Chapter Twenty Eight

202K 2.9K 90
                                    

Biyernes na naman. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang pinalayo ko si Maico. Well, balak ko na rin naman siyang kausapin bukas. Pinalipas ko lang ang ilan pang araw para mas makapag-isip pa ako ng maayos. At ang desisyon ko? Gusto ko siyang makasama, no matter what.

Sobrang busy ng schedule ko these past few days. Inaayos ko pa rin yung problemang naiwan sa Palawan. Pagka-alis ko kasi eh may bagong problemang umusbong. Pero naayos ko na rin kaya eto, nakakahinga na ulit ako ng maluwag bukod pa sa komportable na ulit ako sa suot ko.

Binalik ko na ulit yung dati kong hitsura. Kung tutuusin kasi eh di naman talaga ako komportable sa mga damit na pinapasuot sa akin ni Mica. Hiningi ko naman ang opinyon niya and she's ok with it. Ang sabi niya kung saan ako mas magiging komportable eh dun ako. Tutal naman daw eh walang mababago sa pagtingin ng kuya niya. Kinilig ako nun oo, pero siyempre iba pa rin pag kay Maico yun mismo nanggaling.

"Sasama ka ba mamaya?" tanong sa akin ng isang ka-officemate ko.

Nagbabalak silang magkaroon ng despedida mamaya para sa isang empleyado rito. Nakasama ko naman na rin sa isang trabaho yung babaeng yun kaya naman inimbita nila akong sumama.  

"Oo, sasama ako." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ok, see you!"

Sa Metrowalk daw kami mamaya. Hindi naman siguro masamang makisama naman ako sa mga kaopisina ko. Sa totoo lang kasi eh hindi talaga ako sumasama sa mga ganoong paglabas-labas nila. Kaya siguro tinanong pa ako nung isa.

__________

"Buti nakasama ka." napatingin ako sa nagsalita. Si Anthony. Umupo siya sa tabi ko at hindi siya makatingin.

Ilang sandali rin kaming nasa ganoong ayos nang magsalita siya.

"Jacky, about what happened---"

"Forget it." putol ko agad sa sinasabi niya. Alam kong yung paghalik niya sa pisngi ko ang tinutukoy niya. "Wag na nating pag-usapan yun."

Bahagya siyang ngumiti. "I'm sorry. I really am."

"Tapos na yun."

"Promise, hindi na mauilit."

Ngumiti ako sa kanya bilang pagpapakita na pinapatawad ko na siya. Sana nga lang hindi na talaga maulit dahil baka sa susunod eh hindi ko na talaga siya mapatawad. Lalo na kung dahil dun eh magugulo na naman kami ni Maico.

Naging masaya naman ako habang nakikipag-kwentuhan sa kanila. Hindi nga sila sanay sa na sumasama ako kaya nagulat pa sila sa kadaldalan ko. Habang tumatagal kasi eh nagiging komportable na rin akong makipagbiruan sa kanila.

Natatawa na lang ako kasi ilang taon na rin ako sa kompanya pero ngayon lang ako nakipag-socialize sa kanila. Imagine? Ang tagal na panahon ko rin binuro ang sarili ko. Well, nanjan naman kasi yung mga kaibigan ko kaya ganun ako eh. Pero ngayong hindi ko na kasama sa bahay si Lana eh wala na rin akong makasamang lumabas-labas.

Kanina pa nila ako pinipilit na uminom pero ayokong tanggapin yung inaabot nila. Sa nangyari nung nakaraang linggo, nangako ako sa sarili kong hinding-hindi na talaga yun mauulit. Grabe, ayoko na ulit maramdaman yung naramdaman ko nun.

Maga-alas tres na nang napagpasyahan na mag-uwian na. Karamihan kasi sa kanila eh lasing na. Kahit si Anthony na kanina pa hindi humihiwalay sa akin eh lasing na rin.

Naiinis na nga ako kanina kasi tinutukso nila ako sa kanya. Nang sabihin ko na lang na may boyfriend ako saka sila tumigil. Buti nga't tinigilan nila, baka makarating pa ito kay Maico eh gulo na naman.

Dahil hindi ko naman maatim na iwanan na lang si Anthony dito na lasing eh inalalayan ko siya palabas. Balak ko eh isakay lang siya ng taxi at uuwi na rin. Hindi niya naman dala yung sasakyan niya kasi ineexpect niya nang malalasing siya ngayon.

Malapit na kami sa kalsada nang muntik na siyang matumba kaya naman umakbay siya sa akin para mas maalalayan ko pa siya. Kanina kasi eh nakakapit lang ako sa braso niya.

Nagulat na lang ako nang biglang maalis yung pagkaka-akbay niya at malakas na kalabog ang narinig ko. Pagkatingin ko eh nandun si Maico at kukubabawan pa si Anthony. Bakas din ang pagkagulat sa mukha ng huli at ang dugo sa gilid ng mga labi nito.

"Maico!" nagpapanic na lumapit ako sa kanila at hinila ang braso ni Maico bago niya pa ulit masuntok si Anthony.

Nagpumiglas si Maico at halos matumba ako ng hilahin niya yung braso niya mula sa pagkakahawak ko. "Sinabi ko nang layuan mo ang girlfriend ko di ba?" pagkasabi nun eh binirahan niya pa ng isang suntok si Anthony.

Patakbong lumapit ulit ako at yumakap sa likod ni Maico.

"Tama na, please. Maico..."

Mukhang natauhan naman siya at dahan-dahang tumayo. Nagsilapitan agad yung ibang tao kay Anthony at tinulungan nila itong makatayo.

"Tara na." sabi ko habang hinihila ang braso ni Maico. Masama pa rin ang tingin niya kay Anthony na halos hindi na makatayo.

________

Tahimik lang kami ni Maico habang pauwi. Naiinis ako sa ginawa niya. Kung tutuusin naman kasi eh walang kasalanan si Anthony. Lasing yung tao at inaalalayan ko lang. Pero itong si Maico, basta na lang sumugod at pinagsusuntok yung tao.

Napatingin ako kay Maico. Bakas yung sobrang galit sa mukha niya.

"Hindi mo dapat ginawa yun." hindi ko napigilang sabihin. Kalmado lang ang boses ko pero mariin ang pagkakasabi ko.

Marahas siyang tumingin sa akin. "Pinagsabihan ko na siyang layuan ka. Pero ano? Nakita ko pa siyang nakaakbay sayo!"

"Lasing yung tao!" halos pasigaw nang sabi ko.

"Wag mong idahilang lasing siya! If I know nagkukunwari lang yun! Gusto ka lang talaga niyang agawin sa akin!" hinampas niya pa yung manibela saka itinigil sa gilid yung sasakyan.

"Pero hindi pa rin yun sapat na dahilan para bugbugin mo siya ng ganun!"

"What am I supposed to do? Panoorin na lang siyang halos nakayakap na sa girlfriend ko ganun ba?!"

Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili ko. Pag pinagpatuloy ko ang pakikipagtalo sa kanya eh wala kaming magandang patutunguhan. Baka maaksidente pa kami kaya isinandal ko na lang yung ulo ko at pumikit.

Narinig ko pa yung paghinga niya ng malalim saka ko naramdaman yung pag-andar ulit ng sasakyan.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now