Chapter 48: Mascarade Ball

708 19 1
                                    

Someone's POV

I IRRITATEDLY look at my cell mates, ng maramdaman ko ang masasamang tingin nilang lahat saakin.

"Hayst, bakit ba hindi ako tigilan ng mga 'to" asik ko ng ako lang ang nakakarinig saka tumayo. Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa mag lunch ay saakin parin ang mga tingin nila, kahit ang ibang preso ay ang sasama ng tingin saakin. Ganoon nanga siguro ako kasama sa paningin ng mga 'to, simula ng maipasok ako rito ay wala ng ibang nangyari saakin kundi ang makipag suntukan at patayan sa mga preso.

"Ohh, tingnan mo nga naman. Naka pag insayo kaba?" Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ko ang tanong ng isang preso, hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad sa pila para kumuha ng pagkain.

"Hindi ka ata pinansin, mayora" ani naman ng isa kaya tumirik lang ang mga mata ko sa inis, kahit mga babae ang mga kasama kong preso ay para namang mga lalaki kumilos. Kaya pag mahina ka, talo ka. At 100 percent sure, na hindi ka makakalabas ng buhay sa kulungang ito.

I actually don't know why the fuck I am here.

Pabalik na ako sa mesa ko ng iharang ng isang babaeng preso ang paa para palatidin ako pero mabilis ko iyong iniwasan at hindi lang siya pinansin. Nangibabaw ang mapaklang katatawa ng mga preso ng biglang umalingawngaw ang isang tunog kaya napatigil ako at mariing napapikit.

Masakit 'yun.

May matigas na bagay na tumama sa ulo ko at sa tingin ko ay stainless tray 'yun, tumirik lang muli ang aking mata at binaliwala sila. Kung kaya kong umiwas sa away ay gagawin ko, dahil may kailangan pa akong protektahan sa labas, kaya kailangan kong makalabas rito.

"Ha! Hoy!" Sigaw ng mayora pero umupo lang ako sa bakanteng mesa at nagsimulang kumain.

"Hoy! Ano nanaman 'yan? Tigil tigilan niyo nga 'yang si kamatayan" sigaw ng isang pulis at napailing lang ako habang nakangisi, gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa tawag nila saakin. 'yun nanga siguro ang nakasanayan nilang itawag saakin dahil simula ng pumasok ako ay puro pakikipag away ang natatamo ko, at lahat ng bumabangga saakin ay napapatay ko. Pero ngayun ay umiiwas ako dahil gustong gusto konang makalabas sa impyernong ito.

Natapos ang pananghalian ng hindi ako iniistorbo ng mga bobong presong ito, pero palabas na ako ng canteen ng harangin ako ng dambuhalang preso kasama ang kaniyang mga bulate.

"Umiiwas ka ata ngayun?" Nakangising tanong saakin ng dambuhalang mayora kuno.

"Pwede ba? Tigilan niyo ako, ayoko ng away" walang ganang sabi ko at akmang lalampasin sila ng harangin muli nila ako.

"Ohh....isang laro lang, tingnan lang natin kung talaga bang malakas ka" nakangisi nitong sabi at nagka tatawa naman ang lahat kaya tiningnan ko lahat ng preso.

Ang titigas ng mga tae nito ah.

Akmang lalampasan ko sila ng biglang may tumama sa likod ko dahilan para bumagsak ako ng naka dapa sa sahig, matigas at malakas ang pagkakahampas sa likod ko. Pakiramdam ko ay nabala lahat ng buto ko sa likod kaya saglit akong nanatili sa sahig ng naka dapa, nangibabaw naman ang kakatawa kaya mariin akong napapikit at ng maka bawi ay tumayo ako at hinarap ang humampas saakin.

Tiningnan ko ang hawak niyang bakal saka siya tiningnan ng blanko, ang ayaw ko sa lahat ay bumagsak sa lupa ng literal.

"Woah....ano? Papatayin mo ba ako?" Ani ng humampas saakin at gumuhit lang ang munting ngisi sa labi ko at unti unting napalitan ng blakong tingin. Sa mga oras na ito ay parang gusto kong pumatay.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now