Chapter 59 - Her Most Epic Birthday

317K 8.4K 1.7K
                                    


[ X A N D E R ' S  P O V ] 





"Argh! Fuck!" mahinang usal ko nang maramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko sa kanang braso. Otomatikong napunta roon ang kaliwang kamay ko para damayan ito. Nang tignan ko ang pinantakip kong kamay, punong puno ito ng dugo. Nararamdaman ko na rin ang pagkahilo at panghihina dulot ng pagkawala ng maraming dugo mula sa akin. 



Napasandal muna ako sa may pader dito upang ipahinga ang sugatan kong braso. Hindi lang sa parteng ito ako natamaan. May ilang hiwa rin ako sa likod at tagiliran. Pero ano nga bang paki ko? Mas malala ang sinasapit ng kapatid ko ngayon sa bawat oras na wala siya sa amin. Hindi dapat nangyari ito. 



"Master, duguan kayo! Halina po, sasamahan ko kayong makalabas mula rito." Janice approached me with a worried look. Tagaktak na ang pawis niya. Magulo na rin ang pagkakatali ng mahabang buhok niya. Pero una kong napansin ang dumi sa pisngi niya. 



Pinunas ko muna sa suot kong pantaas ang dugong meron sa kamay ko bago ko ito inangat para tanggalin ang dumi sa magandang mukha ng isa sa mga pinakamagaling kong agent. "Hindi ako aalis dito hanggang h-hindi ko k-kasama si Alex. Mu-mumultuhin a-ako ng mga magulang ko kapag pinabayaan ko s-siya." pilit kong hinahagilap ang lahat ng lakas na natitira sa buong katawan ko para tumayo ulit ng tuwid. 



"But ---" inilapat ko ang daliri ko sa mga malambot niya labi upang patahimikin siya. "Kaya ko pa. Malapit na tayo, ngayon pa ba ako susuko?" sa sinabi kong iyon ay napabuntong hininga siya. Hindi ko maiwasan na mapangiti kahit na ba puro mga kalansing ng mga espada at ilan pang sandata ang pumapaligid sa amin. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Lagi naman akong talo sa'yo." she said at inalalayan niya akong makatayo ulit. Nagpatuloy ulit kami sa paglaban. 



Inilabas ko na ang mga pistol ko at pinagbababaril ang mga kalaban. Hindi ko na makakaya pa na gumamit ng katana sa lagay ko. Mabilis na lang akong umiilag sa tuwing may papatama sa aking kahoy o samurai at saka ko papaputukan ang mga tiyan nila ng tatlong beses. 



Nang papalapit na sa akin na may mga blades, mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na may hawak ng patalim at pinilipit ito. Tinadyakan ko ang tiyan niya habang hawak pa rin ng kaliwa kong kamay ang kanang kamay niya. Hinila ko ang kamay niya upang pumaikot siya at para itarak ang sarili niyang patalim sa likuran niya. Matapos nun ay sinipa ko ang likod niya upang mapahiga na siya sa lupa. 



Mabibigat na hinga lang ang tangi kong magawa sa mga oras na iyon. Mapatay ko man siya o hindi, wala akong pakielam. Marami na akong napatay ngunit tinitiyak ko na may saysay ang pagdudungis ko sa mga kamay ko. Iyan ang turo sa akin ni uncle noong bata pa lang ako. Na huwag akong papaslang ng walang dahilan. Dahil ang bawat buhay ay binigay din ng may dahilan. 



"Master, bukas na ang gate papasok sa center!" narinig kong balita sa akin ni Dash na isa sa mga reapers ng kapatid ko. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon