Chapter 60: The truth behind the lies

237 6 6
                                    

Kiarra's POV

Pilit kong tinatanggal ang tali ko sa kamay ngunit napaka higpit talaga ng pagkakatali sa kamay ko.

"Pag talaga maka takas ako rito papatayin ko kung sino man ang dumukot saakin, punyetang 'yan" singhal ko sa kawalan at pilit na kumakawala sa upuan.

Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid, nagbabakasakaling may makitang makakatulong para mabaklas ko ang tali sa aking kamay ngunit sadyang napaka linis ng silid, walang ibang gamit na naroroon.

"Ugh!" Iritableng singhal ko at nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki.

"Huwag mo nang subukang maka takas, dahil hinding hindi ka makakawala riyan, oh ayan, kumain ka at ng madagdagan ang lakas mo para riyan" aniya at inilapag sa sahig ang pagkain saka muling naka pamulsang tumingin sa akin.

Napakunot lamang ang aking noo habang masamang naka tingin sa kaniya.

What the hell is this?

"Oh? What's the problem? Why are you glaring at me?" Nagtatakang tanong niya habang may ngising nakakaloko sa kaniyang mga labi.

"Ano 'to? Anong trip mo, bakit ako nandito? Ikaw ba ang may pakana nito?" Kunot noo at sunod sunod na tanong ko sa kaniya ngunit napa singhap lamang siya ay saka humakbang papalapit sa akin.

"Nothing, I'm just having some fun" nakangising aniya saka yumuko para mag pantay ang mga mukha namin. "Long time no see, I thought you were dead" nakangising aniya kaya napasinghap ako.

"What do you want?!" Singhal ako at lumayo siya saka tumawa.

"You're really funny, Kiarra" natatawang aniya at nangunot na lamang ang aking noo. "Nakalimutan mo naba ang atraso mo?" Nawala ang ngisi niya ay napalitan ng galit ang mukha niya, ang kaninang mukhang baliw ngayon ay parang halimaw na kating kating pumatay. "Did you already forget what you did?!" Mariing tanong niya at mariin niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.

Napalunok na lamang ako sa sakit ng diinan niya lalo at may halong piga ang pagkakawak niya sa balikat ko. Like damn! Ang liit kong tao at ang laki laki niya, of course mamimilipit ako pag piniga ako nito ng pagka lakas lakas.

"I didn't do anything to you! That's what you deserve, asshole lunatic!" Singhal ko sa mukha niya at kitang kita ko ang pang gigil niya sa akin kaya napadaing ako ng mas lalo niyang pigain ang balikat ko, pakiramdaman ko ay matatanggal ang aking buto sa balikat sa sobrang piga niya.

"How could you betray me!" Singhal niya at pabagsak akong binitawan. Napangisi na lamang ako at saka natatawang tumingin sa kaniya.

"Betray? Bakit, kelan ba tayo naging mag kakampi?" Ngisi ko saka mapaklang tumawa "Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa pamilya ko, Dark Cooper" mapaklang usal ko at nangangalaiti siyang tumingin sa akin, at wala pa ang isang segundo ay dumampi na ang mabigat niyang mga kamay sa aking mukha.

Ramdam ko ang hapdi sa aking pisngi, sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay bumaksak ako sa aking kinauupuan dahilan para mapadaing ako sa sakit.

"Matagal na kitang gustong patayin, pero nagtitimpi lang ako, ngayong nasa akin na si Erina ay isusunod nalang kita sa pamilya mo" gigil niyang turan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Anong ginawa mo kay Erina?! Hayop ka! Napaka sama mo, huwag ma huwag kang magkakamaling saktan si Erina, ako mismo ang papatay sayo!" Sigaw ko habang naka salampak sa sahig, tumayo lamang siya ng tuwid habang naka pamulsa saka ngumisi.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Feb 09 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Sold to a Mafia BossDär berättelser lever. Upptäck nu