Chapter 51: Night lady

735 22 1
                                    

Ace's POV

NAGING sunod-sunod ang malalalim na buntong hininga ang ginawa ko habang nasa loob ng sasakyan.

Ang bigat bigat ng aking pakiramdam kanina tuwing nakikita ko ang ina ni Erina at ang kapatid niya, ramdam ko ang masamang tingin ng kapatid niya at hindi man tumingin sa akin ang ina niya ay nakaka pangilabot ang presinsiya niya.

Nagpakita ako sa simbahan ngunit hindi ako dumeretso sa party ng binyag, hindi ko kayang tagalan na makasama ang mga Ferrer at Swane sa iisang lugar lalo na ang ina ni Erina.

"Ayos kalang, boss?" Tanong ni Rory kaya masama ang mga tingin ko ng lingunin ko siya.

"You're getting stupid, Rory." Asik ko kaya napatikhim siya at nag focus nalang muli sa pag mamaneho.

"Sorry, sir" aniya at hindi ko na siya sinagot pa, masiyado akong nilalamon ng malalim na pag iisip.

"How's my brother? Did he go somewhere else?" Tanong ko habang nasa daan ang paningin at naka tukod ang aking kamay sa bintana.

"Ganoon parin, nasa bahay lang siya as always. Lumalabas siya ngunit sa opisina niya lang, bahay opisina lamang ang kaniyang pinupuntahan" kwento niya at napakunot lamang ako ng noo.

"How can you be so sure?" Kunot noong tanong ko.

"Sir, I assigned someone to tail him around. So, no need to worry about your brother" wika niya kaya nilingon ko siya.

"Pag may kalokuhang ginawa ang lalaking 'yon na makaka apekto sa mga plano ko ay malilintikan ka sa akin" gigil kong sabi at sinamaan lamang siya ng tingin.

Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lamang na nagmaneho, ako naman at totok sa daan at naging tahimik ang aming byahe hanggang maka rating kaming pareho sa bahay.

"Where's his car?" Takang tanong ko ng mapansing wala roon ang sasakyan ng kapatid ko.

"Umalis siya kanina, hindi pa siguro bumabalik" sagot ni Rory saka bumaba ng sasakyan, nangunot lang naman ang noo ko at pinag sawalang bahala ang presinsiya ng sasakyan ng kapatid ko.

Siguro ay nasa trabaho 'yon, kung minsan kasi ay umaga na umuuwi 'yon galing trabaho. 'yon ang sabi ng gong-gong na Rory.

Nauna ako sa kaniyang pumasok sa loob, ngunit napansin ko ang naka bukas na pinto kaya nangunot ang noo ko.

"Did you left the door open?" Kunot noong tanong ko at hinarap si Rory.

"Hindi, I locked all the doors and windows bago tayo umalis" inosenteng tanong niya kaya lalo nangunot ang aking noo. Sinenyasan ko siyang maunang pumasok kaya dali dali siyang nanguna sa akin.

"Are you sure about that?" Mahinang tanong ko at tumango lang siya.

"Baka naman ang kapatid mo?" Patanong na usal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I thought he wasn't here?" Mariing tanong ko kaya napalunok siya.

"Sorry" wika niya kaya hinawakan nalamang niya ang door knob at nangunang pumasok, agad kong kinapa ang baril ko na nasa bewang ko at inihanda ang sarili kung sakaling may kakaiba sa loob.

"Why is it so dark?! I told you to leave the lights open! At least sa loving room lang, stupid!" Mariing bulong ko, pinpigilang mag taas ng boses.

"I do!" Mariing aniya kaya inambahan ko siya sa likod.

"Then why—" hindi ko itinuloy ang tanong at pinigilang mag taas ng boses.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now