Chapter 27

11.9K 643 84
                                    

Dominique

Naghihintay akong dumating si Mrs. Knutson. Nauna na ako rito para mailagay ko ang bulaklak sa lamesa nito ng walang nakakakita. Halos lahat ng kaklase ko ay dumating na at ang iba ay nagtatawanan habang ang iba ay inu-usyuso ang bulaklak.

"Buti pa si Ma'am kahit may asawa na binibigyan pa rin ng bulaklak."

"Siguro anniversary nila. Kinikilig ako. Si Ma'am iyong klaseng ang sarap mahalin."

"Anniversary? Sa sungit at taray ni Ma'am nakakatakot siya. Mabuti hindi takot ang asawa niya sa kanya." Tumawa ang mga kaklase namin sa sinabi ni Angelo.

Napahagikhik si Jazmine sa aking tabi na kadarating lang.

"Natatawa ako. Kahit wala si Ma'am e hindi kayang hawakan ang bulaklak. Natatakot sila. Sabagay sa estilo naman ng bulaklak. Mukhang mahal. Nakakatuwang isipin na kahit mag-asawa na e hindi pa rin nawawala-"

"It came from me." I said, enough for her to hear me.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nito. "Ikaw?!"

"Lower your voice."

She cleared her throat. "You idiot at dito pa talaga sa school-"

"Andiyan na si Ma'am!"

I looked at her and grinned kaya tinignan ako nitong parang nasisiraan ng bait.

"Gusto mo dumalaw pa ako sa bahay niya."

"Tang ina mo ha. Naoperahan ka lang sa puso napakayabang mo na-"

Hindi natuloy ang sasabihin nito ng biglang pumasok si Ma'am at isara nito ang pintuan. I hate her heels ticking on the floor. Nagbibigay ito ng kaba sa akin.

Maglalakad na sana ito palapit sa lamesa nito ng makita nito ang bulaklak at saglit na natigilan. Tahimik kaming lahat pero kung ang iba ay nakayuko. Ako ay deretsong nakatingin rito. Pinasadahan nito ng tingin ang mga kaklase ko bago dumapo ang magagandang mga mata nito sa akin.

At kagaya dati. I matched her gaze with the intense she's giving me.

Pinagpatuloy nitong maglakad at walang imik na dinampot ang bulaklak para ilagay sa upoan nito at ipatong sa lamesa ang mga dala nitong gamit.

Malamig ulit itong tumingin sa amin lalo na sa akin.

"Good morning Mrs. Knutson." Bati ko rito sa malamig na boses.

"Good morning Mrs. Knutson!"

Gusto kong matawa dahil noon lang naalala ng mga kaklase kong bumati rito pero pinigilan ko dahil kunwari ay seryoso ako.

She didn't say anything at napapangiti na lang ako dahil ang hot talaga nito kapag ganitong nagsusungit. She started to discuss our lesson kaya doon na lang ako nagpukos. I have to dahil dalawang linggo akong nawala at marami akong hahabulin.

I wasn't drop because I have a valid reason tapos namumuro naman ako ng uno kaya walang dahilan ang mga guro para ibagsak ako lalo na't pag-aari din ng pamilya ko ang paaralang ito. Perks of it kaya exempted ako pero hindi ko naman iyon ginagawang rason para mag-take advantage. That's why me and Jazmine have this kind of freedom dahil walang nakakaalam kung sino talaga kami.

"Stay behind Howard. Class dismissed."

Pinanood ko lang ang mga kaklase kong umalis. "Hihintayin kita sa labas cous." Pinisil pa ni Jazmine ang pisngi ko. Tatapikin ko sana ang kamay nito pero dahil mabilis itong tumalikod ay ang pwet nito ang binalingan ko. I smacked her butt cheek dahilan para mapasigaw ito ng kaunti.

"You! Mamaya ka sakin." Saka na ito umalis.

Nakangiti ako ritong nakasunod pero agad ring nagseryoso ng kasunod non ay isara ni Mrs. Knutson ang pintuan nito.

Bumaling ito ng tingin sa akin at sobrang lamig ng mga mata nito. May kasama pang pananalim.

"I don't want to receive anything from you Howard. Take your flowers with you and get out."

Natigilan ako sa sinabi nito. "I did not-"

"And don't ever lie to me. The flowers have the same scent of you perhaps you used your perfume."

Touche!

Totoo naman but I didn't do that on purpose para malaman nitong sa akin nga galing ang bulaklak. I just want the flowers to smell nice. I guess it's a wrong move.

So definitely, naamoy nga nito ang pabango ko doon. Napangiti ako rito.

"So pinagtutuonan mo ako ng pansin Mrs. Knutson? You know how I smell." I tease her. Gosh, this is not me. Ano bang ginagawa sa akin ng babaeng ito? She literally have her spell under me.

Nakita kong nagkulay rosas ang mga pisngi nito. She's so damn gorgeous!

"No, pero sa lakas mong magpabango kahit sino makikilala ka."

"Then bakit ikaw lang ang nakapansin samantalang kaninang umaga dinudumog ang bulaklak mo and no one notice it."

"And I'm glad they didn't because right now. You're disrespecting me, Howard."

I took my shoulder bag saka ako tumayo habang nakatingin rito ng seryoso.

"If giving you flowers and showing you how much I like you means disrespecting you Professor Mikaela then I'm glad to say that I disrespect you today and don't expect me to respect you anymore."

"How dare you." I could see her rage at ito ang unang beses na nakita ko ang bagay na iyon dito.

Nakikita ko kung paano ito maapektuhan sa akin. I can get under her fair and flawless skin pero hindi ako sigurado sa sinabi ni Bryson Knutson kung gusto nga ako ng asawa nito.

"I got that from my Mom Scarlet." As I remembered my Mama Scarlet's sacrifices para lang mapasagot si Mommy Frances and when she thought she have my Mom already. She was fooled in the end. That's when Mommy Frances realized she just made the biggest mistake in her life. I'm glad na nagsisi ito at sila pa rin ni Mama ang nagkatuloyan and now..

Here I am.

"Get out." She said firmly.

"Thank you Prof." Aalis na sana ako ng-

"Take your flowers with you!"

Kinuha ko ang bulaklak sa upoan nito bago ito ngitian at saka lumabas. Pagkalabas ko ay binigay ko kay Jazmine ang bulaklak.

"Ayaw niya. Ibigay mo kay Miss Fin."

"Nahihiya ako." Wika nito.

"Kapal ng mukha mo. Akin na." Wika ko saka ko binawi ang bulaklak at tumakbo papunta sa gym kung nasaan si Miss Fin.

"Cous no!" I didn't look back kay Jazmine na alam kong humabol pa sa akin.

"Hi Miss Fin!" Wika ko ng malapitan ko ito. Mukhang may pinapagawa itong mga plates.

"Dominique." Ngumiti ito sa akin. Sakto namang tumabi si Jazmine sa akin at pareho pa kaming hinihingal. Inabot ko ang bulaklak kay Miss Fin.

"Para sayo Miss galing kay Jazmine."

"Ha?!" Untag ng pinsan ko.

"Aww!" Kinuha nito ang bulaklak sa akin. "Ang sweet niyo naman. Salamat Jazmine. Teka para saan pala ito?"

"Para daw gumanda ang araw mo Miss."

"Ganun ba? Maganda na ang araw ko. Wait for me, treat ko kayo." Wika nito dahil break time na rin naman namin.

Hinintay namin ito saglit bago nag-dismissed. "Tara." Aya nito.

Lumingon ako ng parang may nakatitig sa akin and I was right. I saw Mrs. Knutson's emotionless and dangerous eyes.

I simply smiled at her bago sumunod kay Miss Fin at Jazmine.

I smirked. You want a piece of me?





Come and get me baby.








___

Heto ang closing update ko for now....

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now