Chapter Eight

244K 3.5K 207
                                    

Kanina pa nagri-ring yung CP ni Maico. Di ko mapagdesisyunan kung sasagutin ko ba o hindi. Nasa CR kasi siya eh. Makikitulog daw ulit. Akala mo naman walang matirhan.

*But you didn't have to cut me off... Make out like it never happened and that we were nothing...*

 

 

 

Ayan na naman. Pang limang tawag na yan. Baka importante masagot na nga!

Kinuha ko yung CP niya sa bedside table.

Calling...

Ella

 

 

 

Sino naman kayag Ella to? Wala naman siyang nababanggit na ganitong pangalan saken pag nagkukwento siya.

"Hello?"

"Hello? Sino to? Nasan si Maico?" sagot nung nasa kabilang linya.

 

 

"Ahh nasa shower kasi si Maico sinagot ko na baka impor..."

"Babae ka ba niya ha??" parang maiiyak na sabi niya di pa man ako tapos magsalita.

 

 

Napatingun bigla ako sa telepono ni Maico. Ako? Babae ni Maico? Parang ganun na rin di ba pag GF?

Sasagot na sana ulit ako nang lumabas ng CR si Maico.

"Sino yan?" tanong niya.

"Ella yung nakalagay na caller ID."

Napatingin siya bigla mula sa pagpupunas ng buhok. Kinuha niya yung CP at biglang napangiti nang mabasa yung caller ID. Lumakad siya palabas ng kwarto. Narinig ko pa nung sinagot niya yung tawag.

"How's my Little Bird?"

Little bird?? May ibon ba siyang alaga? Di ba dala niya naman? Hahaha yung isip ko anubayan!

Dalawampung minuto na ang lumipas simula nang makipagusap siya sa Ella na yun. Bakit ang tagal naman yata? Tumayo na ako para puntahan siya. Mukha namang hindi mahalaga ang pinaguusapan nila eh.

"Ok take care of your self. Love you!" sabi ni Maico saka pinindot yung end button.

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Let's sleep?" lumapit siya at umakbay sa akin. Humalik siya sa buhok ko at inakay na ako papasok uli sa kwarto.

Mukhang masaya siya ngayon ah. Mas masaya kesa kanina. Nakausap niya lang yung Ella na yun naging ganyan na ang mood niya.

Humiga na siya sa kama at nahiga na rin ako. Yumakap siya sa akin at maya maya pa eh tulog na siya. Ganyan siya lagi pag dito natutulog. Parang napakagaang ng pakiramdam. Kahit naman ako eh. Mas nagiging maayos ang tulog ko pag kasama ko siya. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nahimbing.

____________

"Jacky!" si Lana ng sagutin ko ang CP ko.

"Oh, napatawag ka?"

"Friend favor naman. Busy ka ba sa Saturday? Samahan mo naman ako oh."

 

 

"Hindi naman. Sige saan ba?"

"Yey! Sa OB ko. Ayoko pumunta mag-isa eh. Alam mo naman si Jace di pa pwedeng magpagod. Tapos si Mama naman kasama ni Papa sa Singapore."

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon