Chapter 40 - She is The Key

264K 7.5K 1.5K
                                    

Note : Please visit www.facebook.com/groups/ARCamp/ A group for all the readers of Mhorfell! Add niyo ko~ o kaya click the external link, guys! Okay back to serious mode na ulit. Here's the Chapter 40~







[ M A R C ' S P O V ]






Napakalaking gago talaga nito ni Juno! Hindi pa tapos 'yung tender loving care session namin ng nuong magandang nurse eh. Bigla bigla na lang kasing tatawag at sasabihin sa akin na napasok sila ng spy?!


Isa pang katarantaduhan ay ang kasama pa niya si Alex. Paano kung nasaktan si Alex? Edi nalintikan na. And yeah, alam ko na ang tungkol kay Juno. That time when the princess is confined, I met him secretly since everyone is busy watching over on the patient.


At first, I don't really believe on every single thing he was saying but after further explanations and deeper thoughts, I found a way to my heart to trust my friends once again. Although he almost killed us, everyone deserves a second chance. Kahit ba na mas matanda pa sa sirang plaka ang quote na ito, babanggitin ko na rin. Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ano pa kaya ako na isang hamak na taong nilalang niya? Kahit naman ganito ako, este kami, may takot pa rin sa maykapal 'no.


"Identity checking lang po sir." a tall man approached me. Nang mas pagmasdan ko pa ang itsura niya, mabilis mong maaaydentipika na reaper ito.


This is something that I really dislike. Checking my identification cards, getting a sample of my DNA, etc. Eh kasi naman pupunta ba ako dito sa mismong harap ng gate nila kung may balak akong masama? Alam ko naman na isang maling galaw ko lang, magagaya ako sa pusang labas ang utak sa tabi tabi.


I heaved a loud sigh. I have a lot of things to discuss with them such as to clarify the misunderstandings between us and the issues going around inside the academy.


"Okay na po sir. We apologize for the inconvenience. This is only for the security and safety of our master. Open the gates!" he signaled the man guarding the computer system.


Pinaharurot ko na kaagad ang sasakyan ko sa loob at madaliang nagpark. Since nakapunta na ako dati dito, dineretso ko na ang papunta sa study room ni Juno.


Tanging mga yabag ko lang na tumatapak sa pulang carpet ang maririnig sa koridor na papunta sa kwartong kailangan kong patunguhan. Hindi na ako kumatok pa at pinihit ko na ang doorknob.


At kung titignan mo nga naman, nandito rin pala ang hayop na ito. Mula sa humahangos na kondisyon ay ngumisi ako at pinaulanan ng masasamang tingin si Axel. Isn't he that creepy and mysterious man who keeps on pestering Alex? What hell of a business is he coming here for?


"Hey bro. 'Wag mo namang samaan ng tingin si Axel. Mamaya makaramdam ka na lang ng pamamanhid at di mo namalayang nakahiga ka na pala sa sahig." pagbibiro niya at tumayo pa siya para suntukin ang braso ko. At bakit naman niya pinagtatanggol ang lalaking ito?

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon