Chapter 30: Swane Beyound and Ferreriors

1.2K 39 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

LAHAT AY parang napatigil ng makitang nakahandusay si Erina sa sahig habang yakap ni Khairo, lahat ay nagulat at nag alala. Katahimikan ang namayani nabasag lamang 'yun ng marinig nila ang mga yabag at sabay silang napa tingin kina Alice at Kenjie na parang mga takot na dagang mabilis na nawala.

"Erina!" Sigaw ni Sanika at tinakbo ang kapatid na walang malay "Erina, wake up!" Bakas ang pag aalala sa boses niya habang inaalog ang kapatid.

"Hey...Erina, wake up please..." Nagsusumamong pakiusap ni Khairo, namumula na ang mga mata sa sobrang pag aalala "Please, please...wake up," tinatapik tapik niya ang mukha ni Erina sakaling magising ito.

At ng hindi nagmulat ang mata ay napayakap nalang siya rito.

"Wake up please..wake up" napapikit siya ng mariin upang pigilan ang mga luhang gustong kumawala ngunit sadyang naninikip ang dibdib niya sa sobrang pag aalala ay sunod sunod na luha ang bumagsak sa mga mata niya.

GIGIL na gigil naman si Lara ng makita si Erina, napayukom siya ng kamao at napa tiim bagang sa sobrang galit, sa itsura niya ay parang handa niyang patayin ang sino mang kaaway na nasa harap niya. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumaliwas ng daan.

Nakita siya ni Gray kaya agad rin itong sumunod sa kaniya.

"Erina..." Muling anas ni Sanika, napapahikbi na siya ng matinag silang lahat ng umubo si Erina. Napatayo si Sanika ng magmulat ng mata ang kapatid "Fuck..." Sa gulat ay napamura siya at lalong naiyak.

"Ang OA niyo ha.." kahit hinang hina ay nagawa pang tumawa ni Erina, napailing nalang sa gilid si Maxwell "Gosh, ang sakit kahit may bullet proof" reklamo niya at naupo saka binuksan ang damit.

Hindi naman makapaniwalang natawa si Khairo at walang sali salitang niyakap si Erina, saglit na nagulat si Erina ngunit agad din siyang yumakap at napangiti.

"Damn...you made me worried like crazy" bulong ni Khairo at parang batang umiyak ng umiyak habang yakap si Erina, natawa nalang si Erina at napakindat siya kay Maxwell ng magtama ang mga mata nila.

Flashback—

MATAPOS mag usap ni Sanika at Maxwell ay nakipagkita sa kaniya si Erina ng patago.

"Wah....naguguluhan ako sa inyo" gulong gulong sabi ni Maxwell at napailing lang si Erina.

"Tss, we have already plan. Kaya makinig ka nalang saakin, tss" asik ni Erina "Bakit ba kasi ikaw pa? Pwede namang si Khairo" ani pa ni Erina kaya napatingin sa kaniya si Maxwell.

"Wah... seriously?" Hindi makapaniwalang aniya pa pero napa ngiwi lang si Erina.

"Listen, okay?" Asik ni Erina at napasinghal lang si Maxwell. "Hindi tayo pwedeng magpahalata sa mga Wood na nagkakaisa tayo, ni hindi pwedeng malaman nila na nagkikita kita tayong lahat. Mapapahamak tayong pare pareho" paninimula ni Erina at napabuga lang ng hininga si Maxwell.

"Bakit ba natatakot kayo sa mga Woods? Sa totoo lang kayang kaya natin silang ilibing ngayun din mismo" pagmamayabang ni Maxwell at sinamaan lang siya ng tingin ni Erina.

"Sa tingin mo ba ay ganun ganun lang ang kalaban natin? Sa tingin mo ba ay Woods lang ang kalaban natin? Ni hindi ka nga siguradong walang tumitingin sa atin ngayun" seryosong ani Erina at napakunot naman ng noo si Maxwell saka napatingin sa paligid, kahit madilim ay sinikap niyang tingnan ang paligid.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now