Chapter Twenty Nine

198K 3.2K 564
                                    

Padabog kong binuksan ang pinto ng unit ko. Pagkapasok niya eh mahinahon niya iyong isinara. Alas tres na rin ng madaling araw, malamang naisip niyang baka makabulabog kami ng mga nasa kabilang unit.

"Ano bang problema mo?" halos pabulong kong sabi pero mariin yun.

Lumapit siya sa akin, kunot ang noo. "Sabihin mo nga, nakikipag-date ka na ba sa lalaking yun?"

"Wag mong ibalik sa akin ang tanong---"

"So nakikipag-date ka na nga."

Napapikit ako sa pagpipigil sa sarili ko. Ipinipilit niya ang isang bagay na wala namang katotohanan. "So what kung nakikipag-date nga ako sa kanya?"

"Girlfriend kita!" dinuro niya pa ako habang sinasabi yun.

"Baka nakakalimutan mong wala na tayo? Isang linggo na ang nakakalipas!" alam kong hindi naman ako nakipaghiwalay nun ng tuluyan pero naiinis ako sa inaasal niya.

"Hindi tayo naghiwalay Jacky. Lumayo ka muna, that was the exact words na sinabi mo." hinawakan niya ang braso ko. "Gaya ng sabi mo, lumayo muna ako." pinagdiinan niya pa yung "muna".

Inalis ko yung kamay niya sa braso ko at naupo ako sa sofa. Sumasakit na ang ulo ko kaya hinilot ko ang sintido ko. Ayoko namang makipagtalo talaga kaya pinipilit kong unawain na lang siya.

"Walang araw na hindi kita sinusundan." aniya pagkaupo. "Madalas ko kayong nakikita na magkasama. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko nun? Isang buong linggo tiniis kong makita kang nakikipagtawanan sa kanya. Isang buong linggo Jacky."

Tulad ng hinala ko, hindi talaga siya lumayo ng tuluyan. Nakamasid lang siya lagi sa akin. Nararamdaman ko naman yun pero ipinagsawalang bahala ko  na lang.

Sa buong linggong yun, kasa-kasama ko si Anthony. Hindi naman sa yun talaga ang gusto ko. Kailangan lang talaga dahil sa trabaho namin. May inaayos kasi kaming isang project.

"May inaasikaso lang kami ni Anthony kaya lagi kaming magkasama."

"So kasama sa inaasikaso niyo ang pag-iinom ng magkasama at ang pagyakap-yakap niya sayo?"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Parang inaakusahan niya ako na nakikipaglandian lang ako kay Anthony. Marahas akong tumayo at galit na humarap sa kanya.

"Sinasabi mo bang nakikipaglandian lang ako?" inis na tanong ko.

"I didn't say that."

"But that's what you're trying to imply! Na nakikipaglandian ako kay Anthony !" di ko na napigilang magtaas ng boses.

Tumayo na rin siya at lumapit ng kaunti sa akin. "Ok, I'm sorry. I was just---" natigil siya sa pagsasalita na tila iniisip ang tamang words na gagamitin.

"Ano? Yun naman talaga yung gusto mong palabasin di ba? Na ilang araw lang tayong hindi nagkita eh nakikipaglandian na ako sa iba!"

Natahimik siya. Lumayo siya ng kaunti at nagpalakad-lakad.

"Yung kontrata?" biglang sabi niya.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang kontratang yun. Kung tutuusin naman kasi eh balak ko natalagang makipag-usap sa kanya bukas kahit na hindi ko pa nababasa ang laman nun. At wala na rin naman akong pakialam.

Pero ngayon? Ewan ko. Parang ang baba lang kasi ng tingin niya sa akin. Paano kami magpapatuloy sa relasyong ito kung simpleng pagtitiwala lang hindi niya maibigay sa akin? Ang mas masakit pa eh halos akusahan niya na akong maruming babae.

Kahit naman hindi niya deretsahang sabihin eh nakikita ko sa mga mata niya yung pambibintang na may relasyon na kami ni Anthony.

"Oh, anong meron sa kontrata?" patay malisyang tanong ko.

"Wait, hindi mo pa ba nababasa?"may pag-asa dun sa tono niya.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin pero imbis na sabihin kong hindi ko pa yung nababasa eh iba ang nasabi ko. "Nabasa ko na. Hindi ako interesado."

Nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya. Kung ano man ang nakasulat sa kontratang yun? Sa tingin ko eh inaasahan niyang sasang-ayunan ko.

"H-hindi ka... interesado?" nauutal na ulit niya sa sinabi ko.

Umiling lang ako at umiwas ng tingin.

"I guess I was wrong all this time." lumamlam yung mga mata niya. "Akala ko mahal mo ako. Araw-araw ipinagpapasalamat ko sa Diyos na may nagmamahal sa akin na katulad mo. Pero mali pala. Akala ko lang pala yun." tumulo ang isang luha sa mata niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Umiiyak siya, umiiyak si Maico ng dahil sa akin.

"Bakit mo ipinaramdam sa akin yun kung babawiin mo rin pala?" tuloy tuloy na yung pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Bakit mo pa ipinakitang may nararamdaman ka para sa akin kung wala naman pala talaga? Jacky... masakit." itinuro niya yung dibdib niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Maico..." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "I'm sorry---"

"No, don't be sorry." inalis niya yung mga kamay. "Ako lang naman yung umasa eh. Kung tutuusin ako lang naman ang nagpumilit ng relasyong ito di ba? Ako dapat ang mag-sorry. Akala ko kasi talaga..." mariin siyang pumikit at saka tumungo. "Dapat na rin siguro akong umalis." tumalikod na siya at lumapit sa may pinto.

"Wait!" pigil ko sa kanya. Humarap naman siya at pilit na ngumiti.

"Don't worry about me. I'm fine. And, I'm sorry sa mga nasabi ko kanina. Nagseselos lang kasi ako."

Lumapit ako sa harap niya. Gusto kong sabihin na mahal ko siya at mali siya ng iniisip.

Hinnawakan niya ang kaliwang pisngi ko. "Mahal kita Jacky, mahal na mahal. And I'll do anything para maging masaya ka. Even if it means losing you." aniya pa saka umalis ng tuluyan

Napatulala ako sa sinabi niya. Mahal kita, Jacky. Teka, sinabi niya ba talaga yun? Mahal niya ako? Sinabi niya ring nagseselos siya so...

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala lang sa harap ng pinto. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko yung sinabi niya. Mahal kita, Jacky... mahal kiya, Jacky.

 

Jeez! Napatakbo ako bigla para habulin siya. Pumunta agad ako sa pinagparkan niya ng sasakyan pero wala na yun. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para tawagan siya pero out of coverage area naman. Ipagpapabukas ko na lang siguro. Pupuntahan ko na lang siya sa unit niya bukas.

Sa kwarto agad ako nagpunta pagka-balik ko sa unit. Binuksan ko agad yung drawer at kinuha yung folder na binigay niya.

Napakunot ang noo ko nang buksan ko iyon. Iisa lang naman kasing line ang nandoon. Hindi tulad ng inaasahan ko na may rules pang ekek .

 

I, Jackelyn Gervacio agree to be with Maico Buenaventura for the rest of my life.

 

 

Naramdaman ko yung pagtulo ng luha sa mga mata ko kasabay ng malapad na ngiti. Kaya pala inaasahan niyang papayag ako. Kaya pala excited pa siyang ipabasa sa akin. Ito pala yun, balak niyang magpropose ng mga oras na yun. Mahal niya ako. Mahal ako ni Maico.

to be continued... 

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now