Chapter 25: Truth

1.4K 33 3
                                    

GRAY'S POV

NAKA park lang ang sasakyan ko sa di kalayuan sa mansion ng mga Wood, hindi ko alam kung bakit hindi parin ako umaalis, basta ang pakay ko lang ay malaman kung nasaan si Sanika. Hindi pwedeng wala kaming gawin, lalo pa at hawak siya ng kalaban.

Napabuntong hininga ako ng mapatingin ako sa wristwatch ko, mag iisang oras na ako dito pero hindi ko parin nakikitang lumabas ang babaeng Wood at yung Kenjie. At wala rin akong makitang lead para masiguro kung nasaan si Sanika. Kanina ko parin hinihintay yung babaeng may kamay ni Halk na kapatid ng bulldog na si Maxwell.

"Nasaan naba ang babaeng 'yun? Tss" asik ko at napatingin sa likod para i-check kung naroon siya. Pero ganun nalang ang pag buntong hininga ko ng wala manlang akong makita kahit anino ng babaeng Halk.

Inis kong kinuha ang phone ko ng mag ring nanaman ito. Kanina pa ako naiinis dahil kanina pa ito ring ng ring.

Napakunot ako ng noo ng makita ang pangalan ni babaeng halk.

"Anak ng pusang gala, ano pang ginagawa mo diyan?" Napakunot ako sa inis dahil sa sinabi niya.

"I'm the one who should ask you, where the hell are you? Babaeng kargador?" Asik ko at narinig ko pa siyang suminghal sa kabilang linya.

"Hoy! Lalaking abo, kanina pa kita hinihintay dito. Ano bang ginagawa mo diyan?" Agad akong napa kunot sa sinabi niya.

"What? Nandito ako sa mansion ng mga Wood—"

"I'll send you the location, come here quikly" biglang seryosong aniya sabay baba ng tawag at agad naman siyang nag text.

Napa iling nalang ako saka bumuntong hininga ng makita ko ang location na sinend niya.

What the hell? Kanina pa ako nandito tapos nandoon lang siya?

LARA'S POV

NAPAPAILING nalang akong ibinaba ang tawag.

Kanina pa ako nandito sa lumang bodega ng mga Wood, at yung lalaking abo naman na parang sabog. Hindi manlang sinasagot ang tawag ko, at hindi manlang niya napansin ang pag alis ng mga Wood.

"Hayyy..." Singhal ko habang naka sandal sa motor ko at nakatingin sa bodega na lumang luma na. Pinag cross ko ang mga braso ko saka kinuha ang mask ko at sumakay sa motor ko.

Hindi ko pwedeng i park dito ang motor ko, baka mahalata ako. May mga nakikita akong mga Wood.

SANIKA'S POV

NAGISING AKO ng maramdaman kong may sumisipa sa paa ko, sumasakit din ang anit ko.

"Hoy! Gising!" Masamang tingin agad ang akong ipinukol sa babaeng nasa harap ko. Sa una ay kung titingnan siya ay napa inosente ng kaniyang mukha, pero sa kabila nun ay kabaliktaran.

Unang kit ko palang talaga sa kaniya ay hindi na maganda ang pakiramdam ko, iniiwasan kolang na maghinala dahil hindi ko gawain ang ipakita ang pagtataka ko. Madali kong mabasa ang isang tao, lalo na ang isang 'to. Hindi nga ako nagkamali.

"Napapahaba kana ng tulog" aniya saka ngumisi na para bang ikakasindak ko ang ngisi niya

"Ha!" Nakangisi kong singhal saka nag iwas ng tingin.

"Bilib talaga ako sa mga Ferrer, nag tatapang tapangan parin kahit dihado" aniya kaya napatingin ako sa kaniya saka ngumisi ng nang aasar.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now