Chapter Forty Three

181K 2.5K 348
                                    

"Salamat talaga, Jacky," ani Lisa habang ihawak pa rin ang kamay ni Gelai.

It's been a month simula noong mawala si Kuya. Hinayaan ko na ring magkita ang mag-ina dahil sa nakikita ko yung improvement kay Gelai pag kasama si Lisa. Actually, wala namang balak si Lisa na kuhanin ang bata sa akin. Gusto niya lang talaga itong makita at makasama kahit na sandali.

May bagong asawa si Lisa. Mayor ng isang probinsya sa bandang Visayas. Ang kwento niya, hindi alam ng asawa niya na mag anak siya. Hindi naman kasi talaga sila kasal ni Kuya. Nagsama lanng sila dati at naging bunga nga si Gelai.

Natatakot siyang sabihin sa asawa ang tungkol sa bata dahil baka hindi nito 'yon matanggap. Kaya ngayong narito siya sa Kamaynilaan eh sinasamantala niya na ang mga pagkakataon na pwede niyang makasama ang anak.

"Wala yun," tumingin ako sa nakangiting si Gelai. "Basta masaya si Gelai."

Nagsimula na ring magsalita si Gelai. Hindi tulad ng dati na sobrang daldal niya pero nagsasalita na. Hindi na siya pala-kwento pero sumasagot naman na siya pag tinatanong.

"Hanggang sa susunod na araw na lang ako rito. Pupuntahan ko ulit siya bukas," si Lisa.

"Sige lang Lisa. Walang problema."

Ipinasok ko  na sa loob ng unit si Gelai pagkaalis ni Lisa. Hawak pa niya yung lobo niyang may naka-print na kulay blue na pusa.

"Sino yang nasa lobo?"

"Si Doraemon po yan Tita," tipid na sagot niya.

"Ahh, saan niyo yan nabili?"

"Sa park po."

Hindi ko na siya masyadong inurirat. Ang mahalaga lang naman eh nakikita ko sa mga mata niya yung saya.

Kinuha ko yung cellphone ko nang tumunog yun.

From: Beast

Anong oras ko kayo susunduin sa OB bukas?

 

Oo nga pala. May appointment kami bukas sa Ob Gyne.

To: Beast

Ang sabi ni Elaine, 9am yung appointment. Siguro mga 10am?  Not sure, tawagan na lang kita tom.

 

 

 

Si Elaine.

{flashback}

 

 

"Beauty..."tila kabadong tawag sa akin ni Maico.

 

Kakagaling lang namin sa park kasama si Gelai. Nakatulog na yung bata kakaiyak habang tinatawag ang Mama niya. Sobrang kinabahan ako nang mawala siya sa paningin ko kanina. Kung nawala siya ng tuluyan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

 

"Hmmn?"

 

"You need to know something," aniya. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko saka yumuko.

 

Naghintay lang ako sa sasabihin niya. Pilit kong inaaninag yung mukha niya pero lalo niya yung iniyuko hanggang sa bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko.

 

"Hey, ano bang nangyayari? Maico, you're scaring me."

 

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now