Chapter 43

12.9K 671 54
                                    

Dominique

"Ikaw?" Turo sa akin ni Mr. Briar Knutson.

Ito ang Daddy ni Bryson Knutson na siyang pinagkakautangan ng Mommy ni Mikaela ng malaking halaga. The thought na si Mikaela ang pinambayad nito sa lalaking ito ay kumukulo na ang dugo ko. Hindi isang bagay na basta na lang maging collateral ang babaeng mahal ko.

She's priceless!

"Is this some kind of a joke?" Tumawa ito at ang ilan sa mga bodyguard nito ay natawa rin. Parang sira ulo ang tingin ko ngayon rito. Di hamak na mas matino ang anak nitong si Bryson.

"No." Seryoso kong sagot rito kaya nawala ang tawa at ngiti nito.

Nakatayo lang si Kuya Ilver sa likuran ko. Nag-meet kami dito sa isang restaurant sa may VVIP as I don't want anyone na makakita sa amin.

"I'm the one who called for a meeting." Malamig na wika ko rito.

Yes, I set an appointment. I called his company at sinabing isa akong kliyente na interesadong mag-invest pero gusto ko ay ang big boss mismo ang makakausap ko.

"Kid, I don't waste my time. You probably don't even have that kind of money to settle or deal with companies. If you want to invest. Dapat alam mong may ganun."

"I could perfectly see that." Kinuha ko ang cheque book ko at ang isang kasunduan. It was a letter of agreement that he needs to sign. Kasunduang babayaran ko ng higit pa ang ninety million bilang kapalit ng kalayaan ni Mikaela Knutson.

"Read and if you agree. Sign and I'll sign this cheque that I have. Her freedom versus one hundred million para sa pagkakautang ng Mommy niya sayo."

Tinignan ako nito ng alanganin bago pinasadahan ng tingin ang sulat at kung anong nakasaad doon.

"What if your cheque is fake."

Ako naman ngayon ang napangiti rito. "You can verify now and I know you can do that. If you don't want a cheque. I can wire the money to you." Inilagay ko sa loob ng bag ang cheque book ko.

"Deal pero kapag nagkamali ka. Mananagot ka sa akin bata."

"At kapag tama ako. Anong gagawin ko sa iyong matanda ka?"

Nag-isang linya ang mga kilay nitong makakapal. Magandang lalaki sana ang Tatay ni Bryson kaya lang ay magaspang ang ugali nito. Bryson was right. Iba ang pamilya nito pagdating sa pera.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo bata. Masyado kang matapang." Kumuha ito ng isang tobacco at akmang sisindihan iyon ng tauhan nito pero-

"Bawal sa akin ang usok tanda. Pwede mo iyang gawin pagkatapos ng usapan natin."

Napahalakhak ito. "I like you already. Iyan ang katangiang hinahanap ko sa isang tunay na pinuno."

Hindi ko pinansin ang sinabi nito. "If you like what you've read. Sign it then I'll wire the money to you."

"Very well." Inabot nito ang ballpen sa bulsa ng tuxedo nito bago pinasadahan ulit saka pumirma.

Ng makapirma ito ay kinuha ko ang papel saka iyon tinignan. He put his name and sign on top of it.

Kinuha ko ang phone ko at pumasok ako sa online mobile banking. I type his name and account and the amount. Ilang sandali lang ay transaction completed na.

Narinig ko ang pagtunog ng phone nito at kinuha nito iyon para i-check. Nahulog ang nasa bibig nitong tobacco saka tumingin sa akin.

"I think we're done here." Saka ako tumayo.

"Wait." Napatayo na rin ito. "Mikaela's my son's wife although she's paying what her Mother owed us. Why are you doing this for her?"

"As I said, I want her freedom."

"But why?"

"You already have the money. Why are you asking a lot?"

"Aren't you gonna invest something in my company?"

Ang kapal naman ng mukha nito. After nitong tanggapin si Mikaela bilang kabayaran sa tingin nito natutuwa ako?

"My family's businesses can stand alone without your help. Giudevaun never needed a help." Nanlaki ang mga mata nito sa akin. "Keep the deal as a secret kung ayaw mong mawala lahat ng pinaghirapan mo tanda." Iyon lang saka na ako tumalikod kahit halatang halata namang may sasabihin pa ito.

Hindi ako interesado.

"Kuya Ilver. Sa school po ako." Wika ko ng maglakad kami papunta sa may parking.

"Yes Ma'am."

"Dominique po Kuya." Napakamot ito sa ulo. "Kuya nadeliver na ba ang mga pinabili kong gatas para kay Mikaela?"

"Opo Ma'am. Lahat ng groceries para sa naglilihi at lahat ng klase ng prutas."

Tumango ako rito. "Salamat Kuya."

"Walang anuman."

Pumasok ako sa sasakyan at saka sinagot ang tawag ng pinsan ko. Sakto dahil kakaupo ko lang sa loob. "Yes Jazzy?"

"Si Mrs. Knutson dinudugo!" Bungad nito kaya agad na dinamba ng kaba ang dibdib ko.

"B-Bakit daw?" Takang tanong ko rito.

"Talaga Selenophile? Bakit lang? Anong malay ko ha?!"

"Jazzy! Itakbo mo sa hospital o tatamaan ka sa akin!"

"We're on our way to the hospital na nga! Punta ka doon!"

"Which hospital?"

Sinabi naman nito kung saang hospital.

"Kuya Ilver sa may black nazarene hospital po tayo saka pakibilisan."

Ilang minuto kaming bumiyahe bago narating ang hospital. Pagka-park pa lang ni Kuya ay lumabas na ako. I took my phone and dialled my cousins number. It rang four times bago nito iyon sinagot.

"Asan ka?" I asked anxious.

"Nasa loob na. Kakapasok lang. Ikaw na rito para ikaw ang pumirma ng lahat. Anak niyo naman ang nasa panganib kaya may karapatan ka."

Nagmamadali akong pumasok sa loob at nakita ko agad ang pinsan kong nakatayo habang nakasandal at nakahalukipkip.

"What happened?" I asked her ng makalapit ako rito. She looked at me at nag-aalala pa rin ang mukha nito.

"I don't know. I helped her with her things dahil mabigat ang mga dala niya at alam mo namang bawal ang nagbubuhat na buntis lalo kapag masyadong maselan diba? So ng maihatid ko siya sa kanyang opisina. That's when I felt something is wrong kasi sapo niya ang kanyang noo at mahigpit ang hawak nito sa bottled water like her life depends on it. I asked her if she's ok and she answered 'get out' but I didn't. Some thing is telling me to stay so I did." Mahabang paliwanag nito sa akin.

"And?"

"And when she stood up. I saw the blood running down her legs."

"So is she gonna be fine or what?"

"Ask the Doctor."

Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang mga darili ko.

"Set aside your feelings cous. She needs you. Your child needs you kahit ngayon lang."

Tumango ako rito. Ano pa nga bang magagawa ko?













Basta hindi na ako marupok sa kanya.




___

Napansin ko lang sa story na ito . Humahaba na siya . malapit ng ma.reach ang story ni Autumn at Miss Davidson na 50 chapters .

anyways..
goodnight 🥱

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora