Chapter Twenty

216K 3.2K 112
                                    

"I had you checked." diretso lang na nakatingin sa akin ang Mommy ni Maico. "I mean, naipa background check kita. You don't mind do you?"

Ngumiti ako ng bahagya saka umiling. Tumungo lang ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"I still don't like you." aniya pa.  "You know, I have this ideal girl for Maico. And obviously, it's not you. You didn't even reach half of my standards. But anyway, if Maico is happy with you, then fine. I can live with that."

Tumingin ako sa kanya para makita yung reaction sa mukha niya. Mukha namang sincere siya. Nanahimik pa rin ako. Wala naman akong masabi eh.

Ngumiti siya, "alam kong mabuti naman ang intensyon mo sa anak ko. Though your family isn't doing well, alam kong mahal mo talaga siya. You're not like the other girls na yung pera lang ang mahalaga. Nakikita ko yun sa mga mata mo. And dear, that's one of the things I like about you. Your eyes show sincerity." tumigil siya saglit. "I know what you're thinking about me, that I'm some kind of a wicked witch that will make your life miserable. But no, I won't do that."

Tumawa ako ng bahagya. "Wicked witch?" naaliw na sabi ko. Parang fairy tale lang ito, ako si cinderella, si Maico si Prince Charming at ang Mommy niya ang 'wicked witch'.

Natawa na rin siya. "Yeah, were in a fairy tale you know." lalong lumabas yung ganda niya. Kahit matanda na siya hindi pa rin maikakaila yung kagandahan niya. Di na nakapagtatakang namana yun ni Maico at Mica.

"Anyway," sumeryoso ulit siya. "alam naman nating hindi na ako bumabata at gusto ko na rin namang makita pa ang magiging mga apo ko. Lalo na kay Maico. Alam kong hindi ka pa niya niyayang magpakasal, right?"

Tumango ako. Isa yun sa mga bagay na hinihintay ko kay Maico. Hindi yung pinagpipilitan niya lang na magkaanak na kami.

"May iku-kwento ako sayo." humigop muna siya ng kaunting juice. "Noong bata pa si Maico, he told me that he will never get married." ngumiti siya ng mapait. "My marriage with his Father has been a total mess. Lagi kaming nag-aaway na pati yung mga anak namin eh napapabayaan na. Nambababae ang walanghiyang ama niya at harap-harapan pang ipinapakita sa amin. One day, Maico swore that he'll never be like his Father. I thought he means that he'll never cheat on his future wife but then he said, 'I'll never get married'. Bata pa naman siya nun. He's around ten when he said that."

Ilang sandali rin siyang natahimik. Hindi rin ako umiimik. Hinihintay ko lang na ipagpatuloy niya yung kwento.

"Habang lumalaki siya, napapansin kong nagiging palikero siya. Kahit na wala siyang ipakilalang nobya niya eh alam ko ang lahat. I know every girl that he had relationship with, the girls that he bedded. I know it all. Even you, I've known you even before I met you personally. Well, ikaw naman kasi ang pinakamatagal na naging karelasyon niya. So I had all the interest in you."

Nakaramdam ako ng pagmamalaki. Bukod sa ako ang una niyang naipakilala sa pamilya niya eh ako rin ang pinakamatagal na karelasyon niya.

"Like I've said I don't really like you. But please, convince him to marry you. Ayoko naman na magka-apo ng bastardo. I know you're doing it, I've seen you two. Ipakita mo sa kanyang magiging mabuti kang asawa sa kanya. At iparamdam mong nagtitiwala ka."

________

Pauwi na kami mula sa paghahatid sa Mommy ni Maico sa airport. Di pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ng Mommy ni Maico. Natatakot siyang maging tulad ng Papa niya kaya di niya ako mayayang magpakasal. Ang sabi pa ng Mommy niya eh tumawag si Maico nitong nakaraan lang at tinatanong niya kung pinagsisisihan ba ng una ang ginawang pagpapakasal. Isa rin yun sa mga dahilan kaya napasugod dito ang Mommy ni Maico.

"Anong pinag-usapan niyo ni Mommy?" biglang tanong ni Maico.

Napalingon ako sa kanya, "girl talk." pagbibiro ko sa kanya. "Gusto niya lang magkakilala kami ng lubos." sabi ko.

"Ok. Alam mo, isa pa yung excited na magka-apo eh."

"I know right."

"Mukhang kinulit ka rin niya tungkol jan ah?" natatawang sabi niya.

"Hmmmn. Medyo lang, di na raw kasi siya bumabata." ngumiti ako. "Beast, pwede ba tayong pumunta ngayon kina Lana?" tanong ko.

Tumingin siya sa wrist watch, "mag alas nueve na Beauty. Bukas na lang tayo pumunta, gusto ko na rin naman makita si Janna eh. Ang cute ng batang yun noh?"

"Yeah, mana sa ama. Sa gwapo ba namang yung ni Jace eh. Tapos mabait pa, siguradong magiging mabuting bata yung si Janna."

"If you're trying to make me jealous, well you're succeeding."

Alam kong nagbibiro lang siya. Ang lapad pa rin kasi ng ngiti niya eh.

"Pero siyempre, mas gwapo ka at mas mabait. Kaya siguradong ganun din ang magiging anak mo." pangu-uto ko.

"Anak natin." nakangiti pang sabi niya.

Kinilig ako pero di ko pinahalata, "whatever."

_________

"Pinagsisihan mo bang nagpakasal ka kay Jace?" tanong ko kay Lana. Narito ulit kami ngayon sa bahay nila.

Karga ni Lana ang anak at nandito kami sa garden. Samantalang si Jace naman eh nasa may terrace at kakwentuhan si Maico.

"Yeah, dati nung akala ko eh sila ni Jean. Hello Jacky, alam mo naman na yun di ba?"

"Oo, pero kasi alam ko namang sa loob loob mo eh nasasaktan ka lang kaya mo sinabi yung mga bagay na yun."

"Bakit? May problema ba kayo ni Maico?" nagtatakang tanong ni Lana.

"Wala?" patanong din na sagot ko. "Di ko alam eh, alam mo yung gustong-gusto niya nang magka-anak kami pero di niya naman ako niyayayang magpakasal? Then, nalaman ko kagabi na sinabi niya na never siyang magpapakasal. Pero dati, sinabi niya sa akin na pakakasalan niya ako." napahawak ako sa buhok ko. "Ayyyy, naguguluhan na ako!"

"Bakit di mo siya tanungin? Para mas maliwanagan ka? Baka naman kasi naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para ayain ka."

"Ilang beses ko na ring tinangkang tanungin siya, kaso tuwing gagawin ko eh nauumid ang dila ko."

"Alam mo girl, sa nakikita ko kay Maico? He loves you; he loves you too much that he'll be willing to do everything for you. Alam mo yung mga tingin niya sa iyo? Parang tinitignan niya yung future niya." tumawa pa siya. "Hindi siya ganyang tumingin saken dati nung sinasabi niyang mahal niya ako. Pansinin mo yun, girl."

Tumingin ako sa gawi ni Maico. Nakatingin rin siya sa akin. Ngumiti siya ng magtama yung mga mata namin.

Siguro nga naghihintay lang siya ng tamang panahon. Kung gayon man, maghihintay ako.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now