Chapter 35 - All Hail For The Princess

309K 8.1K 4.4K
                                    

"Is that the best you can do? Then sana hindi na kayo naging reapers. How can you protect me with those junkful arms?" matapang singhal ko habang naglalakad at tinitignan ang pito kong tauhan na halos mamatay-matay na nang dahil sa training na ako mismo ang nag-ayos at nagplano. 

Just like what I told you, the exact size of the main headquarters is unimaginable. Kaya nga naisipan ko na magkaroon ng karera dito. Kaso hindi lang basta basta karera ito. May tig-iisa silang kabayo at kailangan matapos nila ang thirty laps habang iniiwasan ang mga atake ng mga machines at ng iba pang reapers para mapagtagumpayan ito. May nakainstall na mga makina dito na nagpapaputok ng baril mismo sa kung sino man ang dumaan sa sakop na area nito. Meron ding mga snipers na nagtatago sa paligid para magpatama ng mga nakakamatay na mga bala ng baril sa kahit anong oras upang malaman ko kung gaano kabilis ang mga reflexes nila. 

Siyempre, hindi pa nagtatapos doon ang pagpapahirap ko sa kanila. May mga nakaset na booby traps sa course na ito. Planado rin ang oras ng pagsabog ng bawat isa. Hindi rin mawawala ang shurikens na nanggaling pa sa hasa at gawa ng mga kapanalig namin mula sa Japan. Papakawalan ito ng mga valkyries na pinatawag ko. Inutusan ko rin si Sphinx na magpaulan ng mga balisong mula sa kalapit na building para mas maging exciting ang training nila this time. 

And the best part of this? Sa kanilang pito, wala sinuman ang may hawak ng sandata. Bahala sila kung anong klaseng milagro ang kailangan nilang isagawa para mabuhay at matapos ang bilang ng laps na itinala ko. So far, hindi pa nila ako naiimpress. Pero kahit maimpress nila ako, hindi ko ipapatigil ang training na ito. Baka nga dagdagan ko pa ang laps na kailangan nilang takbuhin eh. 

"Nawrey, are you really the head of my personal guards? Bakit parang lalanta lanta ka na? Ganyan niyo ba ako poprotektahan? Baka ako pa ang magligtas sa inyo. Brock, we'll add 5 more laps." diin kong sabi sa katabi kong si Brock. He is noting the time and every details. 

Ilang araw na matapos ako gambalain ng batang iyon. Fortunately, that dream never happened again but I keep on hearing voices every night. It was my first time to experience something like this and so I assigned maid na matagal na dito para magbantay sa labas ng kwarto ko. 

"TARANTADO KA SPHINX! BA'T MO KO PINATAMAAN? HUMANDA KA SA AKIN MAMAYA!" matalas na banta ni Jake. Parang dati lang, master ang tawag nila kay Sphinx, ngayon kung makapagbanta akala mo kung sino. 

"Shut your mouth, Montreal or else I'll add twenty." narinig ko naman na sabay sabay siyang pinagmumumura ng mga kasama niya nang marinig ang panakot ko sa kanila. Marami na silang mga galos, pasa at sugat pero kailangan 'yan para mas gumaling pa sila. 

Actually this is part of their punishment too. Maybe the Alex from Mhorfell can forgive them but not the Alexandria Cromello, who happened to be their master and leader. We are inside this property of Dela Vega and Cromello, we need to follow the rules. And the lack of responsibility, awareness, and teamwork were absolutely forbidden especially if they are the personal guards of the boss. 

"Akin na 'yung latigo." utos ko at dali dali naman itong inabot sa akin ni Brock sa palad ko. Hinatak hatak ko pa ito at saka hinampas sa lupa. 

Lingid sa kaalaman nitong pito na ito, maluwag ang pagkakakabit ng pangontrol nila sa mga kabayo nila. It means, kapag natamaan ito ng katulad ng latigong hawak ko, siguradong matatanggal ito ng tuluyan at wala silang magagawa kundi ang yumakap sa kabayo upang hindi mahulog. Let's see how far they can go. Tutal 14 laps pa naman, let's make it more thrilling. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon