Chapter 42

12.7K 628 43
                                    

Dominique

Tahimik lang akong nakaupo habang nagsusulat sa aking papel. May klase ulit kami kay Mrs. Knutson ngayon. Ang una ay kaninang umaga.

Iniiwasan ko na ito simula nong pumasok ulit ako sa eskwelahan at ni tignan ito ay hindi ko ginagawa. Hindi ko alam pero after non. Parang nawala na ang pakiramdam ko. Ganito pala ang sinasabi nilang pamamanhid. Walang maramdaman ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil masyado na ba akong nasaktan o ano.

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Jazmine kasunod ng pagbubulongan ng mga kaklase namin.

Wala namang nagtangkang sumunod kay Mrs. Knutson ng mag-walked out ito sa klase namin. Hindi pa rin ako umimik.

"Buntis si Ma'am!" Siwalat ni Vien kaya napatingin ang lahat rito.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ng isang kaklase naming si Jayson.

"Lagi kong nati-tiyempuhan na nasa cr iyon nagduduwal kapag ganitong may klase. Positibo akong buntis si Ma'am."

"Normal naman iyon. May asawa naman siya. Ang hindi normal ay iyong dalagang magbubuntis na lang." Tawanan ang ilan sa mga ito.

"Naku baka mas lalong susungit pa iyon." Si Jeko.

A lot of them groaned in frustration kaya nagkatinginan kami ni Jazmine.

"Aren't you gonna check on her?" Bulong na tanong nito pero tinignan ko ito ng walang buhay.

"What for? She said that's not mine. Panindigan niya."

Napatampal si Jazmine sa noo nito. "You're stupid cous. Kahit ganun ang sabihin non. You know for your self na sayo iyon."

"I can't understand you Jazzy. Noong hinahabol habol ko siya. You're telling me I'm stupid. Ngayon namang iniiwasan ko na siya. Stupid pa rin ako. Ano gusto mo na naman bang maging marupok ako doon?"

Namukol ang pisngi nito dahil sa dilang naglalaro sa loob. Nakakadiri.

"What I mean is don't beg for her love."

I snorted. "Ganun na rin iyon. She doesn't want me to do anything with the child."

Napabuntong hininga ito. Hindi ko na lang ito pinansin. Ilang minuto pa ang lumipas pero walang bumalik na Professor Knutson.

"Baka hindi na iyon babalik. Let's go home." I said ng tignan ko ang oras at makitang maga-alas tres na ng hapon. Ito kasi ang last subject namin ngayong tanghali.

"Hintayin natin. Alam mo namang babalik iyon para mag-dismiss. Ayokong mapagalitan cous. Masamang masama na ang record natin kay Professor."

"Who cares Jazzy basta ang importante ay ga-graduate tayo. We don't need straight A's lalo na at wala rin namang good manners and right conduct ang Professor natin sa subject na ito."

"Andiyan na si Ma'am!" Si Leon at nagmamadaling nagpunta sa upuan nito.

Ang dating maingay na paligid ay biglang nanahimik at gaya sa mga kaklase ko ay nakayuko lang akong ipinagpatuloy ang pagsusulat ko.

Narinig ko ang tunog ng takong nito sa sahig. Ilang sandali pa ay naupo ito base sa ingay at langitngit ng upuan nito.

"Continue copying and after you're done. Show me and leave."

At dahil papatapos na ako ay binilisan ko na.

"Salamat naman at malapit na tayong matapos." Tuwang tuwang wika ni Jazmine ng pabulong.

Ang ibang mga kaklase namin ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng mga ito. Palibhasa, imbes kasi na magsulat ay iba ang ginagawa. Alam na nga nilang kapag ganitong wala sa mood ang Professor naming masungit ay hindi ito nagtuturo at nagpapa-activity or nagpapa-kopya lang ito sa libro. So you have to do it dahil walang lusot rito. She will check everything bago ka nito pakawalan.

Ng matapos ako ay sabay pa kami ni Jazmine na tumayo. Ipinasok ko sa shoulder bag ang libro ko at hawak ko sa kamay ang notes ko. Hindi ako nag-angat ng tingin at kunway busy ako sa pag-scan ng sinulat ko sa notes na hawak ko habang naglalakad ako papunta sa harapan.

Ng makalapit ako ay inilagay ko ang notes kong nakabukas sa harapan ni Professor Knutson at saka ako tumingin sa pintuan. Ilang sandali lang ay ibinalik nito.

"Take it." Walang lingon kong kinuha ang notes ko bago ako naglakad palabas ng classroom namin. Magkasunod lang din kami ni Jazmine na lumabas.

"Ihatid mo ako." Sabi ko rito.

"Sige."

Ipapasok ko na sana ang notes ko sa shoulder bag ko ng hindi pala nito ibinalik sa dati ang pagkakatupi. Aayusin ko na sana pero natigilan ako ng makita ang nakasulat dito.

I hope you're feeling better.

Pinunit ko ang sinulat nitong iyon kaya napatingin sa akin si Jazmine.

"What's that?"

"May guhit lang ng ballpen." Saka ko inilagay sa loob ng bag ko ang notes ko.

Sumakay kami sa sasakyan nito.

"You know I heard. May check up si Mrs. Knutson sa baby niyo ngayon."

Tinignan ko ito ng masama pero nasa sasakyan naman nito ang focus nito. She started the engine.

"Gusto mo bang samahan iyon ni Bryson na dapat ay ikaw ang gumagawa? You should be there for your child. You shoudn't miss all the first-"

"Stop it Jazmine." Hinarap ko ito. "Alam mo ikaw nakakahalata na ako sayo. Couple of weeks ago you're telling me to stay away from her pero ngayon. Kulang na lang ay ipagduldulan mo ako sa kanya."

"Alam mo kung bakit?" Sulyap nito sa akin bago tinutok ang mga mata sa daanan ng magmaneho na ito. "Kasi kahit bali-baliktarin mo ang mundo. Kadugo natin ang dinadala non. Ayokong paglaki niya. Isipin niya sayo na dahil hindi ka kayang mahalin ng Mommy niya e pati siya ginive up mo at dahil lang iyon sa utos ng Mommy niya. I mean may isipan ka cous. Gusto mo bang ibang Daddy ang makagisnan non?"

"Ano ngang magagawa ko e ayaw sa akin ni Mikaela. She doesn't want me to do anything with the baby."

"At papayag ka naman?"

"Hindi nga diba? Kaya nga nagmukha akong tangang habol ng habol sa kanya. Nakita mo paano ako naging miserable dahil sa kanya."

"So give up kana nga?"

Hindi ako nagsalita. Gulong gulo na kasi ako e. Hindi ko na alam kung anong panunuyo ang gagawin ko sa kanya.

"Let's go and attend the check up. I know where she goes."

"Jazzy! Stalker ka talaga!"

Inirapan ako nito. "I'd do anything for those people I care at kasali na doon ang magiging pamangkin ko kay Professor Knutson. Buti nga inaalam ko e pero ikaw? Kapal ng apog mo."








What the?!

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now