ganda ng pagkakahiga, "Aray! Putek!" Bumalikwas siya ng bangon ng biglang humarap sa kaniya si Lillianne at dumapo ang kamay nito sa mukha niya. "Tanginang 'to" singhal nj Calandra at tinanggal ang kamay ni Lillianne saka patapon na binitawan 'yun.

"Shut up all of you! You piece of a fucking ugly shit of a fucking bitch" lahat kami ay napatit kay Sky dahil sa malulutong niyang sinabi, kahit si Lillianne ay napabangon sa sinabi ni Sky. Si Jacob na inaantok pa ay natanggal niya ang unan sa mukha at sinilip si Sky.

"He's the one" nagugulat na sabi ni Liam.

"That's my evil bro" inaantok na sabi ni Lillianne at tinuro pa si Sky.

"Tsk tsk tsk" napapailing nalang si Calandra at bumangon. "Gandang almusal 'yun" dagdag niya at nag stretch pa.

"Umagang umaga umaalingawngaw 'yang mga mura niyo" nangibabaw naman ang tinig ni Erina na siyang bumababa sa hagdan at inaalalayan ni Khairo.

"Si Sky" paninisi ni Liam kaya napabangon si Sky at masama ang mga tinging nilingon si Liam.

"This is why I don't like sleeping with you guys, hindi ako nakakatulog ng maayos" singhal niya kaya nagtitigan si Erina at Khairo na para bang hindi sang ayon sa sinabi ni Sky. Sa pagkakaalala ko ay siya ang pinaka unang naka tulog.

Nahuli ako sa kanila kaya't alam ko ang nangyari kagabe, at kahit lasing ako ay alam ko ang nakikita at naririnig ko. Dahil hindi ako maka tulog kagabe sa sobrang ingay ng bunganga ni Sky, ang lakas niyang humilik at halos sakupin ang boong higaan. At sa pagkakatanda ko ay katabi niya si Gray at Liam.

Tapos ngayun ay katabi kona si Gray? At nasa baba na ng sofa si Liam? Ha!

"Oh.... really Mr. Andrada?" Sarkastikang tanong ko kaya napatingin siya saakin at natawa naman si Erina.

"Tss, bumangon na kayong lahat riyan at naghanda na ako ng almusal" napalingon naman kaming lahat kay Sanika na galing lang ng kitchen.

"Gising kana pala?" Gulat na sabi ni Calandra.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now