Chapter 2: Ferreriors

4.2K 98 1
                                    

MAXWELL'S POV

Nakangiwi akong lumabas ng opisina at pinapatay sa mura si Jacob, napaka sungit talaga ng lalaking 'yon. Palibhasa mas gwapo ako!

"Napaka sungit talaga ng damulag nayun" nakangiwi kong sabi ng maisara ang pinto "Hay! Nasasayang lang ang kagwapohan ko!" Aniko at sinuklay ang buhok na nasa noo gamit ang daliri.

Taas noo akong bumaba ng hagdan at nakita ko 'yong mga pangit na abala sa panonood, pero dahil gwapo ako. Naagaw ko ang atensiyon nila.

"Anong itsura 'yan?" Napatingin ako kay Gray na galing nanaman ng kusina, nakangiwi siyang nakatingin sakin pero nginisian ko lang siya.

"Mukha ng gwapo, natural" mayabang kong sabi at nanliit lamang ang mga mata niya.

Pasiring siyang nag iwas ng tingin saka nag tuloy sa sala.

"Pinakialaman mo yung pop corn ko?!" Sigaw ni Liam kay Gray. Pero nag tuloy lang ako sa single sofa at naka pandekwatrong upo.

"Bakit, pera mo ba ang pinambili nito?ha?!" Sigaw pabalik ni Gray kay Liam

"Hindi!!"

"Oh, ede manahimik ka" kalmadong ani Gray saka bumaling sa pop corn

"Pero-- hmm" akmang mag rereklamo si Liam ng bigla siyang sungilan ng pop corn ni Gray. Pero agad niya iyong iniluwa "Tanginamo Prokson! Ang init!!" Sigaw niya saka tumalon talon sa hapdi, dahil sa sobrang init. Marahil ay kakahain lang ng pop corn.

"BWAHAHAHAHAH!" Hagalpak na tawa ni Gray at nakisabay narin ako sa tawa, dahil nakakatawa yung itsura niya.

"BWAHAHAHAHA" malakas na tawa ko ng tumama sa noo ni Gray ang malapad at makapal na libro.

Pero napatigil ako sa pag tawa ng may matigas na bagay na tumama sa noo ko, at masakit 'yon!

"Aray!!" Sigaw ko habang hawak ang noong natamaan ng libro, saka inis na tumingin kay Sanika na siyang bumato sa sakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya lang ako.

Pesteng, matanda 'to!

"Pwede bang manahimik kayo?" Bakas ang pagkakainis sa mukha niya habang masamang nakatingin kay Gray "Para kayong mga bata" Anas niya saka tumayo at kinuha ang binatong libro, nag pipigil naman ako ng tawa dahil sa itsura ni Liam.

Gusto kung sigawan at singhalan si Sanika pero natatawa ako sa itsura ni Liam, si Gray naman ay parang batang tumahimik dahil napagalitan ng nanay. BWAHAHAHAHAH.

Inis na nilampasan ni Sanika si Gray at Liam, Si Liam nakahawak sa bibig para pigilan ang sumigaw. Si Gray naman ay naka hawak rin sa bibig para pigilan ang pag tawa. At ang isang kamay ay nasa noo.

"Tapos ikaw naman matanda, BWAHAHA!" Hagalpak na tawa ko ng muling sumagi sa isip ko yung sinabi niya. Kami daw parang bata, ede siya mukhang matanda "WAHAHAHA- aray!!" Napaka lakas ng pagkaka hampas ng libro sa pisnge ko.

Parang nayanig ang boong mukha ko dahil sa lakas ng pagkakahampas ng libro sa pisnge ko, sakop pati ang tenga ko. Hawak hawak ko ang pisnge na tumayo at humarap kay Sanika na walang ekspresiyong nakatingin sa sakin.

Sobrang sakit ng pagkakahampas niya to the point na parang may narinig akong nag eecho sa tenga ko, na parang mabibinge ako. Dahil ang lakas ng hampas niya, idagdag pa ang matigas at makapal niyang libro.

"Bakit moko hinampas!!" Sigaw ko sa kaniya at dinuro pa, seryoso akong nakatingin sa kaniya na para bang gusto ko na siyang ilibing sa kinatatayuan niya ngayon. Pero, wala man lang makikitang guilt at takot sa mukha niya. Plain lang!

Tanginang babaeng 'to!

"Bakit? Kulang pa? Gusto mo isa pa?" Puno ng angas ang boses niya habang naka taas ang librong hawak at handa nang dumampi sa pisnge ko. Napalunok naman ako saka napa atras ng kunti, knowing this woman. Walang habas ang kamay.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now