Special Chapter # 1

304K 2.7K 51
                                    

Nayi's Note: Lahat ng special chapter na isusulat ko for TNRG ay prequel. Alamin natin ang mga nangyari kay Maico at Jacky pagkatapos ng TNBIMH at bago ang TNRG. sa unahan ng TNRG ko muna ilalagay ang Specials para hindi mahirap hanapin. Enjoy reading!

TNRG SPECIAL #1 - THE FIRST DAY

(SIX MONTHS BEFORE TNRG)

Isinara ko ang pinto ng unit ni Maico gamit ang paa ko. Lasing na lasing siya at naka-akbay siya ngayon sa balikat ko. Grabe lang. Sobrang bigat niya. Kanina, kinailangan ko pang humingi ng tulong sa guard para lang maiakyat siya rito sa unit niya.

Buti na lang nakarating na ako rito isang beses nang isinama niya ako sa opening ng resto bar ng kaibigan niya. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang lalaking 'to. Sa sobrang kalasingan kasi, ni hindi na sumasagot ng tama. Sagutin ba naman ako ng "sa heaven" sa tanong ko kung saan niya gustong pumunta!

"Wait lang, Maico—" Halos matumba kami nang maglakad siya ng isang hakbang. At dahil naka-akbay siya sa akin, naturalmente na kasama ako. E gegewang-gewang siya kaya naman pinilit kong hilahin siya patayo. "Ang bigat mo naman!" reklamo ko.

Inalalayan ko pa siya hanggang sa makarating kami sa sofa. Iniupo ko siya roon pero sa huli, dumausdos lang siya sa sahig. Nasapo ko na lang ang noo ko at nailing. "Ano bang gagawin ko sa'yo, Maico?"

Dahil hindi ko naman maaatim na patulugin siya sa sahig ng sala, pumunta ako ng kusina para magtimpla ng kape. Baka sakaling 'pag naka-inom siya ng kape e mahimasmasan siya at makapunta naman siya sa kwarto niya.

Nagtimpla ako gamit ang coffee maker niya. Naka-ilang minuto rin ako dahil pinag-aralan ko pa kung paano gamitin 'yun. Wala naman kasi kaming ganito sa unit namin ni Lana dati.

Nakahiga na sa sahig si Maico pagkarating ko sa sala. Pinaupo ko siya ng maayos at pinilit na humigop ng kape.

Naka-ilang subok ako at sa huli, napa-inom ko rin siya. Ilang sandali pa ay naubos niya 'yun at mukhang nahimasmasan siya ng konti.

Nakahinga ako ng maluwag at naupo sa tabi niya.

"Kaya mo na bang tumayo mag-isa? Pumunta ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na," sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

Napansin kong tahimik siya kaya naman tumingin ako sa kanya. Baka kasi nakatulog na naman. Pero mali ako, nakamulat siya. Mapungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Uhm, Maico? Bakit?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Patuloy lang siya sa pagtitig sa akin.

"Huy, Maico!" sabi ko, tinapik ko pa siya sa braso.

Mukhang nagising naman siya at umiwas ng tingin. Tumayo na ako hinila siya sa braso.

"Tara na. Dun ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na ng maayos," sabi ko.

Hindi siya umimik pero tumayo naman siya. Gumewang pa siya kaya mabilis na inalalayan ko siya.

Sa pagkakataong 'to, hindi na ako nahirapan na dalhin siya sa kwarto niya. Kahit kasi halatang hilo pa siya, hindi na siya kasing lala ng kanina.

Nakahinga ako nang maluwag nang makaupo na siya sa kama niya. Inalis ko ang mga sapatos niya at akmang ihihiga ko na siya sa kama nang hilahin niya na lang akong bigla palapit sa kanya.

Mahigpit na yakap ni Maico ang sumalubong sa pagkagulat ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin, humagis pa ang salamin ko. Ilang sandali din siyang nakayakap sa akin bago siya humiwalay. Ang akala ko ay pakakawalan niya na ako pero nagkamali ako. Nagulat na lang ako nang mabilis na halikan niya ako sa mga labi.

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now