Chapter 41 - She's Dead All Along

249K 6.9K 1.2K
                                    


[ S K Y ' S P O V ]







"Kuya Xander, ano ba talaga ang totoo, ha? I am sure that you are hiding something. Spill it out!" banas na talak ko sa telepono. Kung sa tingin ng mga kaibigan ko ay papetiks petiks lang ako pwes nagkakamali sila. Ako ang mas naiipit sa makamatay na logic ng mga nangyayari sa Mhorfell at sa mga mafia de pamilya na nauugnay sa mga sunod sunod na kaso.


Kasalukuyan akong papunta sa Batangas dahil tinawagan ako ni Spade na pumunta roon. According to him, natagpuan na raw nila sa Kirsten. I was actually organizing some files when he called out so everything is upside down to me. Hindi ko na alam ang uunahin ko. May issue rin ako sa pamilya namin na maaaring ikaipit ko.


When the time comes na malaman ni Alex ang pagtatago ko sa kanya ng tungkol sa Amnesia niya at sa aksidenteng kinasangkutan ng mag-anak nila, alam ko na hindi physical pain ang makukuha ko kundi emotional at mental pain. Even so, my reasons are well enough to consider para panatilihin pa rin itong lihim hangga't wala akong nakukuhang signal mula kay Xander.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya. Sa tantya ko ay nasa opisina siya ngayon at nagtitingin ng mga papeles dahil rinig ang pagbubuklat niya ng mga ito. "Fine. Panalo ka na." pagsuko niya sa akin. Umabot sa pandinig ko ang pagtayo niya mula sa kanyang kinauupuan.


"It's true that our parents and Spade's parents were best of friends pero hindi naman ibig sabihin noon ay siya na ang batang lalaki na itinakda na ipapakasal kay Alex noon." marahan niyang pagpapaintindi sa akin.


"Then sino ang batang lalaking iyon?" sumunod kong tanong.


"His name is Liam. Liam Anderson. His family is operating a secret agency under the supervision of the President of United States of America. Oh, ano pa gusto mong malaman?" huminto muna ako dahil sa pagpula ng traffic lights. May ilang segunda pa bago magsi-andaran ang mga kahilera kong mga sasakyan.


"Bakit mo pinapatago kay Alex ang second name niya?" Finally! I blurted it out! Ito talaga ang gusto kong malaman. Nasigundahan na ako ni Spade na fake ang babaeng dinala niya sa school dahil maaaring pinadala ito ng kung anong ahensya upang gawin ang inatas na misyon.


Kaya kung tama nga ang teorya ko na posible na ang Kirsten na hinahanap ni Spade ay si Alex, edi matitigil na rin ang matagal na paghahanap ni king. What other reasons are there for Xander to make Alex hide her second name, di ba?


"Siguro naman alam mo ang pagpatay sa mga babaeng kabilang sa mga Vantress di ba? Since she is holding the same name as the Mafia Vantress' only legitimate crown princess, hindi malabong pagkamalan siya ng mga killers na siya 'yun. Lalo na at galing sa pamilya ng mga mafioso si Alex, nag-iingat lang naman ako. Ayokong madamay ang kapatid ko sa gulo ng pamilya ni Spade kaya inutos ko sa kanyang itago ang second name niya." pagkaklaro niya. Kalmado lang ang boses niya. Walang bahid ng pagdududa o kahit ano pa man.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon