Chapter 19: Death

1.5K 44 4
                                    

MAXWELL'S POV

GUMUHIT ang ngisi sa aking mukha ng makita ko kung paano bumaksak si Mr. Wood sa kinatatayuan niya, agad na nagkalat ang tauhan niya at nanguna naman yung anak niya para lapitan siya.

Agad kong binura ang mga fotage na dinaanan ni Gray, at dadaanan namin mamaya pag labas. Napahinto naman ako ng may makita akong babaeng naka soot ng itim na maskara, naka soot siya ng black sequine lace prom dress.

Nangunot ang noo ko at lumapit sa monitor, zinoom-in ko ang fotage para lalo siyang ma klaro.

"Damn! Someone shoot him! I didn't shoot that punk!" Rinig kong asik ni Gray sa kabila.

Ngunit wala sa kaniya ang atensiyon ko, nasa babaeng nasa monitor. Ipinatong nito ang hawak na sniper sa balikat saka humarap sa monitor, nanlaki ang mga mata ko ng kumaway siya saka mag thumbs up.

"Ha!" Hindi maka paniwalang aniko. Nanlaki ang mata ko ng punitin niya ang laylayan ng damit niya para hindi ito maging sagabal sa kaniya kung maglalakad o tatakbu man siya.

Nangunot ang noo ko ng may maalalang isang taong ganun rin kung gumalaw, the way she walk, she acts, it's all familiar. Zinoom in kopa ang monitor saka napangisi.

You're dead.

"Gray, sundan mo 'yung babae. She's next to you," aniko saka agad na lumabas sa studio.

GRAY'S POV

Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung inuunahan ako at inaagawan ng target.

Nang magsalita sa kabila si Maxwell ay agad koring nakita 'yung babaeng tinutukoy niya, at sa tingin ko ay siya rin ang naka baril kay Mr. Wood. Wala naman kasing ibang tao rito sa taas bukod saming dalawa, napangisi ako ng magsimula siyang mag lakad.

Agad akong kumilos para sundan siya, ngunit agad rin napatigil ng papaliko na sana ako sa hallway ng may malamig na bagay ang dumampi sa ulo ko.

"Don't move" napangisi naman ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki, at saka inilibot ang aking paningin.

"Hayy" buntong hininga ko ng makita kong hindi lang isa ang nakatutok na baril sakin, "Alam niyo, hindi niyo naman kailangang gawin 'to. Hindi naman ako naka tama kay Mr. Wood" sabi ko, as if maniniwala sakin ang mga 'to.

"Ibaba ang mga baril kung ayaw niyong sumabog sabay sabay" napatigil naman ako at napatingin sa babaeng may hawak na sniper at naka tutok sa mga tauhan ni Mr. Wood. Napangisi nalang ako saka tumingin sa kaniya.

Cool.

"Nah, YOU. Put the gun down" nawala ang ngisi ko ng may babaeng sumulpot sa likod niya. Dahan dahan naman niyang ibinaba ang hawak na sniper saka bumuga ng hangin.

"Tsk tsk" iling iling niya at nanlaki ang mga mata ko sa bilis ng kilos niya.

Mabilis siyang humarap sa babaeng Wood at mabilis na naagaw ang baril na nakatutok sa kaniya, at walang habas na hinampas ang hawak na sniper sa mukha ng babaeng Wood, dahilan para tumilapon ito at mawalan ng malay.

"Mahina, tsk tsk" aniya at mabilis na tinakbo ang isang tauhan na malapit sa kaniya at itinutok ang hawak na baril dito saka walang alinlangang ipinutok sa ulo ng isang tauhan.

She's....

Imbis na tumunganga at humanga sa galaw ng babae ay agad akong kumilos at pinatumba ang natitirang tauhan. Napaka bilis niya kung kumilos kung kaya't hindi ko namalayang nasa akin na nakatutok ang hawak niyang baril.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now