Chapter 52 - Love Story

284K 8.7K 1.9K
                                    


[ S K Y ' S P O V ]









Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko. We can't reach Alex's tracking device anymore. Sigurado na akong may nangyaring masama. Nagkakagulo na kami ngayon dahil kahit ang mga back ups na pinapwesto namin, nawalan rin kami ng balita. Hindi tuloy ako mapalagay ...




"Skyzzer! Tigilan mo nga 'yan!" sita sa akin ni Fiacre. Doon ko lang napansin na dumudugo na ang mga palad ko. Sa sobrang pagkakakuyom ko kasi bumaon na ang mga kuko ko.



If something bad happens to my cousin, I swear I'll hunt those guys even at the deepest part of hell. Sa simula pa lang na binalak nila 'to, may kutob na ako na may mali. Bakit sina Juno at Marc ang inuna? It's not about the rankings or what. Then it hit me when it's already too late. Napagtanto ko na pareha silang nabigyan ng trabaho ni Alex about sa pagkamatay ng bawat babaeng may dala ng epilyidong Vantress. Laging may humaharang sa pagkakatuklas ng tungkol sa kaso na iyon.



Kahit ako rin naman, nagtataka. Sa yaman at impluwensya ng pamilya nina Spade, they can get any information they want. Ang malaking question mark nga lang ay hindi na ito pinilit o isinulong na imbestigahan ng ama ni Spade. For almost 11 years, the deaths of the powerful women from one of the dangerous mafias have been left unsolved.



Hinatak ni Fiacre ang mga palad ko at inilapit niya sa kanya ang medicine kit sa nilapag niya sa mesa. Binuksan niya at inilabas ang mga kakailanganin niya bago niya tuluyan akong ginamot. Kung wala lang akong pinproblema ngayon, baka hayayay na hayayay na ako. Kasi sa mahabang paghahabol ko, pinakitaan na ako ng kaunting pag-aalaga ng babaeng sa malayuan ko lang natitignan. Pero hindi eh. My mind is too occupied to even feel something sweet.



"Oh God! So, what happened? Nasundan niyo ba?" mabilis na natuon ang atensyon ko kay Rennei na naghyhysterical na habang may kausap sa telepono.



Wala sa sariling tumayo ako biglaan at binawi ang mga kamay ko. Lumapit kaagad ako sa kinaroroonan ni Rennei para makibalita.



"Anong nangyari? Ligtas ba si Alex? Ha?" kinakabahan kong tanong. Muntik na siyang mawala sa amin noon and I will never let that happen once again.



"What?! Shit." kahit iyon lang ang nautal ni Rennei, hinablot ko na ang telepono para masagot na ang mga rumaragasang mga katanungan sa isipan ko.



"Alex ... what happened to her?" nanghihinang usal ko.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon