Chapter 45 - Who's Next?

288K 7.6K 1.8K
                                    


"Anong tinutunga-tunganga niyo ha? Shit!" malakas na bulyaw ni Axel sa mga tauhan niya na hindi magkandaugaga sa paghahanap ng masisilungan dahil sa mga nagsisitaliman na mga panang bumabagsak mula sa asul na kalangitan.


Napailing-iling na lamang ako. Ang ilan ay tumba na at malubhang nasugatan. Sinulyapan ko ang kung saan nanggagaling ang mga palaso. Kumindat naman sa akin ang mga engot at nagthumbs-up pa sa akin habang nakadungaw mula sa helicopter na papalapit na sa amin. Kaya naman lumakas kaagad ang hangin sa paligid.


Nawala sa isip ko na may mga kalaban pa nga pala subalit pagkatingin ko ay wala na siya. Hmph, ayos lang. May tamang oras para pagbayarin ang lalaking 'yun. Kailangan ko makausap si kuya about sa spy na iyon.


It's kind of unusual for my brother to choose the wrong one. Futhermore, magaling kumilatis ng tao si Xander pero bakit pinadala niya pa ang Gomez na iyon? Tss. Troublesome.


"Let's finish them off. Sky, follow that bastard!" may diing sabi ng pinuno nila habang mahigpit na nakahawak sa Uzi Sub-machine Gun niya.


Pumaatras kami ng ilang hakbang nang mapansing nadadagdagan at nadadagdagan pa sila muna sa orihinal na bilang nila kanina. We are obviously outnumbered here. I noticed one thing nang ipalibot ko ang tingin ko sa mga papalapit na mga kalaban.


Karamihan sa kanila, mga kaklase o di kaya'y mga schoolmates namin. Ibig sabihin, it's either nakapuslit sila dito sa Mhorfell ng palihim or that girl, Alyssa manipulated them. Seems like the rumor is true. She really is a manipulator.


"Fuck ang dami nila." mahinang hangos ni Collen mula tabi ko. Heh, someone like Collen is somewhat scared just because we're outnumbered?


"Oh, I didn't know that you're scared when there's a lot of people?" pang-aasar ko sa kanya na umabot din naman sa pandinig ng iba. Dali kong naramdaman ang masamang tingin mula kay Collen pero hinayaan ko lang. Napaka-isip bata talaga.


Hindi rin naman kami pinansin ng iba naming kasamahan at mas focus na lang sila sa tiyempo ko ay nasa siyamnapung tauhan. Kitang kita namin sila lahat dahil na rin sa lawak ng forest area.


Handang handa na kami makipagbakbakan nang biglang maglanding at magsisulputan ang pito kong personal guards. 'Yung tatlong iniwan ko sa dorm, iika ika pa. Oh well, sila may gusto niyan eh. Kung hindi na lang sana nila ako pinigilan at kung nagsalita na lang sila ng mas maaga edi sana hindi namamaga ang mga talampakan nila.


"Oh dude! Naglalaro ba kayo ng paunahan gamit ang isang binti lang? Dapat sinabihan niyo rin kami para nakasali kami!" pambungad na pang-iinis ni Samuels habang nagkakarga ng mga bala sa dala niyang assault guns.


"Gago! Ikaw kaya makatapak sa sandamakmak na thumbtacks tignan lang natin kung hindi ka mapaika!" resbak naman ni Smith kasama ang mga nanlilisik na mga mata ng dalawa pa niyang kasama na nadali rin ng patibong ko.


Napairap na lang ako. They are acting childishly! It's as if they are not the chosen reapers of a mafia leader. Damn, I want to smack their faces so much now. Makikipaglaban na nga lang, mag-aasaran pa. It looks like they want to experience hell again, huh? But before I think of a good training course again, kailangan muna naming mapatumba ang mga nasa harapan namin.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon