Chapter 58

11.1K 595 36
                                    

Dominique

"Mommy dapat si Kuya na lang ang inaya niyo sa party ng kaibigan mo ngayon. Walang kasama si Mikaela sa bahay." Nakasimangot akong nakatingin kay Mommy Frances ngayon.

"Huwag ka ngang maattitude anak. Palagi ka na lang nakadikit sa fiancée mo saka isa pa. Ikaw ang isinama ko kasi ikaw ang gusto nilang makita. Matagal na raw hindi ka nila nasisilayan. Nandoon naman ang Mama Scarlet mo at Kuya Thunder. Mikaela's not alone."

Hindi na lang ako umimik. Hindi rin naman ako mananalo kay Mommy Frances. Napabuntong hininga na lang ako.

I'm wearing a white long sleeve knee length lace spring summer round neck party dress.

Pagdating namin sa venue ay maraming naka-park na mga sasakyan at puro nagmamahalan. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin dahil naiinis pa rin ako. Nami-miss ko na naman kasi si Mikaela. I can't seem to take my hands off of her.

Pumasok kami sa isang room pero natigilan ako ng makitang madilim sa loob.

"Mommy para namang walang-" Nagulat ako ng bumukas ang ilaw at makitang nandito lahat ng myembro ng pamilya ko.

Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay si Mikaela na nasa harapan ko ngayon. Seryoso itong nakatingin sa akin. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko.

"You ready to get married Miss Howard?" Using her Professor's tone. Pasimple akong napalunok.

She's wearing a ruffled white-tinted wedding glamor dress. She look hot and sexy kahit buntis ito. Mas naging kaakit akit ito sa paningin ko ngayon at mas minahal ko knowing that she's carrying my baby. Mas lalong natutunaw ang puso ko.

"You looked absolutely stunning-"

"I am asking you if you're ready to get married." Putol nito sa akin. Ngayon lang parang nag-sink in ang sinabi nito at kung anong nangyayari ngayon.

I am getting married?

Umawang ang mga labi ko dahilan para magtawanan ang mga pamilya kong nandito. Mula sa pamilya ni Tita Snow at Tita Natasha. Tita Risen at Tita Allison. Tita Jen, Tita Xen, Tita Amber, Tita Swan pati na mga pamilya ng mga ito. Lahat ng mga pinsan ko. Kompleto ang lahat.

"Anak huwag ng tutunganga diyan." Si Mama Scarlet na nakangiti sa akin.

Hinawakan ni Mikaela ang kamay ko at dinala ako nito sa harapan sa may pinakaentablado. Naghihintay ang isang Pari sa amin. He's like a foreigner.

"Teka lang-"

"Ayaw mo?" Malamig at walang buhay na tanong nito sa akin.

Natigagal ako.

"Hindi. I mean yes I want to marry you pero hindi pa nga ako nagpo-propose sa iyo ng tama. Dapat ako rin ang naghanda sa kasal natin."

Mikaela scoffed. "Sabi ni Mommy Frances ay mabagal ka. She planned. The whole family did these. They even brought a priest from Australia para malegalize ang kasal natin. And now you're acting like this?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ba pwedeng nagulat lang talaga ako ngayon? Kahit naman sino ay mabibigla talaga kapag ganito ang nangyari. Ng makabawi ay hinawakan ko ang kamay nito bago humarap sa pari.

"Please no more talking. Begin Father."

Natawa ang lahat. Nagsimula ang seremonya na lutang ako at mukhang nahimasmasan lang ng magsasalita na ako para sa vow ko.

"Noong una kitang makita. Ang sabi ko noon masyado kang sexy at maganda para maging asawa lang ng iba. Sinubokan kong lumayo sa iyo pero hindi ko nagawa. I decided to take a chance on you. Sabi ko, this is my person at ayaw kitang bitawan. Oo, masungit ka, mataray, bugnotin, wala ring modo at kadalasang malamig-"

I cleared my throat ng samaan ako nito ng tingin habang naririnig ko ang mahihinang tawa ng mga taong nakapaligid sa amin.

"P-Pero lahat ng iyon ay minahal ko sa iyo ng buong buo. I can't imagine my life without you. I thanked him kasi ibinigay ka niya sa akin. Lastly, gusto kong magpasalamat sa iyo sa pagbibigay mo ng tsansa sa akin. Sa pagbibigay mo ng anak. I love you so much Mikaela and I'll remain faithful to you hanggang sa huling hininga ko."

As I've said those words ay magkatitigan lang kami nito at parang nawala ang lahat sa paligid namin. It's just me and the person I vowed to cherish a lifetime.

"I never expected you'd come in my life and swift me off my feet. No more long vows Dominique. I love you." Panimula nito pero halatang tapos na rin.

Pambihira.

Lumapit ito sa akin para bumulong. "Subokan mong ipagpalit ako o dagdagan. Tatadtarin ko iyan."

Napalunok ako. T-Tang ina! Pati ba naman rito nagbabanta pa rin?

"F-Father can I kiss her now?" Baling ko sa pari kasi oo nga at nakakatakot ito pero na-turn on ako sa inasta nito.

Me and my raging hormones!

"Cous walang ganyan! Marunong kang maghintay!" Si Jazmine mula sa unahan.

Medyo tumagal saglit bago ang pagsusuot ng singsing sa isa't isa. Mukhang pinagplanohan talaga ni Mommy Frances ang lahat. Halatang halata na gustong gusto nito si Mikaela para sa akin.

"I now pronounce you wife and wife. You may kiss each other."

Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nito ay nakahalik na ako kay Mikaela. I held her hand saka ko ito itinaas habang pumapalakpak ang buong pamilya ko.

"Finally, she's mine!"

"Scam!" Sigaw ni Jazzy pero tawang tawa naman itong pumapalakpak.

"Miss Giudevaun." Si Mikaela kaya biglang nawala ang tawa ng pinsan ko at namula.

"Bakit hindi mo dinala si Miss Fin?" Tanong ko rito.

"Because this is a private family matter."

"But she's your bestfriend."

Tumitig ito ng malamig sa akin. Masaya ba talaga itong naikasal sa akin? Hindi na ako dapat nagtanong dahil masaya man ito o hindi ay walang pagbabago.

"If Sofiera came. What do you think it will happen to her and your cousin?"

Tama ito. Kasi kung nagpunta si Miss Fin at malaman nito ang pagkatao namin lalo na kay Jazmine. Sigurado akong iiwasan nito ang pinsan ko. Jazmine will be so heart broken. Mas magandang mahulog muna ito sa pinsan ko bago nito malaman ang totoo.

Napangiti na lang ako rito. "I love you Mrs. Mikaela Rielle Howard."

Natulala ako ng pasimple nitong kagatin ang pang-ibabang labi nito.

"Tonight?" Tanong nito.

"Ha?"

Tinitigan ako nito ng mapang-akit. Kahit sa harapan ba naman ng buong pamilya ko ta-tratuhin ako nito ng ganito?

"I'm wearing a red lacey underwear."

Napaawang ang mga labi ko rito.

"Close your mouth sweetheart." Saka ito kumindat sa akin.

Right now. I didn't die.







I came to life.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now