Chapter 53: Dinner

566 13 5
                                    

Lara's POV

NAGING sunod sunod nga ang mga araw na parang naging malayo sa amin si Erina, parati ko siyang inoobserbahan at napapansing kong parang lumalayo siya sa amin, and It really breaks my heart. Pakiramdam ko ay may nagawa kami sa kaniya kaya siya lumalayo.

"Guys, don't forget tomorrow. Lunching ng designs ko," natinag naman ako ng biglang magsalita si Calandra. Doon ko lamang napagtanto na magkakasama pala kami, masiyado kong iniisip ang tungkol kay Erina, nakalimutan kong narito pala kami sa restaurant dahil nag aya si Miss Vivian ng dinner.

"Tss, as if makakalimutan namin?" Nakangiwing sagot ko.

"Naninigurado lang ako, lahat kasi kayo may mga kaniya kaniya ng pinag kakaabalahan" singhal niya at ngumiwi lamang ako.

Si Erina lang kaya.

Speaking of, where is she?

"Anyway, nasaan si Erina? Why isn't she here?" Magtatanong sana ako tungkol kay Erina ng maunahan ako ni Miss Vivian.

"She's on her way" sagot ni Khairo na abala sa kaniyang mga anak.

"Oh? Bakit hindi nalang kayo nag sabay papunta rito?" Tanong ni Miss Vivian at lihim na napa buntong hininga si Khairo.

"She was on her meeting," tanging sagot ni Khairo at napa tango na lamang si Miss Vivian at tinawag ang waiter.

Alam kong may gusto pa siyang itanong kay Khairo, mahahalata 'yon sa kaniyang mukha. Pero mas pinili niyang isantabi ang mga tanong dahil mukhang ayaw ring sagutin ni Khairo ang mga tanong.

"Mag order na muna tayo," ani Miss Vivian habang hawak ang menu, nag si pag buntong hininga lamang ang lahat at sa menu itinuon ang pansin.

"There is she," mahinang usal ni Sky kaya nilingon ko siya, nangunot naman ang noo ko at tumingin sa entrance at naroon nga si Erina, pero lalong nangunot ang noo ko ng makita kung sino ang kasama niya.

"Guys, sorry I'm late. May pinuntahan pa kaming meeting ni Mr. Cooper" aniya ng makalapit sa amin. "Hey, sweeties" baling niya sa mga bata at isa isa itong hinalikan. "Baby" baling niya sa asawa at hinalikan ito sa pisnge, ngunit hindi man lamang siya pinansin ni Khairo at deretso lamang ang tingin nito habang blanko ang mukha. "Sinama ko Ace, I hope you guys don't mind" nakangiting aniya at napabuntong hininga lamang ako at tumungo nalamang sa menu.

"No, of course-"

"It's a family dinner..." naputol ang sasabihin ni Miss Vivian ng biglang magsalita si Sanika, blanko ang mukha nito at nandidilim ang mga tingin. Natigilan si Miss Vivian at ang lahat ay napatingin kay Sanika.

Opss.....

Dahan-dahang tumingin si Sanika kay Mr. Cooper saka dumapo ang tingin nito sa kapatid.

"If you don't mind," dagdag ni Sanika bago pandilatan ang kapatid.

"Sanika..." Kunot noong pag tawag ni Erina sa kapatid, pero hindi siya nito tiningnan.

Yeah, it's a family dinner, at pamilya lang ang dapat na nandito. Why bother to bring some stranger?

"Aalis nalang ako-"

"No, nandito kana" pigil ni Erina kay Mr. Cooper kaya lihim nalamang akong napailing.

"Yeah, it's okay. Sit down," pag sang-ayon ni Miss Vivian at tumayo pa ito para ipag hila ng upuan si Mr. Cooper, dahilan para sumama ang mukha lalo ni Sanika.

Sold to a Mafia BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz