Chapter 42 - Seal

267K 7K 622
                                    


[ A L E X ' S P O V ]





"Young lady, there's no use if you'll just stand there the whole day." pangungumbinsi sa akin ni Sphinx. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang gabi. Kaya nga heto ako at nag-iisip ng malalim habang nakamasid sa mga nagtataasang gusali mula dito sa opisina ko.


Para ngang dumaan lang na parang hangin ang tinatawag nila araw ng mga puso kung kaya't imbes na itapon ay ipinamahagi ko na lang ang mga tsokolate sa mga bahay ampunan.


"Ayos lang ako. You may take your leave." I ordered him. There's also no use for him to convince me to rest even for a bit.


Strange events keep occuring. How could I even stay composed? Iniisip ko tuloy, kung talagang wala pang ginagawang kilos ang ama ni Juno sa ngayon at hindi rin ang ama niya ang dating nagpapadala sa akin ng mga sulat, aba'y sino ang taong 'yun?


Ilang beses na akong nakatanggap ng mga sulat o kahon galing sa misteryosong tao na iyon. Walang duda na siya rin ang taong nagpadukot sa amin nina Lorraine noon. Sa una ang akala ko, Juno's father is the one who's guilty for all of these crimes but it turns out that maybe there's still somebody out there to set a plot for me and for my friends.


The question is who?


Patuloy lang akong nakaharap sa malaking salamin na nagrereplekta ng buong imahe ng siyudad nang pumasok si Dash sa kwarto.


"The car is ready. We have classes in about ..." napatigil muna siya upang sandaling i-check ang relo na nakakabit sa kanyang right wrist. "30 minutes. We should get going." napabuntong hininga muna ako bago tumango sa kanya bilang sagot.


He went next to my table and got my school bag. "Dash, may balita na ba sa mga pinaiimbestigahan ko sa inyo?" tinuon ko sa kanya ang tingin ko. He is wearing his cool shirt and jeans at makikita mo na naman ang usual look niya as a reaper.


"According to Mr. Llanes' secretary, Mr. Vantress knew it already. The problem is that Kirsten hasn't left anything for them to test if the bone and blood sample are really hers. But Achilles is on his way to every expert to find the sender of the box." he reported.


As expected wala na namang bakas na iniwas ang taong 'yun. Why is he doing this? Anong mapapala niya sa panggugulo sa amin? Dati ako lang, ngayon pati sina Vantress nadadamay. Am I the reason? Kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong pinaparating niya sa mensahe niya noon na pinasok ko ang kuta niya imbes na magtago at magpakalayo.


Nagsimula na akong maglakad papalabas at dinaanan ko lang si Dash. Habang naglalakad papunta sa elevator, muli ko na namang naalala ang pattern na nakita ko sa loob ng elevator. Para kasing pamilyar eh. Napatigil tuloy ako.


"May problema po ba?" Dash asked.


Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon