Chapter 56

12.6K 721 79
                                    

Dominique

"Baka matunaw." Mahinang wika ni Jazzy habang nagsusulat ito.

Tapos ko na rin naman lahat ng gagawin naming activities sa subject ni Mikaela kaya heto ako ngayon at abalang nakatitig sa Professor naming blooming.

"Sana babae ang dinadala niya."

"Kung makulam cous. Magmamana sa iyo. See? They even need to change your birth name dahil akala nila noon lalaki ka talaga."

That's true. My birth name is Dominic Sebastien. Simula noong pinanganak ako hanggang ngayon ay sobrang feminine ng features ko na akala daw nila noon babae talaga ako.

Parehas lang din kami ni Mama Scarlet. Ang birth name nito ay Scott. Noong pre teen ay nagsimula daw na magbago ang ilan sa pisikal na anyo nito although napagkakamalan na talagang babae noon pa man dahil magandang babae naman talaga ang itsura nito kaya lang ay sumabit kaya imbes na gamitin ang totoong pangalan nito ay mas pinili na lang na palitan para hindi nakakalito.

"Wala naman sa akin iyon Jazzy basta malusog siya. Magiging proud pa ako kung matutulad siya sa akin. Alam mo na. Iilan lang kami sa mundo na ganito so ibig sabihin, rare ako."

Natawa ito ng mahina. "Tapos makakahanap ng matandang Propesora na saksakan ng kalamigan."

"Si Fin ba iyon?" Asar ko rito.

Awtomatiko itong nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi malamig si Sofiera." Depensa nito.

"Sa part na matanda na." Paglilinaw ko rito.

"Baka ibig mong sabihin e Mikaela pa rin. In short-"

"Mine." Putol ko sa sasabihin nito.

"Reyes and Howard! Stay behind after class!" Narinig kong wika ng babaeng mahal ko sa malamig na boses. Well, wala namang bago.

Agad na nagyuko ng ulo si Jazzy at kunway abalang abala talaga sa pagsusulat. Gusto kong matawa dahil namumula ang mga tenga nito idagdag pang nanginginig ang hawak nitong ballpen ngayon.

Naaawa ako sa pinsan ko sa totoo lang dahil takot talaga ito kay Mikaela. Siguro dahil hindi pa kami nakakasalamuha ng taong kagaya ni Mikaela. Ito ang una kaya hindi alam ng pinsan ko kung paano ito pakikisamahan. Ganun rin naman ako noong una pero ngayon ay sanay na sanay na ako. I have nothing to lose kung sumagot man ako minsan ng pabalang.

Ng matapos ang klase ay nanatili kaming nakaupo ni Jazmine hanggang sa kami na lang na tatlo ang natira. Sinara ng huling kaklase namin ang pintuan ng utosan ito ni Mikaela.

Tinignan kami nito ng malamig. "Why are you two whispering inside my class?"

"Important stuffs?" I answered.

"Like what?"

"Si Miss Fin." Walang gatol kong sagot rito.

Agad na nag-angat si Jazzy ng mukha. Unti unting tumaas ang kanang kilay ni Mikaela. Kahit saang anggulo maganda pa rin talaga. Nakakabanas.

"Miss Reyes, hold your hormones when you're inside my class."

Nanlaki ang mga mata nito. "I-It wasn't me Ate!"

"Bakit ang laki ng boses mo?" Walang emosyong tanong nito.

Jazzy cleared her throat. "It wasn't me Ate." Sobrang malumanay na ulit nito.

"What about Sofiera?" Tanong ulit nito.

"Siya raw ang Athena ng buhay ni Jazzy."

Tinignan ako ni Jazmine at pinanlakihan ng mga mata.

"Athena my ass. You can't even make a move on her."

Napapikit si Jazzy na parang nanakit bigla ang ulo nito.

"And she have a name for you as well." Patuloy ko. Agad na nagmulat si Jazmine.

"What is it?" Si Mikaela habang diretsong nakatingin kay Jazzy.

"A-Ano Ate.. Aphrodite."

Lumapit ako rito at saka bumulong. "What happened to Medusa- Aray ko!" Angal ko ng sapakin ako nito.

Ngumiti ito ng alanganin kay Mikaela.

"Next time Reyes. Pay attention and don't suck up in my class. Ikaw naman." Baling nito sa akin. "I will punish you later."

Lumapit si Jazzy sa akin para bumulong. "Choke me mommy- Aray!" Wika nito ng sapakin ko rin.

"Knock it off!" Suway ni Mikaela sa amin kaya pareho kaming natahimik.

Ilang sandali lang ay may kumatok sa pintuan bago nito iyon pihitin saka bumukas. Tumambad si Miss Fin na gaya ng dati ay maaliwalas ang mukha at nakangiti.

"Hi. I got something." Itinaas pa nito ang isang malaking paperbag bago pumasok sa loob at ni-locked ang pinto.

Dumiretso ito kay Mikaela at bumeso rito saka inilapag ang paperbag sa lamesa.

"Dominique." Akma rin itong bebeso sa akin ng-

"Don't you dare Sofiera."

Natigilan si Miss Fin. "Why not?" Takang tanong nito.

"She's mine." Flat nitong sagot.

Hindi ko tuloy mapigilang kiligin. Inaangkin na talaga ako nito. I never thought this day would come.

Mahinhin na natawa si Miss Fin. "Ok then, yours." Lumapit ito kay Jazmine at hinalikan ang pinsan ko sa pisngi nito. "Hi Jazzy." Bati nito.

Itong pinsan ko para ng natuka ng ahas. Namula ng husto. Mabuti na lang at tumalikod agad si Miss Fin para tignan ang nasa paperbag.

"This was given by Mrs. Risen Giudevaun. You know the owner of the school right? She said to share with you guys."

"Ano po?!" Si Jazmine na halos mapatalon pa si Miss Fin dahil sa gulat. Hinawakan pa nito ang dibdib.

"Jazmine! Don't scare me like that!" Suway nito.

Namukol ang pisngi ng pinsan ko dahil sa dila nito. Yuck! Gusto kong sampalin ang pisngi nito para dumiretso ang dila nito sa loob. Ang pangit talaga ng mannerism nito.

"H-Hindi ko po sinasadya."

"That's ok sweetie." Napahinga si Miss Fin bago inisa-isang ilabas ang mga glass containers na may mga lamang pagkain na nasa loob ng paperbag.

Lumapit ako kay Jazzy saka bumulong. "Now you choke me mommy."

Namula ng todo ang mga pisngi nito.

"Are you guys ok?" Nagtatakang tanong ni Miss Fin sa amin habang naglalabas ng mga disposable spoon and forks at may kasama pang mga chopsticks.

"Ayos lang po." Ngumiti ako rito pero bigla ring nawala ng makita ang malamig at deretsong tingin ni Mikaela sa akin.

Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain.

"Sofiera."

Tumingin si Miss Fin kay Mikaela habang kumakain kami ni Jazmine.

"What?"

"May nanliligaw ba sayo?" Kaswal na tanong nito.

"Ah." Medyo namula ang pisngi nito bago maarteng inipit ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng tenga nito. "Meron pero hindi ko naman feel. Bakit may irereto ka?"

"Yeah."

"Baka mamaya bata iyan ha." Tudyo nito saka ako tinignan at ngumiti kaya ako naman ang namula.

"There's nothing wrong with that. See what happened?" Tukoy nito sa tiyan nito. Napangiti ako. She seem really proud of it.

"Sabagay. Kung siguro katulad ni Dominique. Pwede pa. Sayang kasi walang ganun si Jazmine."

Bumalik ang tubig na iniinom ni Jazzy mula sa bottled water nito. Literal na itong naubo kaya nagmamadaling tumayo si Miss Fin para daluhan ang pinsan ko.

"I think she's choking!" Tarantang wika nito.










Yes Mommy! Choke her!

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now