Chapter 3: Welcoming

688K 15.9K 3.2K
                                    



"Try to check her heartbeat."



"Still normal Doc. U-uhm... Doc, do we really have to do this?"



"We don't have a choice. Mamamatay siya kapag hindi tayo sumugal. Hindi siya pwedeng mamatay nang ganito ganito lang."



Huh? Nasaan ako? I keep on hearing various voices. Voices that seemed very familiar. Minulat ko ang mata ko kahit parang may tumutusok sa mga ito at may tila naaaninag akong liwanag. Nasa langit na ba ko? O kung anu-ano lang 'tong iniisip ko at talagang nasa hospital lang ako? Pero bakit? Anong ginagawa ko rito?



Argh! Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko na para bang ilang daang karayom ang tinusok dito nang subukan kong gumalaw. Igalaw ang katawan ko na hindi ko man lang makita. Gusto kong sumigaw at magpumiglas sa sakit! Subalit, kahit anong gawin ko ay walang nangyayari at wala ni isa ang nakakapansin sa akin ---





"Hoy! Alex! Uy, gumising ka na! Male-late na tayo oh!"



Hmm? Si Janessa?



Wait a moment.



Hay, napanaginipan ko na naman ang sinaryong yun. Lagi na lang. Kailan ba ito matatapos? Di bale na nga lang. Tumayo na ako sa higaan kahit gusto ko pang humilata. Kaysa naman mahuli pa ako sa klase ko.



Kukunin ko pa lang ang towel ko mula sa cabinet nang masapo ng noo ko ang kamay ko. Shit. Parang binuhusan ako ng isang balde ng malamig na tubig nang maalala ko ang mga pinaggagagawa ko kahapon. Mula sa Blair na iyon hanggang sa hamunan namin ni Spade. Geez, Alex Cromello!



Para bang nakainom ako ng maraming bote ng alak kahapon at ngayon ko lang natandaan ang mga kalokohan na ginawa ko. Tch. Bahala na nga. Papanindigan ko na ito. Isa pa, nagtawag na ako ng mga kasama eh.



I went to the bathroom and showered fast. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa lugar ko para magbihis. I got a white blouse and a dark blue skirt with enough length to wear for today.



Instead of stressing myself about what will happen today because of what I did yesterday, I thought about my friends coming here to join me.



Sabik na akong makita sila. We've been seperated for almost 6 months because I've been to Canada for an important business seminar. Dereen was forced to take a vacation upon her dad's wishes while the other two were also forced to went to China to study for a little bit and yeah, to learn some discipline.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon