Chapter 52: Flashback

652 18 2
                                    

Erina's POV

"I'VE heard about Kenjie and Alice," ani Dark kaya nilingon ko siya. Lihim akong napalunok at pilit na ngumiti. "I really hate them both, back then" dugtong niya kaya kunot noo akong tumingin sa kaniya.

Natawa siya ng mapansin niya ako.

"Yeah, I'm being nice with them. But that's only because they're your friends," natatawang aniya kaya napangiwi ako.

"Tss, sa pagkakatanda ko ay close pa kayo ni Kenjie" nakangiwi kong sabi "Para kayong mag kapatid kung mag protektahan," dagdag ko at natawa siya.

"Kasi ang sabi mo ay protektahan natin ang isa't isa, ginagawa ko lang 'yon kasi 'yon ang gusto mo" natatawang aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin at muling ibinaling ang paningin sa pagkain.

Ako talaga? Tss.

"So kasalanan ko pa pala?" Nakangiwi kong tanong kaya natawa nanaman siya.

Tss,

"Of course, you made me nice to them even if I wanted to kill them both" natatawang sabi niya at napailing lang ako, makapag salita siya ay para bang normal lang 'yon.

"Alam mo bang mag pinsan sila?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Of course," mabilis na sagot niya kaya napabuntong hininga ako at nilingon siyang muli.

"So am I the only one who doesn't know?" Mariing tanong ko kaya napatingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Why? Don't tell me, hindi mo alam?" Tanong niya at pinandilatan ko lang siya "No way..." Natatawang sabi niya "Akala ko ay alam mo, kasi pumunta tayo once noong birthday ni Alice, at sa bahay 'yon nina Kenjie. Hindi mo ba naaalala 'yon?" Tanong niya kaya nangunot ang noo ko at mahinang napailing.

"No..."

"Tsk tsk tsk, napaka slow mo talaga" napapailing niyang usal kaya napangiwi ako.

"Can you consider my presence?" Sabay kaming natigilan at napalingon kay Ace na  nasa gitna namin at kunot na kunot ang mukha.

"Oh, sorry, I forgot about you" wika ni Dark, at hindi ko alam kong sarkastiko ba ang pagkaka sabi niya o sadyang gano'n lang sila mag usap.

"Ha!"

"Bakit ka pa kasi sumama?" Tanong ni Dark kaya dahan dahan akong uminom ng tubig.

Oo nga naman,

"Excuse me? Erina, invited—"

"No one invited you," putol ni Dark sa pagsasalita ni Ace, pinaningkitan ko naman ng mata si Dark dahil ang harsh ng sinabi niya.

Kahit kailan ay napapaligiran talaga ako ng mga baliw.

"What—"

"Did you invited him?" Baling sa akin ni Dark kaya napatingin ako kay Ace na nakatingin narin sa akin, pilit akong ngumisi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, masiyado akong naiipit sa dalawang 'to.

"Hehe, you know what? Let's eat, kailangan kong bumalik agad sa office" pag iiba ko at mahinang natawa lang si Dark, kaya sinamaan siya ng tingin ni Ace.

"Ihatid na kita" natigilan naman ako sa pagkain ng magsabay silang magsalita.

Wews

"No, Ako ang maghahatid" Ace insisted.

"No, I am." Diin ni Dark kaya napangiwi ako at binilisan ang pagkain.

"No, baka kung saan mo pa siya dalhin" asik ni Ace

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now