Chapter 4

13.2K 644 29
                                    

Dominique

"Cous sumabay ka na sa akin." Alok sa akin ni Jazmine pero umiling lang ako rito.

"Susunduin ako ni Kuya. Mauna kana. Ayokong napapalayo ka pa. Alam mo namang out of way sa amin."

"Oo nga pero umuulan na."

"Sige na cous. Susunduin naman ako ni Kuya. Kung hindi non magagawa. Sigurado akong sasabihin naman non kay Kuya Ilver para siya na lang ang sumundo sa akin."

Napabuntong hininga ito bago tumango. "Hintayin mo ako rito." Pagkasabi non ay umalis ito.

Napatingala ako. Mukhang walang balak tumigil ang ulan dahil napakadilim ng langit. Mainit naman kaninang umaga pero bigla na lang nag-iba pagdating ngayong hapon.

Ilang sandali pa ay bumalik si Jazmine at may dala itong dalawang payong.

"Heto." She handed the other one to me. "Kinuha ko sa sasakyan ko. Lagi akong may dalang extra incase na may nangailangan. I know na may payong si Kuya Ilver sa tuwing susunduin ka niya pero I doubt kapag si Kuya Thunder. Alam mo naman iyon."

Ngumiti ako rito. "Thanks cous. Mag-iingat ka sa pagda-drive ha."

Napabuntong hininga ito. "Sa totoo lang. Ayaw kitang iwanan ngayon dito. I feel bad about it na para kitang pinabayaan-"

"Shush!" Pinutol ko ang sasabihin nito sabay tulak ng mahina sa balikat nito. "Ang dami mong drama para kang si Tita Allison." Saka ko ito tinawanan ng mahina. "I'm fine cous. I will be. Hindi ako mapapahamak dito. This is HFU remember? Kaya sige na bago pa lumakas ang ulan at bahain ang ilang mga lugar e umuwi kana. Mas mag-aalala ako sayo kasi ako. May susundo sa akin. Ikaw mag-isa ka lang pauwi."

Napakamot ito sa kilay. "Alam mo naman ang Kuya Ri'son Chaster ko. Nasa ewang lupalop ng mundo hindi kagaya ni Kuya Thunder na maalaga sayo. Pero sige aalis na ako basta ha. Magtext ka sa akin. Magtext ka kay Mama Frances at kay Kuya Thunder or kay Kuya Ilver para masundo ka kaagad."

Ako naman ang napakamot sa aking kilay. "Oo na. Sige na. Alis na. Mag-iingat ka." Simpleng taboy ko rito.

Niyakap muna ako nito bago umalis. Mabuti pa si Jazmine nakakapagmaneho at nakakadala ng sariling sasakyan nito. Hindi na kailangan ng driver hindi kagaya ko. Well, I know how to drive pero dahil sa kondisyon ko ay hindi ako pinapayagan ni Mama Scarlet lalong lalo na kay Mommy Frances.

And again, I understand them. I really do. Hindi ko rin naman sila gustong bigyan ng alalahanin. It's for my own sake.

Nilihis ko ang manggas ng aking suot na long sleeve white polo para sulyapan ang orasan sa aking relo na regalo ni Mama Snow noong eighteenth birthday ko. It was a Graff Diamonds Hallucination wristwatch. Mama Snow's fond of giving gifts and yes, super generous si Tita lalo na at ini-spoil niya kaming mga pamangkin niya.

Napabuntong hininga ako. It was five thirty already.

Napasulyap ako sa kaliwang hallway at mabilis kong tinakpan ang suot kong relo. It was Mrs. Knutson. Paparating pa lang ito at parang nag-slow motion ang paningin ko sa paglakad nito. The way she carries herself. Para itong nagmomodelo. Sa totoo lang, may asawa ba talaga ito?

I shook my head. Nakita kong dala nito ang shoulder bag nitong nakasabit sa kanang balikat nito. Ang ilang libro pati na rin ang laptop nito.

Tumayo lang ito ilang dipa sa akin at mukhang hindi pa ako nito napapansin. Well, marami rami din naman kaming mga estudyanteng na-stranded dito. Saka who am I to her para pansinin nito e napaka-snob nga ng Propesorang ito.

Hindi ito kumikibo at deretso lang ang tingin nito sa may parking lot. Malakas pa rin ang ulan. Hindi kaya ito susunduin ng asawa nito?

Gusto kong mapabusangot sa klase ng tanong ko at kahit kinakabahan ay kinapalan ko pa rin ang mukha ko para lumapit dito.

"Ma'am."

Walang buhay itong napatingin sa akin. Her eyes were cold and dead.

"Baka po gusto niyo ng payong para makauwi na po kayo."

Tinignan nito saglit ang payong na iniabot ko rito. I silently prayed na sana ay tanggapin nito. Nakakahiya kapag hindi! Ang kapal kapal na nga ng mukha ko para lapitan ito.

She didn't ask for it pero nagkusa ako para matulongan ito kaya sana ay huwag na nitong tanggihan ang alok ko.

"Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino."

Para akong nanlamig sa tono ng boses nito. It was like a knife that had pierce through my system. Bigla tuloy akong natakot. Punyemas!

"Ah, gusto ko lang pong makatulong Ma'am."

Tinitigan ako nito ng napakalamig. "Ok then, papayungan mo ba ako?"

Gimbal akong napatingin dito. Ako? Papayungan ko siya?

"Ayaw mo? Hand it over to me."

Now I know kung bakit. Syempre sa dami ba naman ng dala nito. Siguradong mababasa ng ulan ang laptop nito kung sakali.

Tumango ako rito. "Tara na Ma'am."

Binuksan ko ang payong saka na kami naglakad pero ayoko iyong parteng nadidikit ako dito. Nagtatayuan ang aking mga balahibo.

Pagdating namin sa sasakyan nito ay saka pa lang nito inilabas ang susi at binuksan iyon. Pinayungan ko ito habang inilalagay ang mga gamit nito sa may backseat.

"Hop in." Wika nito kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Po?"

Halatang hindi nito nagustohan ang sinabi ko. "Do I look old to you? I said hop in."

Umiling ako rito.

"I'm gonna fail you in my class."

Napakamot ako sa aking ulo. She's a trouble.

"Sige po Ma'am. Mauna na po kayong pumasok-"

Binuksan nito ang passenger side at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kagustohan nito. Kinuha nito sa akin ang payong at isinara ang pintuan ng sasakyan nito.

Her car's organize and neat inside. Humahalimuyak din ang pabango nito sa loob. Hindi kaya pinanliligo nito iyon?

Napaayos ako ng upo ng makapasok ito saka isara ang pinto. Inilagay nito ang payong sa may side nito bago nag-seat belt kaya nag-seat belt din ako.

Wala itong imik na nagmaneho. Inilabas ko ang cellphone ko pero nanlumo ako ng makitang lowbatt na pala ito. Hindi ko napansin kaya siguro wala akong natatanggap na text nina Kuya o kahit sino. Mag-aalala si Mommy Frances sa akin pati na rin si Mama Scarlet.

Paano na ito? Nakakahiya naman kung makikigamit ako kay Mrs. Knutson ng cellphone nito lalo na at hindi naman kami close. Kakakilala pa nga lang namin sa isa't isa. Mabuti sana kung si Miss Fin ito pero hindi. This is my cold, snob, and grumpy Professor.

"You can use my phone."

Literal na nalaglag ang panga ko.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن