Chapter Four

313K 4.5K 305
                                    

"Ipagluto mo naman ako oh. Miss ko na luto mo eh." paglaamnbing ni Maico.

"Pagod ako eh."

"Sige na please. Di pa kumakaen ang boyfriend mo oh. Gutom na gutom na siya." aniya nakanguso pa.

Talagang feel na feel niya nang bf ko siya eh noh? Pero sa bagay, sino bang ayaw? Hahaha landi ko lang.

"Di ka pa ba nabusog jan sa pizza?" sabi ko sabay turo dun sa box ng pizza sa center table.

Ngumiti siya ng malapad sabay hagikgik.

"Kahapon pa yan."

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Kahapon pa pero di mo man lang niligpit? So buong maghapon magulo itong unit? Aiisssshhhhh kelan ka ba mautuong maglinis ng gamit na..." napatigil ako sa pagsasalita nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.

Di na ako naka-imik nang humiwalay siya. Nakangiti siya habang pinupunasan ang mga labi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Better way to shut you up." aniya saka tumawa ng malakas. "Ano na? Ipagluto mo na ang gwapo mong boyfriend na maglilinis na ng kalat niya."

"Oo na. May pang menudo ako jan gusto mo yun?" tanong ko sa kanya.

"Kahit ano basta luto mo." aniya saka kumindat saken. Lumakad na ako papuntang kusina at siya naman eh kinuha na ulit yung vaccum cleaner at nagsimulang maglinis.

__________

Hindi naman ako magaling magluto. Natuto lang naman ako kay Lana kasi ilang taon din kaming magkasama. Walang panama yung luto ko sa luto niya. Naisip ko tuloy, baket lagi na lang si Lana? Ang bitter ko lang. Kaibigan ko siya pero kung minsan naiinggit na rin ako sa kanya. Yung nag-iisang pangarap ko kasi siya ang pinapangarap.

Kahit na alam kong si Lana pa rin ang mahal ni Maico di ko magawang magalit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh, di niya naman ginustong siya ang mahalin ni Maico at hindi ako. Saka kahit ganito ang mga iniisip ko mahal ko yung babaeng yun.

Ano pa bang meron kay Lana na wala sa akin? Nagtanong pa ako, eh obvious naman. Maganda, mabaet, maalalahanin, mapagmahal, magaling magluto, etc... etc... Sino bang di magkakagusto dun? Eh ako? Isang Jackelyn Gervacio lang na walang maipagmalaki.

Di ko na namalayan na natapos na akong magluto. Kung anu-ano kasing iniisip ko eh. Naku baka di masarap ang pagkakaluto ko.

Inayos ko na yung hapag at lumabas ng kusina para tawagin si Maico.

"Wow! Ang bango naman nito Beauty!" aniya sabay upo. Di ako makatingin ng diretso sa kanya. Baket? Wala siyang pantaas =_=

Di ako maka-concentrate sa pagkaen. Kasi naman eh! Parang mas masarap siyang kainin! Pero joke lang! Anubayan kung anu-anong pumapasok sa utak ko!

"Mag t-shirt ka nga! Mapulmonya ka pa niyan!" biglang sabi ko sa kanya. Di ko na kasi matiis. Di ako makakain ng maayos.

Napatingin siya sa katawan niya. DI ko napigilang sundan siya ng tingin. Napatingin tuloy ako sa maganda niyang katawan. Anu ba! Magkakasala ako nito eh!

"Wala namang problema sa katawan ko ah?" patay malisyang sabi niya.

Nagroll-eyes na lang ako saka ipnagpatuloy ang pagkaen. Siya naman tawa ng tawa.

"Nakakatawa?" mataray na tanong ko sa kanya.

Lalo pa siyang tumawa dahil dun kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ikaw kasi eh! Alam ko namang uhaw ka sa katawan ko, wag mo nang masyadong ipahalata!" aniya tumatawa pa rin.

Amp!! >_<

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon