Chapter Three

309K 4.9K 275
                                    

Araw ng Lunes. Nakaleave ako ngayon para maasikaso ang problema dito sa probinsya. Kahapon ako umalis ng Maynila para naman matagal akong makadalaw kay Lola.

"Lola, sa susunod na araw makakalabas na po kayo dito. Wag niyo na pong alalahanin yung gastos. Nakaluwag na po ako." sabi ko kay Lola. Naga-alala kasi siyang wala akong pang-gastos sa Maynila kung ako ang gagastos sa pagpapagamot niya. Yun din ang dahilan kaya di niya pinasabi kay Kuya na nasa ospital siya.

"Sigurado ka ba apo? Baka naman ginagamit mo na ang ipon mo pinaghirapan mo yun apo."

"Lola, hindi po. Wag na po kayong mag-isip ng kung anu-ano ha? Matulog na po kayo."

________

"Heto yung papeles dun sa pagsasangla ko ng bahay at lupa. Jacky sorry talaga, di ko naman akalain na matatalo ako eh. Nananalo naman kasi talaga ako nung una..." pinutol ko na ang sinasabi niya. Kailangan ko nang maka-uwi ngayong gabi mahaba pa ang biyahe ko.

"Oo na Kuya. Nandito na ito eh. Gagawan ko na lang ng paraan. Si Gelai ba kamusta na?" anak ng Kuya ko si Gelai. Hiwalay siya sa asawa.

"Maayos naman siya. Isa pa yan sa problema ko. Naghahanap pa ako ng pera para sa tuition niya  sa pagpasok niya sa Hunyo." si Kuya.

"Kuya naman kasi, maghanap ka ng trabaho. Hindi yung umaasa ka lang sa konting kita ng gulayan natin."

"Ginagawa ko naman ang lahat ah! Sa tingin mo ba makakahanap ako ng matinong trabaho dito sa probinsya? Wala ako sa Maynila tulad mo! Di ako nagpapakasarap dito!"

Ganyan lagi ang sumbat niya saken. Kesyo nagpapakasarap ako sa Maynila. Hindi kasi nila alam kung gaano kahirap manirahan dun ng mag-isa. Kung gaano kamahal ang bilihin. Hindi ka makakakuha ng mga gulay na pwede mong kainin pag labas ng bahay, kelangan mo talagang bilhin. Hindi tulad dito sa probinsya, pwede ka pang lumapit sa kapitbahay para lang manghingi ng pwedeng makain. Eh sa Maynila? Pwede ka bang kumatok sa kabilang pinto para sabihing pahingi ng pagkaen?

"Oo na Kuya. Paulit-ulit na lang tayo eh. Aalis na ako. Heto ang pera para sa pagpapagamot ni Lola. Tawagan mo ako pag kulang pa at padadalhan ko kayo." yun lang at lumabas na ako ng ospital.

Dalawa lang kaming magkapatid at si Lola ang nagpalaki sa amin. Yung mga magulang kasi namin namatay nung bata pa kami. Nagkaroon sila ng malalang sakit at dahil di namin sila kayang ipagamot, namatay sila.

Di nakatapos ng pag-aaral ang Kuya ko dahil na rin sa tamad siyang mag-aral. Mas gusto niya pang magtanim sa bukid kesa mag-aral. Kaya naman ako na lang ang pinagsikapang pag-aralin ng Lola namin. At dahil pinagbutihan ko ang pag-aaral ko, nakakuha ako ng scholarship para makapag-aral sa Maynila.

________

Anim na oras din ang biyahe mula sa probinsya hanggang dito sa tinitirhan kong condo. Grabe, nakakapagod ang biyahe. Ewan ko ba, wala ka namang ginagawa sa bus kundi tumunganga at matulog pero nakakapagod talaga.

Binuksan ko ang pintuan ng condo ko at binuksan ang ilaw.

What the??

Magulo yung sala. Maraming kalat yung mesa dun. May box ng pizza, mga basyo ng beer at softdrinks, mga balat ng chichirya, atbp. Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Maico!"

Siya lang ang pwedeng gumawa nito. Ganyan siya kakalat kaya araw-araw ang schedule ng tagalinis niya ng bahay niya. Puro problema na nga ako tapos ito pa ang sasalubong sa akin? Nakakabwisit talaga ang lalaking ito!

"Hmmm natutulog yung tao eh. Wag ka ngang sumigaw."

Tinignan ko siya ng masama habang nakahiga siya sa sofa at nakapikit.

"Bumangon ka nga jan! Saka paano ka nakapasok!"

Dumukot siya sa bulsa niya at nilabas ang duplicate key niya ngcondo. Mayroon ng pala siya nun. Kahit ako merong duplicate na susi ng condo niya. Nilaro niya pa yun sa daliri niya saka ibinalik sa bulsa niya.

"Ibalik mo na saken ang susi na yan. Di mo na yan kailangan." sabi ko sa kanya habang naghahanap ng mauupuan.

Ano bang klaseng nilalang to? Pati yung pang-isahang upuan may kalat. Tinabig ko yung paa niya at naupo sa dulo ng mahabang sofa na kinahihigaan niya. Isinandal ko ang ulo ko saka pumikit. Sobrang pagod talaga ang nararamdaman ko ngayon.

"Saan ka galing? Dalawang araw na ako dito ah!" aniya.

"Pwede ba Maico, wala kang pakealam!" singhal ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang yung pagyakap niya sa beywang ko at pagsandal niya ng ulo niya sa dibdib ko. Wala ako sa mood na makipag-away kaya hinayaan ko na lang siya. Nanatili lang akong nakapikit.

"Wag na nga mainit ang ulo mo. Saan ka ba kasi galing? Nag-aalala lang naman ako sayo ah. Saka nakapatay yung CP mo." aniya sa tonong naglalambing.

At dahil nga pagod ako, sumagot na lang ako. Nakakapagod din makipag-bangayan.

"Galing akong probinsya, may inasikaso ako dun." simpleng sagot ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap saken at humiga. Iniunan niya yung ulo niya sa hita ko.

"Ano namang inasikaso mo sa probinsya?"

"It's none of your business."

"Ang sungit naman ng Beauty ko." aniya sabay kuha sa kamay ko at inilapat sa bibig niya.

Hinila ko agad yun at saka dumilat. Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ka ba nandito ha? Wala akong oras sayo umalis ka na." sabi ko saka tumayo.

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Pagkabukas ko ng ilaw dun, napapikit ako. Sh*t. Parang may pusang nanggulo sa kusina ko. Nakakagigil talaga!

"Maico!Linisin mo lahat ng kalat mo bago ka umalis!" lumabas ako ng kusina at hinarap siya. "Maglinis ka!" sabi ko saka pumasok ng kwarto.

Pagkapasok ko dun, tulad ng inaasahan ko magulo din. Kailan ba matututong mag-ayos ng gamit yang lalaking yan? Mukhang dito pa natulog sa kama ko. Grabe, pati pinagbihisan niya nasa sahig pa. May damit nga pala siya dito. Nung "MU" kasi kami dati madalas siya dito or ako sa condo niya.

Inayos ko na lang yun at nagbihis. Pagkalabas ko ulit ng kwarto, nakaupo lang siya sa sahig hawak yung vacuum cleaner at yung dala kong folder kanina.

"Hey! Wag mo ngang pakealaman yan!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit di mo 'to sinabi sa akin?"

"Bakit? Sino ka ba para sabihan ko?" singhal ko sa kanya sabay hablot dun sa papeles.

"Jacky, alam mong kaya kitang tulungan jan." aniya sabay sa pagtayo.

"Di ko kailangan ng tulong mo. Umalis ka na." tinulak ko siya papunta sa pinto pero di siya lumabas.

Tumingin siya sa mga mata ko. Nakita ko yung concern dun. Di ko alam pero nang nakatingin ako sa mga mata niya di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Dalawang araw ko na rin itong pinipigilan. Di ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

Sa unang pagpatak pa lang luha ko niyakap niya na ako ng mahigpit.

"Tahan na Beauty. Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak di ba? Wag mo nang alalahanin yan. Ako nang bahala." aniya habang hinahagod yung likod ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Promise babayaran kita in the future." sabi ko sa kanya.

"Saan ka nakakita ng Boyfriend na nagpabayad?" nangingiting sabi niya saka hinalikan ang noo ko.

"Di kita Boyfriend." sabi ko.

"Sinong may sabi?" hamon niya sa akin.

"Ako. Basta babayaran kita tapos!"

"Ikaw na nga ang bahala. Bayaran mo kung gusto mo. Pero wala ka nang magagawa. Boyfriend mo na ako." 

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon