Chapter Twenty Two

212K 2.9K 92
                                    

Papunta ako ngayon sa site, wala akong balak na sumabay kay Anthony. Pero mukhang hinihintay niya talaga ako. Nilagpasan ko lang siya pero naramdaman ko yung pagsunod niya.

"Pumayag kang maging kaibigan ko di ba? Bakit ngayon umiiwas ka?" napalingon ako nang magsalita si Anthony.

Di ko alam ang isasagot sa kanya. Aminado naman ako, naging harsh yung pakikitungo ko sa kanya kahapon. Kaso kasi alam kong hindi niya ako titigilan kung hindi ako magiging harsh sa kanya. Pero sa tingin ko ngayon, kahit anong gawin ko magpupumilit pa rin siya.

Ayokong maging masama sa paningin niya si Maico. Tulad din ng dati eh hindi ko masabi sa kanya na pinapaiwasan siya ng huli. Siguro dapat na ring malaman niya para matapos na. Kahit na ano pang maging tingin niya kay Maico.

"Gusto kasi ni Maico... yung boyfriend ko na iwasan kita." mejo nag-aalangang sabi ko.

Di siya umimik sa sinabi ko at sumabay lang sa paglalakad ko. Nakalabas na kami ng building ng harapin ko siya.

"Look, I didn't mean to be harsh on you pero ayoko naman na masira ang relasyon namin ni Maico ng dahil lang sayo. I love him.  At kung ano man ang gusto niya gagawin ko."

"Yeah, I understand." aniya. Ngumiti pa siya sa akin. Yung ngiting halatang peke saka naglakad palayo.

Nakaka-guilty man wala naman akong magagawa. Ewan ko ba jan sa lalaking yan. Ano ba kasing nakita niya saken at nagkakaganyan siya? Wala namang espesyal saken eh. Ni hindi ako kagandahan. Kung hindi pa ako inayusan ni Mika ano na lang ako?

________

Sobrang sakit ng ulo ko. Ewan ko ba pero hindi naging maayos ang araw ko rito. Puro kamalasan lang ang inabot ko pati sa site. Sana naman bukas eh maayos ko na lahat.

Kanina ko pa pinipilit na matawagan si Maico. Pambawas badtrip lang sana pero di siya sumasagot. Busy siguro. Ang huling usap namin eh kaninang tanghali pa. Excited pa siya sa balita niya sa akin na may maco-close siyang deal ngayon. Ang saya-saya nga ng boses niya na pati ako nahawa na rin. Sandaling nawala yung init ng ulo ko kanina kaso bumalik din agad nang harapin ko yung trabaho.

Tumingin ako sa wall clock.  Magaalas-onse na pero wala pa ring tawag galing sa kanya. Pumikit na lang muna ako. Baka sakaling mamaya eh tumawag din siya.

________

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko agad yun mula sa bedside at tinignan. Alarm lang pala. Alas seis na ayon sa oras dun. Tinignan ko agad yung call log pero wala man lang missed call mula kay Maico. Nagaalala na ako, baka kung ano nang nangyari sa kanya.

Nai-dial ko agad yung number niya. Nakarami na ng ring pero di niya pa rin sinasagot. Ibababa ko na sana yun nang may marinig ako mula sa kabilang linya.

"B-beauty?" mejo garalgal yung boses niya. Halatang kakagising lang.

"Thank God you're OK!" bulalas ko.

"Sorry di ako nakatawag. Nalasing kasi ako kagabi. And guess what? I closed the deal! Kaya nga nagcelebrate kami kagabi." masiglang sabi niya kahit na halos walang nabago sa boses niya.

"Congrats Beast! Proud girlfriend here!" natatawang sabi ko.

Tumawa rin siya ng malakas, "How's Palawan?" tanong niya.

"Eto Palawan pa rin." biro ko.

Natahimik ako saglit. Naiinis kasi ako sa kinakalabasan ng trabaho ko rito. Marami pa akong kelangang ayusin mamaya pagbalik ko dun. Buti na lang talaga natawagan ko na si Maico. Pampatanggal stress.

"May problema?"

 

Huminga ako ng malalim. "Tsk! Kasi naman naiinis  ako. Marami akong kelangang ayusin mamaya. Sumakit nga ulo ko kahapon eh. Ang daming problema dito." reklamo ko.

"Relax lang. Isipin mo na lang na nanjan ako sa tabi mo para ma-inspire ka naman. Nakakainspire pag may kasamang gwapo di ba?" biro niya.

"Adik! Pero sige it-try ko yan!" tumayo na ako para sana maligo. "Maliligo na ako Beast, kelangan ko na ring pumunta sa site. Kain ka na ha?"

"Ok. Kumaen ka ng maayos jan ha! Saka yung ano..." alam ko na ang tinutukoy niya. Paulit-ulit lang.

"Yes Sir!" natatawa pa ako saka ko binaba yung tawag.

__________

"Pampalamig ng ulo." si Anthony. Inaabot niya saken yung isang baso ng orange juice.

Ngumiti na lang ako saka tinanggap yun. Nauuhaw na rin naman kasi ako.

Tumingin ulit ako sa accounts nang mapangalahati ko yung juice na bigay niya. Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Kadalasan naman eh naaayos ko ang problema.

Ilang minuto ko pa rin tinititigan yun pero wala akong maisip. Hanggang sa nagsalita si Anthony at nagbigay ng suggestion niya.

Siyempre ako si desperada hinayaan ko siyang magsalita. Kailangan ko na talaga ng tulong para makaisip ako ng magandang solusyon. Mamaya ko na dapat matapos ang report dahil  uuwi na kami bukas ng umaga.

Hindi kami pareho ng trabaho pero may point siya sa mga sinasabi niya. At naging malaking tulong yun kaya nakaisip ako ng magandang solusyon.

"I owe you one." nakangiting sabi ko sa kanya. Pauwi na kami mula sa site.

"Wala yun. Di ko nga naisip na makakatulong." aniya.

Bilang kabayaran naman sa nagawa niya para saken eh magiging mabuti ako sa kanya. Kahit ngayon lang. Maiintindihan naman siguro ni Maico yun.

"Kain naman tayo. Di ka pa ba nagugutom? Alas seis na rin naman." yaya niya saken.

Nag-isip ako saglit pero pumayag na rin. Ipapaliwanag ko na lang siguro kay Maico ang nangyari. Sasabihin ko sa kanya lahat.

Masaya namang kasama si Anthony. Nagtatawanan kami habang kumakain. Ang dami niyang kwento. Lahat na ata ng tao sa opisina eh napag-tripan niya. Pati yung mga kapit-bahay niya nakwento niya na.

Inabot kami ng dalawang oras sa pagku-kwentuhan lang. Maswerte ang magiging girlfriend nitong si Anthony. Pero syempre hindi ako yun dahil mahal ko si Maico. Kahit na gaano siya kasayang kasama eh iba pa rin yung pakiramdam pag yung mahal mo ang nasa tabi mo.

"Salamat ha." aniya bago ako makapasok sa kwarto.

"Saan naman?" nagtatakang tanong ko.

"Sa oras mo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon."

"OA naman! Natulungan mo naman ako kanina eh. And to be honest, naging masaya akong kasama ka." sinserong sabi ko.

Natigilan siya bigla sa sinabi ko. Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko mabasa kung ano mang iniisip niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang yumukod at halikan ako sa pisngi. Hindi ako  naka-react sa nangyari.

"Sorry."  mahina niyang sabi.  Kita yung pagsisisi sa mukha niya. Napapikit siya ng mariin, marahil dahil sa pagkapahiya sa sarili.

Tumalikod siya bigla saka pumasok sa kwarto niya.

Di pa rin ako makakilos sa pagkakatayo ko nang may matanaw ako sa di kalayuan. Madilim yung anyo niya. Kita ang galit doon.

"Maico."

to  be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon