Chapter 9

13.1K 607 42
                                    

Dominique

It's been a week simula noong magkasakit ako. Umabsent pa ako ng dalawang araw para lang magpagaling at ng bumalik ako sa school para mag-aral ay nagsimula na talaga akong mailang kay Mrs. Knutson.

Hindi ko ito tinitignan. Hindi ko lang matanggap na sinuboan ako nito.

Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino.

Just exactly I remembered what she told me before. Ayokong isipin kahit na totoong ako ang nagkaroon ng utang na loob dito ngayon. I want to repay but I don't know how.

"Tahimik ka?" Untag ni Jazmine sa akin.

Napailing ako rito. "I did a lot of things in the past that I want to forget. Paano ko magagawang kalimutan ang mga iyon?"

Napaayos ito ng upo. "Simple lang. Tanggapin mo saka ka mag-move on. Kahit anong gawin mo kasi, hindi na iyon mababago pa. Naging parte na iyon ng buhay mo at kung ano ka ngayon."

Napatango ako rito. "Now I understand."

Napakunot noo ito sa akin. "Teka nga. May nangyari ba sayo dati na hindi ko alam?" Takang tanong nito sa akin.

Halos magkapatid na kasi kami ni Jazmine na hindi mapaghiwalay simula noong mag-aral kami. She knew everything about me and I knew everything about her kaya ganun kami ka-over protective sa isa't isa. Minsan lang ay napapasobra ang acting nito.

Nagkibit balikat ako. "Wala naman. Gusto ko lang marinig ang advice mo."

Hinila nito ang buhok ko. "Gaga ka."

Natawa ako rito at saka lang natigil ng pumasok si Mrs. Cordova. Siya ang Professor namin sa subject na Building Management. Binati namin ito bago ito nagsimulang mag-discuss. Ng malapit ng matapos ay nagbigay ito ng sandamakmak na assignments kaya hindi maipinta ang mukha ni Jazmine ngayon.

Oo alam kong matalino ang pinsan kong ito pero sadya lang talagang tamad dahil minsan ay ako pa ang nagtutuloy sa ibang mga drawing plates nito lalo na noong third year pa lang kami. Kailangan kasi dapat na nasa detalye ang atensyon nito pero dahil sa dami ng mga assignments namin. Dumarating sa point na halos naiiyak na ito.

"Remind me kung bakit ito ang kinuha kong kurso." Maktol nito ng makalabas kami ng room para mag-meryenda.

"Kasi gusto mong maging lisensyadong engineer?"

"Right."

"Unless kung gusto mong maging businesswoman kagaya ni Mama Snow, Mama Risen, at Mama Scarlet."

Napasapo ito sa noo habang umiiling. "Help me. Ayoko!"

Natawa ako rito. Over acting talaga parang si Tita Shanelle Olivia kaya mahal na mahal iyon ni Tita Xen e.

Agad itong umayos ng makakasalubong namin si Miss Fin. Hinawakan pa nito ang braso ko at marahang pinisil.

"Aray Jazmine!" Mahinang suway ko rito. Kulang na lang ay yugyogin ako nito.

Alam ko na. Kinikilig ang pinsan ko.

"Pigbigyin mi ni iki." Ipit na wika nito na halos hindi bumuka ang bibig nito habang nakatingin sa harapan kung nasaan si Miss Fin.

Niluwagan naman nito ang hawak nito pero masakit pa rin. Ikaw ba naman ang pisilin na may kasamang panggigigil.

"Napaghahalata ka." Suway ko rito kaya umayos ito ng tayo at bumitaw sa akin. Todo ngiti ng matamis na may kasamang lagkit sa Propesora namin.

Tama yata si Mrs. Knutson sa sinabi nito noon.

Apakalandi.

"Hi Ma'am!" Agad na bati nito ng malapit na si Miss Fin.

Ngumiti si Miss Fin ng matamis. Itong katabi ko namumuso ang mga mata. Gusto kong tusokin sa totoo lang kahit minsan lang sana.

Nakakahiya.

"Hello Jazmine and Dominique! Snack kayo?"

"Yes Miss. Tapos kana pong mag-meryenda?" Mabilis na tanong ni Jazmine rito. Ako naman ay napatango na lang.

"Katatapos ko lang. Why? Are you guys gonna treat me?" Biro nito pero alam kong papatulan ito ng pinsan ko.

"Pwede po Miss Fin? Treat ka po namin ng lunch."

"Great. So see you sa cafeteria later?" Nakangiti pa rin ito.

Ang amo lang ng mukha. Alright, maganda talaga si Miss Fin. There's no doubt with that.

"Miss Fin. Sa labas po tayo kakain." Wika ni Jazmine na nakapagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.

"Oh. Lunch then. Pwedeng magsama ng isang kaibigan?"

"Sure Miss Fin. Kahit buong kaibigan mo pa para mas masaya."

Natawa naman si Miss Fin sa sinabi ng pinsan ko.

"Noted. I'll see you guys later." Wika nito saka na kami nilagpasan para magpunta sa faculty.

"Whoa! She said yes!"

Natawa ako rito. "You said girl crush mo siya."

"She is!"

I shrugged bago kami nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria. "That's not a crush thing anymore."

Natigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin kaya tumigil din ako.

"What do you mean?" Nagugulohang tanong nito.

"Well. Sa nakikita ko hindi lang basta crush ang nararamdaman mo sa kanya. You admire her at kasama diyan ang pagmamahal."

Nanlaki ang mga mata nito sa akin. "I can't be gay. I am not. I'm just fond of her."

"Manhid ka nga katulad ni Mrs. Knutson." Deretsang wika ko.

"Do you want me to fail you?"

Nanigas ako ng marinig ang malamig at mapanganib na boses ni Mrs. Knutson sa likuran ko habang si Jazmine ay nanlalaki ang mga mata habang nakaawang pa ang bibig nitong nakatingin lagpas sa akin.

Nakakabanas ang itsura nito. Kinokompirma lang kasi ang kahihiyang nasabi ko.

Bigla tuloy akong nanlamig. Ayaw kong lumingon! Iniiwasan ko nga ito diba? Ang malas naman.

Nakakahiya! Gusto ko na tuloy kainin na lang ako ng lupa ngayon.

"Detention for being disrespectful to me, Miss Howard!"

Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga nagawa nito sa akin pero pumalpak na naman ako. Gusto ko na lang maglupasay ngayon. Bakit pagdating kay Mrs. Knutson ay nagiging masama ako sa paningin nito? That's not fair!

Wala akong nasabi hanggang sa lagpasan kami nito. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"Bakit hindi mo sinabing papalapit na pala si Mrs. Knutson?" Sisi ko sa pinsan ko.

Hindi ito makapaniwalang tumitig sa akin. "Aba't malay ko bang iyon ang sasabihin mo e basta kana lang nagsabi ng walang preno." Asik nito.

Patay ako kay Mommy Frances kapag nalaman nitong parang binastos ko ang isang Professor namin. Saka totoo naman kasing mataray ito. Masungit at parang yelo. It's just that, wrong timing ang pagkakasabi ko.

Detention for being disrespectful to me..

With that line. Umasim ang mukha ko.
Natawa si Jazmine sa akin.

"Para kang tanga cous."

"Bakla!" Bulyaw ko rito bago ko iniwan.

"Hey! Hindi ako bakla! Hintayin mo ako!" Reklamo nito.






Shit naman!

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now