Chapter 13: Guardian

1.6K 43 1
                                    

ERINA'S POV

Diko mapigilang mailang at makaramdam ng kaba lalo pa't nasa hindi kalayoan ang table namin kina Liam.

"Hoy! Erina!" napatingin ako kay Alice ng kalabitin niya ako, "Kanina kapa balisa, may problema ba?" tanong niya at napa iwas naman ako ng tingin saka pekeng tumawa.

"A-ano kaba, ayos lang ako." ani ko saka pilit na tumawa para itago ang totoong kaba,

"Tss, kanina kapa tingin ng tingin sa dalawang 'yun. Ano ba talagang meron sa inyo?" tanong niya "At sa tinagal tagal nating pag aaral dito, ngayun lang kayo nagpansinan. Samantalang, sikat ang dalawang yan dito sa college campus" nakangiwing aniya at napa buntong hininga lang ako saka uminom ng juice.

Hayst.

"Let's go, tapos na ang 10 minutes break ko" aniko, kahit ang totoo ay 20 minutes yung break ko. Diko lang kayang tagalan ang tensiyon sa pagitan namin nina Liam,

"Huh? Ang bilis naman" reklamo niya.

"Oh sige, mauna na ako sa inyo. See you," aniko at nagmamadaling lumabas ng cafeteria. Pero bago pa ako maka labas ay umalingaw-ngaw ang boses ni Liam.

"Miss Erina!" sigaw niya kaya na estatwa ako sa gulat saka napapikit ng mariin sa inis, saka siya sinulyapan at sinamaan ng tingin.

"Hayst..." inis na anas ko saka nagpapadyak at halos takbuhin ko ang pintuan ng cafeteria. "Baliw talaga ang lalaking 'yun, hayst!" asik ko saka inis na sinulyapan ang cafeteria. "Baliw nanga yung boss, baliw pa yung alipores. Argh!" asik ko saka inis na nag patuloy sa paglalakad.

NATAPOS ang klase ko ng wala akong maintindihan, pumapasok nananaman sa isip ko si Khairo. That jerk!

"Erina!" nabalik ang aking ulirat ng may tumapik sa balikat ko, at nakita ko si Alice. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Ginulat moko" aniko at ngumiwi lang siya, nag patuloy kami sa paglalakad.

"Kanina pa kita tinatawag, pero parang wala kang naririnig. Ayus kalang ba talaga ha? May lagnat kaba?" sunod sunod na tanong niya at idinikit pa ang palad sa noo ko at iniwas ko naman iyun.

"Ayus lang ako," walang ganang aniko.

"Tss.." singhal niya pero nginitian kolang siya "Kanina kapa wala sa sarili," aniya at napabuntong hininga lang ako. "Pero, himala? Wala si Mr. Suspicious" aniya na ikinakunot ng noo ko saka ako tumingin sa kaniya ng nagtataka.

"Whos.... Mr. Suspicious?" takang tanong ko at napa irap lang siya saka bumuntong hininga.

"Matalino ka naman pero napaka bulag mo," buntong hininga niya saka huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako saka siya hinarap "I'm your friend Erina, you're like sister to me. So please, take care of yourself. 'Couse I can't protect you, don't be so blinded" Prangka niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napakunot naman ako ng noo saka sumumod sa kaniya,

"What do you mean?" habol ko sa kaniya at muli siyang napa buntong hininga at nag pipigil ng inis na humarap sakin.

"Why can't you see it, Erina?" inis na usal niya kaya lalo lang nangunot ang noo ko, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. "Ang pagiging bulag mo ang magpapahamak sayo," seryosong aniya.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now