Chapter Six

277K 4K 320
                                    

Napatingin ako sa wrist watch ko. Limang minuto na rin akong naghihintay dito sa labas ng opisina. Lunes na at ngayon yung meeting ni Maico na isasama niya ako.

Sino naman kaya yung investor na sinasabi niya at gusto akong makilala? Weird lang kasi. Sa pagkaka-alam ko wala naman dapat silang pakealam sa kung sino man ang girlfriend ng ka-business deal nila. Wala namang kinalaman ang lovelife dun eh.

"Oh Jacky! Nandito ka pa pala. Gusto mo bang ihatid na kita?" si Anthony. Nasa Engineering Department siya. Cute siya at mabait. May nagsabi saken na gusto daw ako ng lalaking 'to pero di ko naman sineryoso. Wala naman siyang sinasabi eh.

"Naku hindi na. May sundo kasi ako eh. Malapit na rin yun." sagot ko.

"Ganun ba? Sige samahan na lang muna kitang maghintay dito."

Sasagot pa sana ako nang matanawan ko yung kotse ni Maico. Tumigil yun sa harap namen . Bumaba si Maico para pagbuksan ako ng pinto.

"Ahmm... Anthony, mauna na ako ha. Nanjan na yung sundo ko eh. Salamat."

Di ko na hinintay na magsalita siya at sumakay na ako sa kotse ni Maico. Kumaway pa siya nang umandar yun.

"Sino yun?" ani Maico.

"Ah yun ba? Si Anthony, taga ibang department."

"Iwasan mo yun." simpleng sabi niya pero nasa tono niya yung awtoridad.

Napalingon ako sa kanya. Nakakunot yung noo niya at mukhang naiinis siya. Problema nito?

"Baket naman? Mabait naman yung tao eh. Saka di ka naman niya inaano ah."

"Basta iwasan mo na siya."

"Bigyan mo muna ako ng dahilan kung baket." sabi ko.

"Psss." si Maico saka di na nagsalita.

________

"Good evening po." bati ko kay Mrs. Lacsamana. Siya yung investor na sinasabi ni Maico na gusto akong makilala.

"Good evening hija. Naku kay ganda mo palang bata. At mukhang matalino pa. Di ako nagdududang ikaw ang nagustuhan nitong si Maico. Maupo kayo." aniya.

Natural na ba talaga sa mga businessman/woman ang pagiging sinungaling? Parang nanga-asar lang eh. Pagkaka "kay ganda" wagas! Samantalang lahat ng kakilala ko sabi saken panget. Except siyempre sa friends ko. Di nila yun sinasabi eh.

"Hehe kayo naman. Di hamak na mas maganda naman po kayo saken." sabi ko pagkaupo namin ni Maico.

Sige ako na ang isa pang sinungaling! Bwahahahahaha

May katabaan si Mrs. Lacsamana. Di naman kaputian. Tapos makapal yung make-up niya. Mas mataas pa ako sa kanya ng mga tatlong pulgada.

"Bagay na bagay kayong dalawa. Paano ba kayo nagkakilala?"

Tumingin muna ako kay Maico. Ngumiti siya saken at tumango senyales na ako na ang magkwento.

"Ganito po kasi yun..." ikinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala noon ni Maico sa mall  at yung mga nangyari ng nakaraang mga buwan minus the Lana incident.

"Teka di mo nabanggit sa kwento mo kung kailan naging kayo. Gaano na ba kayo katagal?" tanong pa niya sa akin.

Magsasalita na sana ako ng sumingit si Maico.

"Limang buwan na rin kami nitong si Beauty."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Bakit niya sinabing limang buwan? Nung isang linggo lang naging kami ah?

"Beauty?" tanong pa ni Mrs. Lacsamana.

"Yes Mrs. Lacsamana. Beauty ang tawag ko sa kanya. Tapos Beast ang tawag niya saken." sagot ni Maico saka humalik sa sintido ko.

The Nerdy Rebound GirlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα