Chapter Forty Four

187K 2.6K 240
                                    

Dahan-dahan ang ginawa kong pagsusuot ng baby blue na dress ko para sa Engagement party namin ni Maico. Aabot lang yun lampas ng kaunti sa tuhod ko. Nilagyan ako nung bakla sa labas ng light lang na make-up pero makikita mo yung malaking pagbabago sa mukha ko. Kinulot niya rin ang hanggang beywang kong buhok at itinali sa bandang kanan at inilabas sa balikat ko. Yung sapatos kong baby blue din ang kulay eh pinaparusahan ako sa taas.

"Kakainggit ka naman friend. Malapit ka nang ikasal. Ako kaya kelan?" si Aya. Siya ang nag-aasist sa akin sa pagsusuot ko nitong damit.

"Maghanap ka muna ng boyfriend saka ka mag-isip ng kasal 'no," tinignan ko yung repleksyon ko sa salamin at inayos pa ng kaunti yung pagkakasuot ng damit. "Ilang taon ka na bang tigang? Sa pagkaka-alam ko eh si Vince pa yung pinakahuli mong naging boyfriend. Kelan pa yun? College? God! That was years ago! Namatay na si Dolphy at lahat wala ka pa ring lovelife."

"Duh! Eh sa walang magkamali sa akin eh bakit ba?"

"Ang sabihin mo, choosy ka kasi! Oh baka naman may hinihintay kang bumalik?" tinaasan ko siya ng isang kilay pang-aasar.

Lumungkot yung mukha niya. "Tigilan mo nga ako," aniya saka lumabas ng dressing room.

Sumunod na rin ako pagkalabas niya pero wala na siya roon. Baka lumabas na ng tuluyan ng kwarto.

"Wow! You look great! Ag galing ko talaga oh my gosh," lumapit sa akin yung bakla saka umikot pa at sinipat yung bawat anggulo ko. "Yan, reyding reydi ka na!" maarte pang sabi niya.

Naupo ako sa kama dahil nangangawit na ako. Ito ang kwartong ginamit ko mula pa kahapon. Narito kami ngayon sa resort nina Maico sa Pansol at dito gaganapin ang engagement party. Para tuloy na rin daw swimming yung mga dadalo.

Piling bisita lang ang inimbitahan. Yung mga pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naririto. Ang balak namin eh sa kasal na lang imbitahin yung iba pang mga  kakilala namin. Actually, hinahanda na ni Mica yung engrandeng kasal namin na yun.

"Best friend!" si Mica.

Nginitian ko lang siya at tinapik ko yung pwesto sa tabi ko. Tumalima naman agad siya at naupo roon. May kinukuha siya sa pouch niya habang nagsasalita siya.

"May ipinabibigay sa'yo si Mommy," aniya habang patuloy ang paghalungkat sa pouch. "Asan na ba yun?" bulong niya pa. "Got ya!" aniya saka iniharap  sa akin ang isang necklace.

Nakagiting kinuha ko yun sa kamay niya. "Para saan 'to?" tanong ko.

"Sa leeg malamang! Try mo sa ilong baka pwede," aniya at ngumuso pa.

"Sira! I mean, bakit naman ako binigyan ni Mommy nito?"

She rolled her eyes. Kinuha niya yung necklace sa kamay ko at siya na ang nagsuot nun sa leeg ko.

"Kailngan pa bang may dahilan para bigyan ka namin ng regalo?" aniya pa.

Bahagya akong tumawa. "Hindi lang kasi ako sanay na may basta na lang magreregalo sa akin."

~~~

Nasa thirty rin ang bisita. Ang bisita ko lang talaga eh anim. Yung mga kaibigan ko at si Lola. Yung ibang guests dito puro inimbitahan na ng Mommy ni Maico. Ang sabi ni Mica kanina eh kamag-anak nila lahat ng narito. Saka nga pala si Elaine. Natatanaw ko siyang mag-isa sa sulok.

Walang nakaka-alam ng tungkol sa ipinagbubuntis niya. Kahit ang Mommy ni Maico at si Mica eh walang ideya. Ang balak namin, sasabihin na lang sa kanila pag nandyan na yung bata.

"Congratulations to the two of you. You really look good together," sabi nung isang matanda. I mean, may edad na babaeng naka make-up na sing kapal ata ng alikabok sa bahay na hindi natirhan ng one hundred years.

"Thanks Tita," si Maico. Bumaling siya sa akin. "This is my Aunt Ria. Mommy's second cousin."

Inilahad ko ang kamay ko. "Nice meeting you Aunt Ria," nakangiti pang sabi ko sa kanya.

Nagsilapitan din sa amin yung iba niya pang kamag-anak at isa-isa niyag pinakilala lahat ng mga yun. Ang totoo niyan eh dalawa lang ata ang natandaan ko sa lahat ng pangalang sinabi niya. Sobrang bilis ng pangyayari eh kahit siguro mga mukha nila hindi ko na rin maaalala.

 Nagsimula na yung "program" na hinanda ni Mica. Kung sinu-sino lang naman yung pinagsalita nila sa unahan ng mga messages nila para sa amin ni Maico.

"And now, let's welcome the groom. Ang nag-iisang pasaway kong Kuya. Maico Buenaventura," ani Mica kasabay ng tawanan at palakpakan sa paligid.

Humalik muna siya sa mga labi ko saka tumayo at naglakad papunta roon sa ginawa nilang stage na malapit sa pool. Dito kami nakapwesto sa mag garden para kitang-kita yung mga nagsasalita.

"Marami nang babae ang nadapa noong makilala ako. Pero ang babaeng ito, literal na nadapa sa harap ko," narinig ko yung tawanan ng lahat. Pati ako natawa na rin. Naaalala ko pa yung araw na yun, noong unang beses ko siyang nakita at nadapa pa ako sa harapan niya.

"Ganoon ako kagwapo guys, nadadapa ang girls sa harapan ko," ngumiti siya sa akin and mouthed 'I love you'. "Ilang taon rin kaming naging magkaibigan. And all those years, alam kong patay na patay talaga sa akin yan," umiling iling pa siya. Gusto ko sana sumigaw ng 'ang yabang' pero napatigil ako nang magpatuloy siya. "I didn't see her the way she wanted me to. Kung kani-kanino kasi ako nakatingin kaya hindi ko nakikitang nasa tabi ko na yung diyamanteng hinahanap ko. Buti na lang talaga dumating yung araw na nauntog ako at nakita kong nasa harapan ko lang pala siya."

Humarap siya sa gawi ko. "I wouldn't say that I can't live without her. I've been in this world for more than two decades not being with her but see, I lived," tumawa siya ng bahagya. "Mabubuhay ako ng wala siya, oo. Pero isa lang ang masisiguro ko. It will surely be empty. Parang shellfish na walang laman, parang zombie na walang pakiramdam, parang cellphone na lobat, parang ballpen na walang tinta. Useless," inilahad niya yung kamay niya na pararang tinatawag ako.

Napansin kong nakatingin sa akin lahat. Nangingiting umiling ako saka tumayo at lumapit kay Maico. Hinawakan niya ang isang kamay ko gamit yung kaliwang kamay niya. Hawak kasi nung kanan niyang kamay yung mic.

"I love you so much. Thank you for coming into my life. You're the greatest gift that God has given to me," iniangat niya yung kamay ko at hinalikan yun.

Naramdaman ko na lang yung pagpatak ng luha ko. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Parang ayaw ko nang matapos pa ang sandaling ito. Parang gusto kong tumigil na lang ang oras.

"I love you too," mahinang sagot ko sa kanya.

~~~

"Congrats sa inyo," nakangiting salubong sa aking ni Elaine. "Dumaan lang talaga ako, aalis na rin ako," aniya pa saka lumapit sa akin at bahagyang yumakap.

"Salamat. Alagaan mo ang sarili mo ha? At yung bata siyempre," hinawakan ko pa yung tiyan niya. "Oh, baka gusto mong ipahatid na kita?" tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Hindi na, tumawag na rin naman ako ng taxi. Parating na rin yun."

"Ok sige, ihahatid na lang kita sa gate."

Sabay na kaming naglakad papunta sa entrance ng resort. Maya-maya'y bigla na lang siyang tumigil at hawak hawak yung tiyan niya.

"Elaine?" nagpapanic na nilapitan ko siya.

"Ma-manganga-nak na ata ako," tila hirap na hirap na sabi niya.

Pagkatingin ko sa may hita niya ay basang basa yun. Mukhang pumutok na yung panubigan niya.

"Tulong!" sigaw ko habang pilit na itinatayo si Elaine. Agad namang may mga lumapit para tulungan kami. Nakita ko si Maico na nagmamadaling hinawi yung mga tao at agad na binuhat si Elaine.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila nang dalhin niya ang babae sa sasakyan. Binuksan niya yung likod nun at doon ibinaba si Elaine.

"Dito ka maupo sa tabi niya," ani Maico sa akin. Tumango lang ako at agad na sumakay.

"Relax ka lang Elaine, dadalhin ka na namin sa ospital. Mamaya lang makakasama na natin ang anak natin," si Maico habang ini-start yung sasakyan.

Pakiramdam ko para akong sinuntok nang marinig ko mula sa kanya yung 'anak natin'. Wala sa sariling tumulo na lang basta yung luha sa mata ko. Pero bago pa nila makita yun ay pinunasan ko agad.

to br continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now