Chapter 51 - Values

231K 7.1K 1.1K
                                    


"5 million!"


"6 million!"


"8 million!"


"8 million is our highest bid! Going once, going twice, sold!"


Nakaupo na kami ngayon sa mga hilera ng iba pang underground society members para sa auction. Ngayon ngayon nga lang ay naibenta ang isang purse sa halagang walong milyon. The filthy rich bastards and their money ...



We are waiting for the auctioneer to put the music box up on the stage. I guess there will be no problems since Vantress Family is one of the wealthiest families.



Nasa kaliwa ko si Spade samantalang sa kanan ko naman ay tatlong matatandang mga lalaki na kanina pa nakatitig sa mga binti ko. Iniwasan ko na nga dumikwatro kasi sinusundan talaga nila ng tingin ang legs ko. Habang tumatagal tuloy, mas nacoconscious ako sa suot ko. Maiksi naman kasi talaga.



"How I love to stab these perverts' eyes." bulong ko habang pilit na hinahatak pa rin pababa ang laylayan ng damit ko.



I was checking these elders' looks when I felt something on my lap. It's a coat. Napatingin naman ako sa katabi ko na nasa stage pa rin ang tingin. "Don't stare at me. Just put that on your lap." he said at inayos ko na ang pagkakalagay ng coat para matabingan ang mga binti ko. Kahit kaunti naman pala may pagka-gentleman pa ang isang 'to.



Dahil mukhang hindi pa rin ang music box ang next item, nilibot ko muna ang mga mata ko sa paligid. Hindi ko nga alam kung namalik mata lang ako dahil parang may nakita akong lalaking nasa gitna ng maraming tao doon sa dulo na nakatingin rin sa akin. I blinked about five times but when I check that place again, wala ng tao.



"Is there a problem?" untag sa akin ng katabi ko. "Ah, wala. Namalik mata lang." mabilis kong sagot then bumalik na siya sa pag-oobserba sa entablado.



I can't relax knowing that the killer is just blending in with these people. One of them is him. It's kind of unexpected but I'm sort of scared. Memories from the past keep on rushing in. The time when his men kidnapped Lorraine and I. The time when they tied us everywhere and how they tricked me. Napapikit na lang ako nang dumaan sa isipan ko muli ang eksena kung paano nila pinatay ang kaibigan ko. Kinikilabutan ako dahil hindi ko alam kung sino siya sa mga tao dito. Paano kung nasa tabi, nasa harapan, o nasa likuran ko lang siya? Paano kung nagmamatiyag lang siya kasama ang mga tauhan niya at ipabaril niya rin ako?



"Hey, you're trembling." pagdilat ko na lang ay mukha na ni Spade ang nakaharap sa akin. Hawak hawak niya ang kamay ko na sa tingin ko ay nanginginig habang inaalala ang mga masasakit na alaala.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon