Chapter Sixteen

219K 3.1K 148
                                    

"Let's go." inilahad ni Maico yung braso niya sa akin at tinaggap ko naman yun. Naglakad na kami papasok.

Naga-adjust pa ako hanggang ngayon sa suot ko. Di ako sanay sa ganito. Suot ko yung blue dress na binili namin sa mall saka yung isang sapatos na niregalo naman sa akin ni Mica. Nagpunta rin ako ng parlor kanina para magpa-ayos. Di naman kasi ako marunong talaga magmake-up. Para lang di mapahiya si Maico sa pagpapakilala sa akin eh nagpa-ayos na lang ako.

Napatingin ako kay Maico. Ang gwapo niyang tignan sa tuxedo niya na kulay abo. Yung buhok niya basta na lang yun sinuklay pero ang ganda pa rin tigan sa kanya. Walang effort pero sinisigaw pa rin nun na "gwapo ako". Napangiti ako ng wala sa sarili nang maisip ko yun. Napatingin naman siya bigla sa akin dahil mejo napalakas yung paghagikgik ko.

"Baket?" nagtatakang tanong niya.

Umiling lang ako bilang sagot saka ngumiti sa kanya.

"You look beautiful." humawak pa siya sa baba ko, "nakalimutan ko pala yung sabihin kanina." nagulat ako ng bigla niya na lang akong halikan sa noo. Buti na lang walang masyadong tao sa hallway.

Dito gaganapin ang party ng Mommy ni Maico sa The Peninsula Manila sa Makati. First time ko lang makatapak dito. Ang ganda at ang sosal ng paligid. Buti na lang pala naisipan akong ibili ng Mommy ni Maico ng dress. Nakakahiya naman kasing isuot yung nagiisang dress ko sa closet. Ginamit ko pa yun nung kasal ni Lana dati. Kasya pa, pero luma na talagang tignan.

"Mr. Buenaventura." napalingon kami sa kung sino mang tumawag kay Maico.

"Mr. Choi." nakangiting inilahad ni Maico ang kamay niya sa nakatatandang lalaki. Puti na ang karamihan sa buhok nito at may kasamang babae na tantiya ko eh kaedad ko. Maganda siya at eleganteng tignan.

"This is my girl, Jacky." pagpapakilala ni Maico sa akin.

"She's very beautiful." ani Mr. Choi at inabot ang kamay ko saka yun hinalikan. Kung sa normal na araw lang eh baka nasapok ko ito pero dahil sosyalan ito eh mukhang normal lang ang ganung gawain sa kanila.

"But of course Mr. Choi. Magaling pumili ang anak ko eh." singit ng Mommy ni Maico.

"Melinda. You're beautiful as always. Happy birthday." humalik yung matanda sa pisngi ng Mommy ni Maico. Di naman sinasadyang napatingin sako dun sa babaeng kasama ng matanda. Nakatitig siya kay Maico. Pagtingin ko kay Maico eh nakangiti lang siya at pinagmamasdan ang dalawang matanda.

Nakita ko kung paanong napatingin si Maico dun sa babae. Napansin niya sigurong nakatitig ito sa kanya. Nung tumingin ulit ako dun sa babae eh kumindat pa ito kay Maico. Uminit ang ulo ko. Seriously? Sa harap ko pa haharutin yung boyfriend ko?

Kunot noong tumingin ako kay Maico. Nakangiti pa rin siya pero umiiling-iling siya. Masupalpal nga itong babaeng haliparot na 'to.

"Ahhm..." napatigil ako nang hawakan bigla ng Mommy ni Maico ang braso ko.

"Pwede ko bang mahiram muna ang mamanugangin ko?" tanong niya kay Maico.

"Go ahead 'My."

Giniya ako ng Mommy ni Maico papunta sa isang table. Kinakabahan ako, naiisip ko pa lang kung anong gagawin niya. Naaalala ko pati yung mga sinabi noong napag-isa kaming dalawa. Tinawag niya pa akong mangkukulam nun.

"Amiga, this is Jacky my future daughter in law. Well, hopefully." pagpapakilala niya sa akin sa mga nakaupo sa round table na yun.

Yung totoo? Bipolar ba itong nanay ni Maico?

"Aba, magaling pumili ang inaanak ko ha." sabi nung isang matandang sosyalera. Halos di ko na makita yung mukha niya sa kapal ng make-up. O baka naman make up siya talaga na nilagyan ng mukha? Teka, naguguluhan ako!

"Salamat po." mahinang sabi ko saka bahagyang yumuko sa kanya.

"Syempre naman amiga. And this girl beside me passed the board. Bagay na bagay talaga siya kay Maico." may pagmamalaki pa sa boses nito.

 Kung ano-ano pang papuri ang ibinato nila sa akin. Sa totoo lang, nakakataba ng puso. Lalo na at galing sa Mommy ni Maico. Pero pag naiisip kong ka-plastican lang naman ang sinasabi niya, parang gusto ko na lang magmura.

"Kukuha po ako ng maiinom. Baka po may gusto kayo?" putol ko sa kanila. Di ko na sila matatagalan. Kailangan kong makalayo.

"No thanks, hija."

Naglakad na ako papunta sa may side kung saan naroon mesa na kinalalagyan ng Juice. Alam kong nakatingin pa rin sila sa akin dahil nararamdaman ko iyon. Dali-dali akong naglakad para makalayo agad sa kanila.

"In fairness, nagmukha kang tao." napaangat ang tingin ko sa tumabi sa akin. Ang Mommy ni Maico.

Hindi ako umimik sa sinabi niya. Takas ata 'to sa mental eh. Kanina lang kung anu-anong magagandang bagay ang sinasabi niya tungkol saken tapos ngayon naman sasabihan ako ng 'nagmukhang tao' ano ako aso? Nag-transform? Kung hindi lang 'to nanay ng lalaking mahal ko pinatulan ko na ito eh!

Haayy, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko samantalang sa katunayan eh kinakabahan ako sa mga sandaling ito. Hinihintay ko lang yung second wave ng pangaalipusta niya habang humihinga ng malalim.

"Salamat po ha." bigla kong nasabi sa sarkastikong tono nang hindi na siya umimik. Nanlaki ang mga mata ko at mejo tumalikod sa kanya. Hala! Bakit ko sinabi yun?

Paglingon ko eh nakita ko siyang naglalakad na palayo. Jeez! Baka lalo akong ayawan nun. Paano na? Ito kasing bibig ko eh! Bigla bigla na lang nagsasalita ng ganun!

"Beauty!" yumakap pa mula sa likod ko si Maico.

"Ano ka ba Beast! Bumitaw ka nga, ang daming tao oh."

Tumawa siya ng bahagya, "nahiya ka pa eh alam naman nilang lahat na girlfriend kita." kumuha na rin siya ng baso niya. Tumingin siya sakin ng nakangiti. "Tara, gusto ka raw makilala nung mga pinsan ko." aya niya sa akin.

________

Naging maayos naman yung party hanggang sa huli. Hindi na ako ulit pinagsalitaan ng Mommy ni Maico kahit nagkaroon kami ng pagkakataon ng mapag-isa. Pero yung trato siya saken malamig. Parang mas gusto ko pang plastik na lang pakikitungo niya kesa ganun na binibigyan niya ako ng silent treatment.

Nakilala ko na rin yung ibang pamilya ni Maico. Lahat naman sila maganda ang naging pakikitungo sa akin. Wala namang nagpahiwatig ng pagtutol. Well, except sa mismong nanay niya na di ko nga malaman kung bipolar ba o takas sa mental.

Napatingin ako sa labas ng tumigil na yung sasakyan ni Maico. Nandito na pala kami sa condo na tinitirhan ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko nang bumaba din si Maico ng kotse.

"Baket? Gusto mo na ba akong umuwi?" balik tanong niya.

"Hindi naman. Baka lang pagod ka na..."

"Kaya nga. Pagod ako kaya dito na ako matutulog." putol niya sa sinasabi ko.

"OK fine." mahina kong sabi.

Pagkapasok pa lang namin ng unit eh di ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"May sinasabi ba ang Mommy mo tungkol sa akin?" di ako nakatingin sa kanya. Dumiretso lang ako sa kusina kasunod siya. Nagbukas ako ng ref at kinuha yung Cranberry juice.

"Wala naman. I think she likes you. Obvious naman di ba?"

Tumango ako, "you want?" alok ko sa kanya.

"Coffee na lang Beauty."

"Ok." kumuha na ako ng tasa at ipinagtimpla siya ng kape. Maraming kape at creamer tapos walang asukal. Yan ang gusto niyang timpla.

Lumapit siya sa akin at sumandal sa may sink.

"Wala pa ba?" seryoso niyang tanong.

"Huh? Anong wala pa?" nagtatakang tanong ko.

Ngumuso siya. "Hanggang ngayon di mo pa rin nagegets yung tanong ko na 'wala pa ba?' tsk!" aniya.

"Eh ano nga kasi yun? Pwede namang sabihin na lang ng diretso eh." lumapit ako sa mesa at inilapag doon ang kape niya. Nagpunta rin naman siya roon at naupo.

"Sabi ko kung wala pang laman yang tiyan mo." aniya sa mejo inis na tono.

to be continued..

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now