Chapter Ten

252K 3.7K 218
                                    

"Mica... gising na. Nakapaghain na ako ng agahan." sabi ko habang niyuyugyog si Mica.

Dito rin siya natulog sa higaan ko. Di naman kasi pwede sa kabilang kwarto kasi sinukahan niya yung kama. Di ko rin naman maatim na patulugin siya sa sofa. Kaya ang set-up namin, si Maico-Ako-Mica. Pinagitnaan nila ako. Pareho pang gustong nakayakap kaya di ako nakatulog ng maayos. Para silang nagaagawan sa laruan.

Sobrang nakakagulat na si Maico pala yung sinasabi ni Mica na Kuya niya na gusto niyang ipakilala. Nakakatuwa lang, nagkapalagayan na kasi kami ng loob. Ang sarap sa pakiramdam na ka-close ko ang isa sa bahagi ng pamilya ni Maico. Pakiramdam ko magiging bahagi na rin ako nun balang araw.

Bumangon na rin si Mica pagkatapos ko siyang yugyugin ng mga sandaang beses. Tulog mantika aisssh! Kung di lang talaga to malakas saken eh!

Nakaupo na si Mica at kumakaen ng dumating si Maico sa kusina. Naligo na kasi siya habang inaayos ko yung mesa at bago ko gisingin si Mica.

Kumukuha ako ng prutas sa lagayan ng yumakap si Maico saken mula sa likod.

"Ano ka ba! Nanjan yung kapatid mo oh. Bumitaw ka nga!" pabulong pero mariin kong sabi sa kanya.

"Wag mo ngang pansinin yang batang yan." aniya saka humalik sa pisngi ko. Naman oh! Nakakahya kaya kay Mica!

Nang umupo kami ni Maico eh nakayuko si Mica. Akala mo eh maamong tupa. Patuloy pa rin siya sa pagkaen. Nagsimula na ring kumaen si Maico. Tahimik lang kami hanggang sa matapos si Mica at akmang tatayo na.

"Stay there." si Maico sa awtoritadong tono.

Agad namang bumalik sa pagkakaupo si Mica at yumuko ulit. Halatang takot siya sa Kuya niya.

Sinamsam ko na ang pinagkainan habang nakaupo pa rin sila at walang nagsasalita. Nagsimula na akong mag-urong ng plato nang magsalita si Maico.

"Di ba sinabihan na kita na layuan mo na yung lalaking yun! Ang tigas talaga ng ulo mo eh."

Di umimik si Mica pero naririnig ko yung impit na paghikbi niya.

"At sino naman ang nagturo sayo na mag-inom ha? Pasalamat ka na lang na nandun si Beauty. Kundi eh baka napaano ka na!" pagpapatuloy ni Maico.

"Beauty?!" biglang tanong ni Mica habang humihikbi. Di ko sila nakikita dahil patalikod yung lababo sa kinaroroonan nila.

"Oo. Beauty. Si Jacky. Yung girlfriend ko. Paano na lang kung wala siya? Di ka talaga nag-iisip!"

"S-sorry." mahinang sabi ni Mica.

"Psss."

"Hayaan mo na muna si Mica. Wag mo nang pagalitan masyado. Brokenhearted pa yan." singit ko sa kanila. natapos na akong maghugas ng plato. Lumapit ako at naupo muli sa silya ko.

Ngumiti saken si Mica at sinabing "Thank you" nang walang boses.

Bumuga na lang ng hangin si Maico saka tumingin kay Mica.

"Bilang parusa mo, linisin mo itong buong unit ni Jacky. Kung hindi, ipapuputol ko lahat ng card mo."

Nalaki ang mga mata ni Mica sa sinabi ni Maico.

"Pero Kuy..."

"Walang pero pero! Aalis kami ni Jacky. At gusto ko pagbalik namin mamayang gabi malinis na dito. Naiintindihan mo ba?"

Tango lang ang sinagot ni Mica. Bumaling sa akin si Maico.

"Tara Beauty. Mag-gala naman tayo ngayong araw." aniya.

Weee! Ang saya naman! Matagal ko nang gustong mamasyal ulit kasama siya. Napangiti ako sa pagsang-ayon nang may maalala.

"Naku! Nakapangako nga pala ako kay Lana na sasamahan ko siya ngayuon sa OB. Alam mo naman di ba Di pa pwedeng bumiyahe si Jace."

Lumungkot bigla yung mukha ni Maico. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na impit na tumatawa si Mica. Nakakatawa naman kasi talaga yung hitsura niya.

"Kung gusto mo samahan mo na lang muna kami. Tapos pagkahatid natin kay Lana saka tayo gumala." sabi ko sa kanya. Agad namang lumiwanag yung mukha niya at tumango.

__________

Sinalubong kami ni Lana pagkarating namin sa bahay nila. Since buntis siya eh di na siya pinayagang mag-drive ni Jace kaya naman sinundo namin siya.

"Pasok muna kayo. Magbibihis lang ako. Napa-aga ata kayo ah." nakangiting sabi ni Lana.

"Ito kasing si Maico nagmamadali eh. Wala naman akong magagawa kasi siya yung magd-drive." kung hindi sana namin kasama si Maico ngayon eh magco-commute lang kami ni Lana. Maige na rin na kasama namin siya.

Naabutan namin si Jace sa sala. Di na siya naka wheel chair pero may hawak pa rin siyang tungkod.

Tumayo siya pagkakita sa amin. Pero dahan-dahan yun. Halatang sinasanay niya pa yung mga hita niya. Matagal rin siyang naratay sa upuang de gulong eh.

"Jacky! Pare!" nakangiti niyang sabi habang papalapit kami.

"Hi Jace! Mukhang malakas na tayo ah!" biro ko sa kanya.

Tumawa siya nang malakas. Mukhang masayang-masaya siya. Ang sabi ni Lana eh babalik na ulit sa trabaho si Jace sa isang buwan.

"Maupo kayo." tinuro niya yung sofa saka umupo na rin siya. "Sino ba namang hindi lalakas kung tulad ni Lana ang nag-aalaga di ba?" aniya pa. "Saka kailangang magaling na ako ng lubusan pag labas ng anak ko."

"Kelan ba ang labas ng anak niyo? Naku dapat Ninong ako nyan ha!" si Maico.

"Dalawang buwan na lang. Naku, syempre naman Ninong at Ninang kayo ni Jacky."

"Let's go?" napatingin kami sa may hagdanan nang magsalita si Lana.

"Teka, pakainin na muna natin sila." ani Jace.

"Naku hindi na Jace! Kakaken lang namen. Syempre di naman pwedeng di ako ipagluto nitong Beauty ko di ba?" tumatawa pang sabi ni Maico habang pinipisil ang pisngi ko.

Natawa rin sina Lana at Jace. Tingin ko dahil sa tawag saken ni Maico. Pansin ko lang kasi, sa tuwing may kasama kami at tinawag niya akong Beauty tumatawa sila eh.

__________

Matapos naming manggaling sa OB ni Lana eh sinama muna namin siya sa park. Malapit na kasi yun sa ospital kaya pumunta na muna kami dun bago ihatid si Lana pauwi.

"Wow! Ang saya! Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa park. Simula kasi nung aksidente ni Jace eh dun lang kami sa bakuran. Di ko naman kasi siya madala sa ibang lugar."

"Eh baket di niyo isama yung therapist niya para naman makagala kayo." sabi ko.

"Hay naku. Alam mo naman yang si Jace may kaartehang taglay. Mas gusto niyang ako yung mag-alaga sa kanya kaya pumupunta-punta lang sa bahay yung therapist niya."

Napangiti na lang ako. Oo nga sinabi na ni Lana yun. Pasaway si Jace. Mas gustong siya ang mag-alaga. Muntanga lang eh buntis nga si Lana.

Napaangat ang tingin ko kay Maico. Ang tahimik niya ata? Kanina lang ang daldal niya eh.

Nakita kong nakatitig siya kay Lana. Partikular dun sa tiyan nito.

Ano kayang iniisip niya? Iniisip niya kayang sana siya yung ama nun?

Kumirot ang dibdib ko sa naisip.

Mahal niya pa rin kaya si Lana?

Maya-maya eh ngumiti siya habang nakatitig pa rin kay Lana. Mejo yumuko siya at lalong lumapad ang ngiti. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin at pa-smack na humalik sa mga labi ko.

"Oy bawal PDA dito!" natatawang sabi ni Lana.

Ano ba yan! Palaisipan pa tuloy saken ito. Ano kayang iniisip niya kanina? Baket ganun na lang siya kung makangiti?

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now