Chapter 46: Painful Days

684 15 0
                                    

Third Person's POV

WALANG kasing seryoso ang mukha ni Khairo ng umuwi sa bahay nila, nag tuloy siya sa weapon's room niya at kinuha lahat ng kailangan niya at umalis. Dala ang galit niya habang nagmamaneho kung saan. Gabi na ng makarating siya sa isang mansion na maraming bantay sa labas.

Binaliwala niya ang dami nito at sinugod lamang ng walang alinalangan, mabilis, maingat at tahimik niyang napatumba ang lahat gamit lamang ang kamay, napatumba niya ang mga ito sa pamamagitan ng oag birikis ng mga leeg nito at pag bali ng ibat ibang parte ng katawan. Masasabing masiyado siyang eksperto sa bagay na 'yun dahil napaka dali niyang ipatumba ang mga bantay na nasa labas.

Naka pasok siya sa loob ng gate at pinatumba lahat ng naka bantay sa loob, at walang kahirap hirap na inakyat ang isang pader at napunta siya sa isang terrace. Salamat sa blue print na binigay sa kaniya ni Lara, nalaman niya agad ang pasikot sikot ng mansion kahit may kalakihan ito.

Agad niyang binuksan ang pinto ng terrace at mga lumililapad agad na darts ang sumalubong sa kaniya, hindi siya nahirapang ilagan ang lahat ng 'yun at tuluyang naka pasok sa loob ng kwarto. Napangisi siya ng makita ang isang bulto ng lalaki na mukhang naka harap sa kaniya.

"Sino ka?" Tanong ng lalaki at lalo lang siyang napangisi at umayos ng upo.

"Long time no see," nakingising aniya at talagang lumapit siya sa may liwanag na parte at tanging bibig niya ang nakikita. Hindi siya makikilala nito dahil naka takip ang kalahati ng mukha niya.

"Who are you?!" Pasigaw na tanong ng lalaki at kahit na hindi aminin ay takot na takot.

"I'm your death," nakangising aniya at unti unti 'yung nawala dahilan para umatras ang lalaki sa takot. "You're scared now huh?" Seryosong aniya at dahang dahang naglalakad palapit sa lalaki. "Ang lakas lakas ng loob mong manggulo, tapos ngayun ay matatakot kang narito na ako sa harap mo." dagdag niya pa kaya bumalatay sa mukha ng lalaki ang takot at gulat.

"T-tauhan ka ni Mr. Ferrer?" Tanong nito ngunit ngumisi lang siya na parang demonyo at agad na hinagis ang hawak na kutsilyo dahilan para atakihin sa gulat ang lalaki, akala niya ay tatama sa kaniya ngunit dumaan lang 'yun sa gilid niya at tumusok sa pader. Tiningnan 'yun ng lalaki at nanginginig na nilingon si Khairo.

"You deserve to die after what you did, dahil sa'yo ay may taong nawalan" napaka lamig ng kaniyang boses, at isang hakbang nalang ay maabot niya na ang lalaki ngunit agad nito g nilingon ang gilid at hinablot ang baril. Wala namang sing bilis si Khairo, kaya ng akmang babarilin siya nito ay naka oag tago na siya sa sulok.

Lalong natakot ang lalaki kaya tinakbo niya ito at siniko ang leeg dahilan para matumba ito, agad niyang binunot ang baril at itinutok rito.

"No!" Pakiusap ng lalaki habang ang kamay ay nakaharang pa. "Please no, I'm begging you. Spare my life" mapait siyang napangisi at kinasa ang baril "Please, please, no" pakiusap muli ng lalaki at akmang luluhod ng itutok niya ang baril sa ulo nito. "Please....." Mahinang pakiusap nito.

Muli siyang napangisi at ipinutok ang baril, panay naman ang sigaw ng lalaki sa sobrang takot kahit hindi naman sa kaniya tumatama ang bala, nanginginig ang lalaki sa takot na halos maihi sa pantalon nito.

"Kilalanin mo ang kinakalaban mo" malamig niyang turan bago maglaho na parang hangin, hindi naman na kaya ng lalaki ang takot kaya't nahimatay ito.

Erina's POV

HINDI lumabas maghapon si Sanika aa kwarto niya at naka lock lang ang pinto nito, gustuhin man namin siyang kausapin ngunit ayaw niyang makipag usap. Tanging sagot niya ay gusto niyang mapag isa.

Sold to a Mafia BossΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα