Chapter 57

12.8K 701 117
                                    

Dominique

"Bakit? Hindi mo ba gusto ang mga nakahain ngayon?" Tanong ko kay Mikaela dahil nakaharap nga ito sa mga pagkain pero hindi naman ito gumagalaw. Nanatili lang itong nakatitig sa mga ito.

Maya maya pa ay napasimangot na ito. "I'm hungry."

"Then eat."

Nakita kong may umagos na luha sa pisngi nito kaya nataranta ako. "Bakit? May masakit ba sayo love?"

"Hindi ko gusto ang mga nakahain ngayon." Flat nitong sagot.

"Sige ano bang gusto mo? Papalitan ko na lang."

Nagsimula itong humikbi. "That's my problem. I don't know what I want."

The heck?

Napakamot ako sa aking ulo. "Tahan na. Huwag ng umiyak."

"Kaya nga ako umiiyak. I don't know what to eat." Malamig ang boses nito.

Hindi ako makapaniwalang napatitig rito. Ano? She's really unbelievable.

"Uhm. Gusto mo bang kumain na lang ng prutas?"

Nagulat ako nong lumagapak ang kanang palad nito sa lamesa.

"I said I don't know what to eat idiot!" Napasapo ito sa mukha nito bago tuluyang umiyak.

Tigagal akong napatingin sa inasal nito. Lahat ba ng buntis ay ganito dapat? Sa totoo lang sa dami ng mood swings nito ngayon. Wala na akong balak pang buntisin pa ito.

One is enough.

Pumasok si Mommy Frances habang nag-aalala ang mukha nitong lumapit kay Mikaela.

"Anong nangyari dito Selenophile?"

Nag-angat ng tingin si Mikaela at kita ang mga nag-uunahang mga luha nito sa mga pisngi. "Ang pangit po ng magiging asawa ko."

Nalaglag ang panga ni Mommy Frances habang nanlaki ang mga mata ko. Sinong pangit? Ako? Ako lang naman ang mapapangasawa nito.

Lumapit pa si Mommy Frances dito ng makabawi at niyakap si Mikaela.

"Tahan na. Kumain kana para maging healthy si baby."

And Mommy mouthed 'get out'.

"Ayoko." I mouthed back. Bakit ako aalis e mas kailangan ako nito ngayon? Sa sobrang bipolar ni Mikaela kadalasan ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Sige na love. Kumain ka na. Kukuha ako ng gusto mo."

"Mago-order tayo sa restaurant ni Scarlet." Si Mommy naman ngayon habang hinahaplos haplos nito ang likuran ni Mikaela.

"Kami na lang. Umalis ka muna." Si Mikaela na nag-angat ng tingin sa akin.

I really can't believe this pero wala na rin akong nagawa kundi ang lumabas mula sa dining room. Napahilot pa ako sa aking sentido bago napabuntong hininga.

Great!

"What happened sweetheart?" Tanong ni Mama Scarlet ng makasalubong ko ito sa may sala.

"Ano kasi Ma. Tinamaan na naman si Mikaela. Nandoon umiiyak kasi ayaw daw niya sa pagkain at hindi niya alam kung anong kakainin niya kaya iniiyak na lang."

Natawa naman ito. "Ganun talaga siguro kasi ganun rin noon ang Mommy mo. Buntis siya kay Kuya mo noon at halos lahat iniiyakan kaya iniiwasan kong mag-movie marathon kasama siya. Iniiyakan niya ang mga bida saka niya ako sisisihin."

Natawa ako rito. "Sobrang sensitive po ba Ma."

"Si Pransya? Naku, kung hindi ko lang siya mahal. Kaya nga noong malaman naming nagdadalantao na naman siya sayo. Araw araw kong hinihiling na hindi na ganun ang maranasan ko which is dininig naman. Hindi na siya mapanakit sa akin pero naging mapili pa rin ng pagkain. Ano bang mga pinaglilihian niya ngayon maliban sa mapili siya sa pagkain?"

Napaisip naman ako. "Bukod sa pagkain Ma, pinaglilihian din niya kami ni Jazmine. Sinasabi niyang mabaho si Jazzy kaya halos natu-trauma na ito sa kanya. Makita pa lang non si Mikaela o marinig ang pangalan e nagmamadali ng umalis at ako panay pisil siya sa mga pisngi ko."

Natawa ito kaya natawa rin ako. Mabuti pa si Mama Scarlet kung tumawa ay iyong klaseng nakakahawa talaga pero kapag si Mama Risen. Kung tatawa na parang satanas ay nagiging satanas din.

"Heto ang pinakamalala Ma. Naglihi siya sa prutas na mangga. Imbes na bumili o humingi. Pinagnakaw niya kami ni Jazzy dahil gusto niya ay mismong manggaling sa puno."

Mas lalong natawa si Mama.

"Tara muna sa labas. Mas magandang magkwentuhan sa may likuran-"

"Scarlet!" Pasigaw na tawag ni Mommy Frances sa may dining room.

"Pransya ko! Nandiyan na sweetheart!"

Natatawa na lang ako ng nagmamadaling umalis si Mama sa tabi ko para puntahan si Mommy. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ito kay Mommy. She's really in love from head over heels.

"Kailangan mong kumuha ng pagkain sa restaurant ngayon din!" Narinig ko pang utos ni Mommy kay Mama.

Napangiti ako dahil sa sobrang ka-sweetan ng mga magulang ko. Maalaga rin sila kay Mikaela kaya hindi ako nagsisisi na dito muna kami pansamantala. Tama naman silang may katuwang ako lalo na at maselan ang pagbubuntis ng girlfriend ko. Kung dalawa lang kasi kami ay siguradong mahihirapan ako. Hindi pa naman ako pwedeng magpagod masyado. I'm still on the process of healing.

"I gotta take out food for my daughter and grand daughter." Nagmamadaling lumagpas sa akin si Mama Scarlet para magpunta sa restaurant namin. Malapit lang naman iyon dito at dahil utos ni Mommy Scarlet ay para itong isang road runner ngayon.

Napapailing na lang ako. Ibig sabihin ay ayaw talaga ni Mikaela ang mga pagkain na nakahain rito ngayon. And instead na ako ang pumunta sa restaurant ni Mama para kumuha ng pagkain. Personal na iyong papakuha ni Mommy rito bukod sa ayaw ako nitong mapagod. Hands on sila sa amin.

And they always keep on saying grand daughter. Naniniwala kasi silang babae raw ang apo ng mga itong dinadala ni Mikaela. They wanted to believe that way dahil maganda ang mapapangasawa ko. Gusto raw nilang magmana ito sa kagandahan ni Mikaela at ang unang apo nilang tatawaging alas. Naniniwala silang mas dominante ang pamilya kapag mas angat ang babae lalo na pagdating sa negosyo kagaya ng mga Tiyahin at mga magulang kong sobrang maunlad ngayon.

At si Mikaela, mas tinuring pang anak ngayon. They call her 'daughter'. Ayos lang naman iyon para sa akin. Mas pabor nga ako kapag ganun kasi mahihirapan si Mikaela na iwan ako kung sakaling may balak ito.

"Selenophile!"

Nagmamadali naman akong bumalik sa dining room ng marinig ang pangalan kong tinawag ni Mikaela.

"Yes love?" Nakangiti akong bumungad rito.

"Kumain ka." Hindi iyon simpleng salita lang kundi ay pautos. Nakita kong kumakain rin si Mommy Frances.

Teka nga, nauna na kaming kumain kaninang tulog pa si Mikaela. Bakit kumakain ulit si Mommy Frances? Huwag nitong sabihing inutosan din ni Mikaela?

"Kakain o kakain?" Nakita kong sumama ang tingin nito sa akin.

Napakamot ako sa aking kilay bago naupo. Kumuha ako ng kaunti dahil busog na busog pa ako.

Bumaling si Mikaela kay Mommy Frances. "Ang pangit niya Mommy parang tukmol."

What the f*ck!

Natawa si Mommy Frances rito. "Tukmol na may palakol."

Napatirik ang mga mata ko.


Oh please!

____
Wala itong revision. Read at your own risk. Asa work din ako ngayon pero papetiks petiks lang.

good morning..

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now