Chapter 50: Baby Shower

706 14 2
                                    

Lara's POV

LAHAT KAMI ay hindi maka galaw at nanghihina sa nakikita, lahat ay hindi maka paniwala.

"This is your fault, Liam. Bakit mo pa kasi hiniling" bulong ni Gray na mukhang nanginginig rin, dinadaan lang sa biro.

Sa lahat ng dumating ay ito ang mas hindi ko inaasahan.

"W-what the hell is happening?" Tanong ni Jacob na gulat na gulat rin sa nakita.

"I-i thought...." Hindi matuloy tuloy ni Mr. Ferrer ang sasabihin habang hawak hawak si Erina.

"Who are you?!" Mariing tanong ni Sanika kaya nilingon ko siya, kunot na kunot ang mga noo niya.

What the hell, siguro naman ay kilala niya ang babaeng naka tayo ngayun sa harap namin.

"Erina, Sanika.... it's me" nakangiti at mangiyak ngiyak na sabi ni Mrs. Swane.

"W-who are you, really?!" Ramdam ko ang inis at pag ka irita sa boses ni Sanika.

"I'm your mom!" Emosiyonal na sabi ni Mrs. Ferrer kaya nangibabaw ang hikbi ni Erina.

"What?! Are you insane?" Galit na tanong ni Sanika, alam kong pinipilit niya lang ang sarili niyang hindi maniwala sa nakikita. Dahil sino ba namang maniniwala sa sitwasiyon na 'to.

"Anak," emosiyonal na sabi ni Mrs. Swane kaya nasapo ko ang noo ko dahil hindi ko magawang makapag isip ng gama, hindi ko alam kong ano ang tama kong gagawin sa ganitong sitwasiyon.

"Hey! Cal, who's this lady? What the hell is she saying?" Singhal ni Sanika kay Calandra.

"Sanika, siya ang ina mo, ang ina niyo ni Eri—"

"Stop!" Sigaw ni Sanika dahilan para magitla si Calandra.

"Alam mo bang patay na ang ina nila?" Kunot noong tanong ni Jacob.

Kahit siya ay kakakitaan ng pagka inis dahil kunot na kunot ang noo.

"Alam kong 'yan ang sasabihin niyo, pero maniwala kayo. Mga anak," ramdam ko ang sinsiridad ni Mrs. Swane.

"Mom....." Hikbi ni Erina at parang batang tumayo.

Napa yuko ako para iwasan ang pag tingin sa kanila.

"My baby," emosiyonal na sabi ni Mrs. Swane at ibinuka ang dalawang braso para salubungin ng yakap ang anak.

"Mommy......" Tawag ni Erina rito at patakbong niyakap ang ina, at ng magkayakapan ay saka nangibabaw ang hagulgol nilang pareho

"Sanika...." Tawag ng ina kay Sanika na ngayun ay hindi parin makapaniwala. "Come here, sweetheart" umiiyak na sabi ni Mrs. Swane kaya hindi na napigilan ni Sanika ang maiyak at unti unting humakbang palapit sa ina.

Humahagolgul itong lumapit at yumakap sa ina na parang bata, and for the first time. Nakita ko ang matinding pangungilila niya sa magulang, at parang hinihimas ang puso ko sa sinaryong ito.

"This is crazy" bulong ni Lillianne. "I feel my soul leaving my body in a second," hindi makapaniwalang aniya. "I thought she's dead?" Sinasabi niya iyun ng hindi gumagalaw ang katawan at tanging bibig lang ang maingay.

"I'm leaving" nilingon ko si Sky na nagmamadaling lumabas kaya pinigilan ko siya sa braso.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko at napatingin lang siya sa akin at nilingon si Mrs. Swane.

"May pupuntahan lang ako, I'll be back" aniya at tinanggal ang kamay ko, nag madali siyang umalis kaya napabuntong hininga nalang ako.

Everyone was shocked, habang siya ay aalis dahil may pupuntahan? Tss.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now