Chapter Thirty One

202K 3K 123
                                    

Halos isang linggo rin ang matuling lumipas pero wala pa rin akong naririnig mula kay Maico. Araw-araw akong pumupunta sa unit niya para lang i-check kung naroon na siya pero wala lagi akong dinaratnan. Araw-araw din akong tumatawag sa sekretarya niya para itanong kung tumawag na si Maico pero wala pa rin akong makuha na positibong sagot.

Biyernes na ngayon. Wala akong ganang pumasok dahil hindi rin naman ako maka-concentrate sa trabaho. Pero ano namang gaawin ko kung magtitigil lang ako dito sa bahay? Baka lalo akong ma-frustrate dahil hindi ko makita si Maico.

Nag-ring bigla ang cellphone ko at kinuha ko agad yun.

Calling...

Mica

 

 

"Hello?"

"Best friend!"  patiling sagot ni Mica sa kabilang linya.

"Oh? Napatawag ka?"

"Guess what?" hindi ako nagsalita at hinintay ko lang na ituloy niya yung sinasabi. "Alam ko na kung nasaan si Kuya!"

Automatic na napatayo ako nang marinig ko yung ibinalita niya.

"Nasaan?!" may halong excitement sa tono ko.

"Sa Pansol. May resort kami dun. At doon siya tumutuloy ngayon."

Napangiti ako pagkababa ko ng telepono. Sa wakas, makikita na ulit kita.

Kumuha agad ako ng malaking bag para paglagyan ng gamit. Oras naman na siguro para mag-relax ako sa isang resort di ba? Naglagay ako ng mga gamit na sasapat para sa tatlong araw. Naglagay na rin ako ng iba pang damit na pwede kong basain pag gusto kong maligo sa pool. Puting t-shirt yun at shorts.

Dahil may pasok naman talaga dapat ako eh tumawag na lang ako at nagsabing may sakit. Magpa-file na lang ako ng sick leave.

From: Mica

Kung balak mong puntahan ngayon si Kuya, wag ka munang aalis! Wait mo ako ha!

 

 

Napakunot ang noo ko nang mabasa yung text ni Mica. Sasama siya? Kung sabagay, mabuti na rin na may kasama ako para hindi na rin ako masyadong kabahan. At para hindi rin ako maligaw. Hindi ko alam kung saan talaga yung resort na yun eh.

__________

Sakay ako ng bus papuntang Pansol, Laguna. Ang sabi ni Mica eh ibinilin niya na sa mga tao roon na parating ako. Gusto niya sanang sumama kaso may klase siya. Mejo tumitino na siya at naisipang mag-aral ng culinary. Tama nga naman kesa sayangin niya lang ang pera nila sa kung anu-ano, gamitin niya na lang sa pag-aaral.

Isang oras pa siguro ang biyahe ko pero ngayon pa lang eh kinakabahan na ako. Hindi ko maisip kung anong magiging reaksyon niya pag nakita niya ako roon.

Pinuntahan ako ni Mica kanina para lang pala magbigay ng instructions sa kung anong dapat kong gawin. Para nga siyang teacher at ako yung estudyante niya. Natawa lang ako nung tanungin ko siya kung effective yung tinuturo niya. Ang sagot niya saken eh sana.

 

Ang dami niyang naibilin. Pati yung mood swings ng Kuya niya, kung anong dapat kong gawin pag ganito ganyan. Kung tutuusin alam ko naman na talaga yun eh. Pero hindi ko yun pinapansin hanggang sa ipinamukha iyon sa akin ni Mica. Nasanay na siguro ako  sa mga gawi ni Maico kaya naman naisasawalam-bahala ko na lang yung maliliit na bagay na pwedeng maging dahilan para magkaroon kami ng malaking di pagkakaunawaan.

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now